6. Cheesy and Sweet

37 1 0
                                    

Gusto kong matawa sa itsura niya. Nilapitan ko siya ng may nakakalokong ngiti sa labi. Nakagray shirt ,blue jeans at loafers siya.

"Perez, shopping eh?" Sabi ko at tiningnan ang mga bags na bitbit niya.

"Hey Fox, bonding with your brothers, I see" sagot niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Yeah, pwede ba kitang picturan?" Biglang tanong ko.

Mukhang nagtaka pa siya pero maya maya lang ay ngumisi din.

"Why? Narealize mo na bang sobrang gwapo ko at gusto mo nang titigan ang mukha ko sa gabi?" Whew! Iba talaga itong si Perez, always with a come back.

"No, ipapadevelop ko lang at ibebenta sa school, I'm sure kikita ako ng malaki, with your looks right now, who would've thought na ang mighty leader ng College of C. ay isang......" binitin ko ang huling salita at tinitigan siya.

Mukang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Nagsmirk pa si loko,alam ko kinakabahan na ito. Hah! Gantihan na ito!

"Don't be silly, these are not mine." Sagot niya na tinutukoy ang mga paper bags. Wushu! Deny deny din Perez.

"And I'm with my girlfriend" dagdag niya. Wehhh??? Girlfriend mong lelong mo.

Pingkrus ko ang braso ko. "Really?"

"Really, why Fox, jealous?" Ito naman ang ngumisi ng nakakaloko. Batikan na talaga siya mangasar .

"In your nightmares Perez, who's the blind girl?"

"She's inside" turo nito sa salon.

"Sino don? Yung may blonde?" Sabi ko at tinuro ang baklang naggugupit ng buhok. Natawa ako sa naging itsura niya.

"In your nightmares" bulong nito.

Aasarin ko pa sana siya pero nadinig ko nang tinawag ako ni kuya.

Paglingon ko sa kanila ay may bitbit na silang eco bags sa magkabilang kamay.Nakita nila si Perez at nakipagtanguan dito. Lumapit ako at kinuha ang tatlong bags na natira. Napasimangot ako.

" Bakit ang bibigat naman nito?"

"Nahuli ka eh, sorry na lang" asar ni Tres.

" Kunwari ka pa Ate, e mas mabigat pa nga dyan yung dumb bells na binubuhat mo sa gym" sabat ni Chino na puro chichiria ang laman ng eco bags na dala.

Nakaramdam ako agad. Ngumisi ako. " Mga bro, huwag ganon. Ang ampalaya kinakain, hindi inuugali" sabay pa silang umingos. Binitnbit ko na ang mga eco bags .

"Looooosssers" mahabang bulong ko habang nagpipigil ng tawa.

" Hey!Let's go, ayaw niyo bang kumain?" Tawag ni kuya Ice . Sumunod na yung dalawa. Susunod na dapat ako ng bigla kong naalala si Perez.

Nilingon ko ang salon pero wala na siya don. Luminga linga ako at nahagip ng mata ko ang papalayong bulto ng matangkad na lalaki na nakahawak ang isang kamay sa beywang ng babaeng nakayellow na dress.

Matagal kong tiningnan ang dalawang pigura hanggang lumiit sila sa paningin ko.
Aba- aba at meron ngang nagkamali kay Perez...

"Ate Gene!"

"Andyan na".

Kumain pa kami at nagArcade bago umuwi. Madilim na sa labas. Past 6 na pala. Pagdating sa bahay ay wala pa rin si mama, dumiretso ako sa kwarto at nahiga.

Nakakapagod din makipagsabayan sa mga kapatid ko. Mukang nabitin pa sila sa arcade dahil dumiretso sila sa entertainment room. Bukas ko na lang aayusin ang mga binili namin.

Bumibigat na ang mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. It was a notification from my facebook.

'Today is Emmanuel Angelo Aguire's birthday.......'

Hapon naman na dumating ang notif na to.. kinuha ko ang laptop at nagbukas ng fb.Hindi ako kuntento sa maliit na screen. "Gi-greet ko si Aguire" . Isa iyon sa makukulit na tropa niya. Pagkabati niya dito ay tiningnan niya ang kanyang News Feed. Ilang araw na din siyang hindi nakakapagbukas ng facebook.

Ng irefresh niya ang news feed ay lumitaw ang isang status na two minutes pa lang napopost.

'Alaric Stefan M. Perez is feeling happy' : Yeah, absolutely' ( waited so many years just to see a little light)'

Sus! Ang cheesy mo pala Perez. First time bang nakipagdate kanina?! Ireready ko na ang bala ko sayo. Humanda ka, Haha.

-----------------------

Christmas Eve. Salo-salo kaming nagdinner sa bahay.Pinagtulungan namin iluto ang mga handa na puros paborito namin. Nagbukas ng wine si kuya at tuwang tuwa si Chino na pinayagan siyang makiinom ng konti. Nang alas dose na ay masaya kaming nagbatian at nagyakap yakap. Nagbigayan kami ng gift sa isa't- isa. It's always like this every Christmas. Very happy.

Past 1Am na at nakaakyat na ako sa kwarto. Naghahanda na akong matulog ng nakadinig ako ng katok sa pinto.

"Babe". Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.

"Kuya."

"I just want to give you this." sabi nito at inabot ang isang maliit na kahon. Red ang balot nito at may gold ribbon sa ibabaw.Kumunot ang noo ko.

"Di ba nabigay mo na yung gift mo kanina?" sabi ko. Nasa side table ko ang apat na kahon na naregalo ko at hindi ko pa nabubuksan.

"Ahhh, ayaw mo yun' dalawa yung gift ko" sabi niya.

" Bakit dalawa? Tsaka bakit ngayon mo lang binigay tong isa?" kulit ko pa. Napakamot siya sa batok niya.

"Kase babe, special ka. Tsaka ikaw lang ang binigyan ko ng dalawang gift. Baka magtampo sila Chino kung sabay ko yan binigay , makikita nila." sagot niya. From uneasy to relief. Yun ang nasa muka ni kuya that moment. Ngumiti ako.

"Ahhhhhh, si Kuya Cheesy" at niyakap ko siya. Niyakap din niya ako.

"Siyempre,you're special kasi. Kahit ayaw mong i-treat kang prinsesa, ikaw pa rin ang princess namin. You will always be. "sabi nito, kumalas ako at tiningnan siya.

"Thanks Kuya, you're the best, I'm so tats" sabi ko sabay tapik sa dibdib ko.

Natawa naman siya.

"Sige babe.Matulog ka na. Merry Christmas ulit." ngumiti ako at tumango.

"You too kuya" sinara ko ang pinto. Pagkaupo ko sa kama ay inalis ko ang balot ng pangalawang regalo ni kuya. Napangiti ako ng makita ang laman ng maliit na kahon. Ang ganda.

It was pair of a very tiny , star shaped earrings at mayroong mas maliliit na tig-tatlong bato sa loob non. Hindi ako mahilig sa mga alahas pero naapreciate ko ang ganda noon. Naisip siguro ni kuya na isusuot ko iyon dahil napakaliit at hindi agaw pansin.

Ang sweet ni Kuya.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now