13.3 Long and Lasting

50 1 0
                                    

Matapos ang dinner nila ay tinawag ang bawat pamilya ng mga kamag-anak niya para sa pictorial , nagkaroon din ng sayawan. Nauna nang umuwi ang mga katrabaho ng mama niya, ang Captain naman niya na asikasong asikaso ng mama niya ay nagpaalam na ding umuwi dahil may maagang meeting pa sa school bukas, bago ito umalis ay niyakap niya ito ng mahigpit at nagpasalamat.

Nagkakasayahan ang mga kamag-anak niya, nagsilbi kasi itong munting reunion nila. Tinakasan naman niya si Sophie na kanina pa siya kinukulit magkwento tungkol sa 'boyfriend' daw niya na nakita nito sa facebook. Ang kulit din ng isang yon.

Nagpunta siya sa garden ng restaurant, it has a wide space surrounded by many lights. Inalis niya ang sapataos niya at inilapag ito sa batong bench na naroon, kanina pa niya ipinatanggal ang ikinabit na saya sa kanya.

Medyo masakit at namumula ang paa niya pagkatanggal sa sapatos, bukod sa unang beses niyang magsuot noon ay matagal pa siyang nakipagsayaw kanina kaya laking ginhawa ng maalis niya ito, nakakakiliti sa talampakan ang bermuda grass.

Naglakad siya sa gawi ng garden na natataniman ng maraming orchids na may iba't ibang uri ng mga bulaklak, mayroon ding fountain sa pinakagitna at altar na nakaattach sa pader. Nakakarelax ang tanawin, hahakbang pa sana siya ng may marinig siyang tumikim sa gawing likuran niya.

"Good evening Ms. Megan Fox".

bumaling siya at nakita ang lalaking nakaitim na tuxedo, puti ang polong nakapaloob doon at nakabukas ang dalawang butones mula sa leeg, nakasuot ito ng black at dark blue na choker, lapat ang itim na slacks at makintab ang itim na leather shoes.

"Perez? What are you doing here?" humahakbang ito palapit sa kanya at hindi niya alam kung bakit biglang nag-iba ang itsura nito sa paningin niya.

Mula sa medyo may kahabaan nang buhok na hindi na papasa sa standard na gupit ng lalaki sa college nila, nakataas iyon, bahagya nang halata ang pagiging wavy, bumaba ang tingin niya sa makapal na kilay nito, sa matangos na ilong, sa labing parang nakalipstick dahil mamula mula at sa medyo pangahang hugis ng mukha.He looked handsome. Bakit parang ngayon lang yata niya nabistahang mabuti ang itsura ni Perez, dati ay kapag naiisip niyang idescribe ito ay matangkad at maputi lang ang agad na pumapasok sa isip niya. Pero ngayon? Hindi niya na napansin na napalunok siya habang nakatitig lang dito, nakalapit na ito sa kanya.

"I'm invited." sagot nito sa tanong niya. Bigla naman siyang natauhan at bahagya pang napaatras, think,you need to say something Gene.

"Ah, talaga? Sinong naginvite sayo? And if you're invited, bakit ngayon ka lang dumating? Patapos na yung party." Nice one.

Parang ito naman ang napaisip ng isasagot.

"Ahhh ano kasi, I needed to run some errands, I'm sorry na nalate ako. And your brothers invited me." sabi nito sa apologetic na tono.

"Ganoon' you're too late actually, pero pwede ka pa naman makishot kina Tres sa loob, they're with my cousins, kumain ka na ba?" wala sa isip niya na iimbitahin din ito ng mga kapatid niya, the element of surprise is still there.

"No need, hindi naman iyon ang ipununta ko dito." sabi nito.

" E ano pala?"

"I still want to get my dance." diretsong sabi nito habang seryosong nakatingin sa kanya. Napatanga siya, Seriously? Gusto ni Perez na isayaw siya?

"I was supposed to be your last dance, but I didn't arrive on time, I'm sorry again for that." paliwanag pa nito.

Si Perez ang last dance niya? Meaning, ang dapat na escort niya? Kaya ba lingon ng lingon ang mga kapatid niya kaninang sumasayaw sila dahil hindi lumitaw si Perez kanina? Alam niyang mukha na siyang tanga katatanong ng mga iyon sa isip niya pero ayaw tumigil ng mga unexpected things na nangyayari.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now