10. Souvenir

30 1 0
                                    

Naupo kami sa bleachers malapit sa gilid ng stage, malapit nang mag umpisa ang programa at nakaupo na sa taas ng stage ang Presidente at iba pang importanteng tao.

" Ate ang daming tao, dito ba lahat nag-aaral ang mga estudyanteng yan?" tanong ni Chino na nililibot ng tingin ang mga bleachers na nakapalibot sa field, punong puno ito at marami pa ang nakatayo sa likod niyon.

" Hindi, galing sa ibang branch ang iba dyan." sagot ko. Hindi ko din maiwasang ilibot ang tingin ko, tinanawa ko ang tuntungan ko na nasa bandang gitna ng field.

" Babe, nakatingin sayo ang Captain mo" wika ni kuya, nakatingin siya sa stage. Lumingon ako sa stage at nakita ko si Captain kasama ang iba pang mga Dean. He mouthed the word ' goodluck' ng magtama ang tingin namin. Sinuklian ko siya ng ngiti at tumango.

Nagumpisa nang magsalita ang emcee, ipinakilala nito ang mga tao sa stage at nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo, nagbigay ng speech ang Presidente ng school at ang Head ng mga PE teacher. Matapos niyon ay ibinigay sa Captain nila ang mic.

" Good Evening everyone, again thank you to all of the teachers, guests and students who are here tonight as we make another history for our yearly festival. I will not make it long, we all know that to officially open the festival is the famous torch lighting, and I am here to introduce to you one of my bests student to do that honor, and I'm telling you she's a girl. A tough girl, and she will do it in a very fantastic way. Here she is, from the College of Criminology, third year student and our top female athlete, Geneva Adrianna Lopez!"

That was still a long speech Captain, nagpalakpakan ang mga tao, humihiyaw at proud na proud naman ang mga kadepartment niya.Hawak niya ang bow at pana ,tumayo na siya para pumunta sa kanyang pwesto ng tawagin siya ni Tres.

" May kulang. " wika nito. Lumapit siya sa akin.

" What?" may dinukot siya sa bulsa at isinuot sa akin ang aking dog tag.

" Ngayon mo pa to nakalimutan isuot, you need it the most right now," wika nito.  I sincerely smiled at him. " Thanks bro." at naglakad na ako patungo sa tuntungan ko.

Nang makatuntong siya doon ay natahimik ang mga tao, mataman niyang tinanaw ang malaking kawa. Papadilim na noon kaya may nakatutok nang ilaw doon.

Hinalikan niya ang kanyang dog tag. Guide me.

Inayos niya sa bow ang panang may tela at basa ng gaas sa dulo at sinindihan iyon sa sulo na nasa gilid niya. Iniangat niya ito sa direksyon ng kawa, sinipat at tinitigang mabuti.

Pakiramdam niya ay hindi humihinga ang mga tao sa palgid, napakatahimik at tila hinihintay lang na tuluyan na niyang pawalan ang panang may apoy. I can do this, I can do this, paulit ulit niya iyong sinasabi sa isip niya. Bahagyang umihip ang hangin, hindi niya alam kung bakit sa huling segundo ay gumawi ang tingin niya sa sulok ng stage.

There he is, standing crossed-arm, giving her that look again, and when their eyes met he slowly mouthed the words ' you can do it' .

Pinawalan niya ang pana, tila napakahabang sandali ang nagdaan ng lumipad ang pana sa ere, at parang sa isang pitik ay mabilis itong lumapag sa loob ng kawa, dagling nagsindi ang malakas na apoy. Umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan, sinabayan pa iyon ng mabilis na pagtambol. Nang nilingon niya ang mga tao sa bleachers ay nakatayong lahat ang mga ito. Nagtatalunan at hindi magkamayaw sa tuwa ang mga kadepartment niya.

"There it is. The Gintong Ani Festival has officially started" malakas na sigaw ng Emcee sa mic.

She did it. Yeah, she really did it.

Tiningnan niya ang pamilya niya at hindi matatawaran ang proud na proud na itsura ng mga ito. Ngumiti siya at bago bumaba sa tuntungan at marahang yumuko. Bago siya naglakad patungo sa pamilya niya ay muli niyang nilingon ang sulok ng stage. He's still there. Malaki ang ngiti nito, proud din? That moment, doon pa lang niya naramdaman ang tuluyang pagkawala ng tensyon sa katawan niya dulot ng stunt na ginawa niya. 

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now