17. Hard and Heavy

24 0 0
                                    

"This is your car?"

"Yeah, gift sakin ng mommy ko last year, ang ganda no! Yellow is my favorite color."

"Ah, yeah it looks good." nakatulala lang siya sa harap ng sasakyan. Si Maricar, siya ba ang girlfriend ni Stefan? They have the same car, but she doubt it kung magkaibang tao ba si Maricar at ang babaeng nakita niya sa village nina Stefan, this car is a big fortune para magkaroon ito ng kapareho sa isang lugar tulad ng probinsya nila. Nawala siya sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ni Maricar, sinagot nito iyon.

" Hello Ric, yeah, pauwi na ko. Yup, I got my car na, yeah.. sige dun na lang tayo magkita... don't worry I'll find my way. Sige... ok.. you too."

Ric.. si Stefan ba yung Ric na kausap nito?. Ric for Alaric?. lalong lumakas ang kutob niya na si Stefan nga iyon, at kasabay noon ay parang may part sa dibdib niya ang unti unting gumuguho.

" Gene, remember yung childhood friend ko na sinabi ko sayo? Magkikita kami ngayon, wanna go with me, I'll introduce you to him" alok nito. She can't read her face, she's smiling but somethings different.

Gene, hindi pa naman confirm na siya nga ang girlfriend ni Stefan bakit pinagiisipan mo na siya agad? Bulong ng utak niya.

" May schedule kasi ako sa gym ngayon eh, next time na lang Maricar." pagsisinungaling niya, kung si Stefan nga ang kikitain nito, she's not ready for the truth yet, hindi na nga maganda ang pakiramdam niya eh.

" Ganun ba, hmm sige, I'll see you na lang tomorrow. Ingat sa pag-uwi."

" Sige, ikaw din. And enjoy." pilit siyang ngumiti. Nang makaalis ang sasakyan nito ay napako na siya sa kinatatayuan niya.

Si Maricar na tinuturing niyang new buddy, instant crush ng bayan dito sa school, dyosa at masarap kasama lahat na yata ng compliment sa isang babae ay nasabi niya dito pati ng mga kaklase niya, and it turns out, she's Stefan's girl. Great! Stefan has a great taste for a girl!

Oo, oo nga.Hay, anong swerte nga naman ng lalaking magugustuhan ni Maricar. And Stefan is the lucky lucky guy Gene. Her heart is aching with the idea, why?

Teka nga Gene, ang layo na ng narating ng utak mo wala ka pa namang ebidensya na si Stefan nga yung Ric na kausap ni Maricar. Atsaka kung boyfriend niya si Stefan bakit childhood friend lang yung pakilala ni Maricar, di ba'. Wag ka kasi nagko-conclude agad.

" Brad! Huy Gene!" nagulat pa siya sa kung sinong tumawag. Paglingon niya ay nakita niya sina Aguirre at Samson.

" Gene, bakit para kang tuod dyan, ayon sa dulo yung motorbike mo ah." sabi ni Samson ng makalapit ang mga ito.

" Dito kasi nakapark yung sasakyan ni Maricar, kakaalis lang niya."

" Hay, si Maricar nanaman, nakakaselos na yang Maricar na yan, palaging siya na lang ang kasama mo Brad." himutok ni Aguirre.

" Oo nga  Gene, simula nung dumating yung chika bebot na yun kinalimutan mo na kami." sabi ni Samson.

Itong dalawang ito ang laging niyang kasama simula first year. Pero nung dumating nga si Maricar ay bihira na siyang nakakasama sa dalawang ito. She felt guilty, these two are her best buddies na biglang naleft behind dahil kay Maricar, nagtatampo na pala ang mga ito sa kanya.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now