18. Silent Torture

29 1 0
                                    

Two months.

Two freaky fucking annoying months.

Ganoon na katagal simula ng umpisahang ihatid sundo ni Stefan si Maricar sa school. Naging regular sight na ang paghahatid ni Stefan kay Maricar hanggang sa building ng criminology. Hindi niya alam kung paanong pinapayagan makapasok ang sasakyan nito gayung hindi na ito estudyante sa school.

Araw araw na lang, parating nakaabang sa hallway ang mga kaklase niya maging ang taga ibang section para lang makita si Maricar na bumaba sa land cruiser ni Stefan at bibigyan pa nito ng halik sa pisngi ang huli bago ito umalis.

Minsan nga ay buong maghapon pang nagi-stay sa school si Stefan para makasama si Maricar. Magtiyaga itong naghihintay para magkasabay sila kumain at maglambingan. Wala siyang magawa kundi ang makisama sa mga mga ito kahit pakiramdam niya ay para siyang isda na inaalis sa tubig sa tuwing harap harapang yayakapin at hahalikan ni Maricar si Stefan sa pisngi. Tuwang tuwa naman itong si Stefan.

Ayaw man niyang makita ay hindi niya maiwasan, sa buong dalawang buwan na iyon ay pakiramdam niya ay nakapulot siya ng sakit sa puso.

Sa tuwing matatanaw niya si Stefan kapag ibinababa nito ang bintana ng sasakyan ay bumibilis ang tibok ng puso niya, pero kapag nakita na niyang hahalikan ito ni Maricar ay nahihirapan siyang huminga, parang may humihiwa sa loob niyon. Akala niya ay mawawala rin iyon at masasanay siya sa araw araw na nakikita niya pero hindi, lalo pa iyong lumalala sa pagdaan ng mga araw.

Madalas nga ay hindi na niya alam kung nagiging totoo pa siya kay Maricar, napakabait nito sa kanya at nakikita niya rito na gustong gusto siya nitong kasama. Palagi itong blooming at masaya. Naman!

Walang wala sa isip niya na sa pag-graduate ni Stefan ay magiiba ang lahat sa kanila, naalala niya ng minsang maabutan niya ito na kalalabas lang mula sa office ni Captain, dun din sana ang punta niya.

" Good morning Gene." Bahagya itong nakangiti.

" Good Morning din, is Captain inside?" tanong niya at huminto sa harap nito.

" Yeah."

"Ahh, buti naman at binisita mo siya." normal na usapan lang pero kumakabog ang dibdib niya, malala na yata siya.

" Oo, I missed him." Ako hindi mo namiss?

" Did he asked you kung bakit di ka pa nagtetake ng board exam?" mas interesado siyang malaman yon.

" Yes, I said magtetake ako sa October, I just took my time to rest ." sabi nito na parang gusto nang umalis. He's too civil na hindi nito ugali dati. Wala na yung dating Perez.

Property of Megan FoxTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang