20. Stupid Chase

34 1 0
                                    

Hindi pa siya nakakabawi sa pag-amin nitong tomboy ito at sa kaalamang ginagamit lang nito si Stefan, eto pa ang isa. Pakiramdam niya ay kinuryente siya. Oo, kinuryente siya ng sunod sunod na pagsisiwalat nito ng mga sikreto.

Alam niyang gusto siya ni Maricar, gusto siya nitong kasama at kausap. But the idea of Maricar liking and admiring her on a romantic way, something with malice, parang ayaw tanggapin ng utak niya. Titig na titig lang siya rito habang nakabuka ang bibig niya.

" Gene, say something. I want to know your side, I know my revelations are too much to take pero kasi ayoko nang itago. " nagaalala ito sa hindi niya pagkibo.

" Gene, please huwag mo kong iiwasan. Wala naman akong ibang gagawin eh, gusto ko lang talaga na malaman mo kung ano ako at kung ano yung feelings ko sayo at yun lang talaga, wala ng iba. We will stay friends, walang magbabago." paliwanag pa nito.

Oh Maricar, you're such a bomb.

Shocked pa rin siya pero pinilit niyang ituwid ang utak niya.

" Maricar, sa totoo lang hindi ko alam ang magiging reaksyon ko." tapat na sabi niya. Tumayo siya at huminga ng malalim.

" Gene, nagpromise ka sabi mo nothing will change."

" Oo nga, pero sa tingin ko I need time to think about this, lahat ng sinabi mo, I need time para maabsorb ko lahat."

" I understand, and don't worry I will not put you in a rush. I can wait." sabi nito.

" But Maricar, may gusto lang sana akong ipayo, I know ikaw lang ang makakapagdecide nito but I think kailangan mo rin tong sabihin kay Stefan. He deserve to know the truth, kapag pinatagal mo pa to masasaktan mo siya, gusto mo ba yon?" mataman siyang nakatingin dito. She's trying to knock some sense into her, yun naman talaga ang dapat nitong gawin.

Protecting Stefan, eh?

Tumango ito at sinabing pagiisipan nito kung paano aamin kay Stefan kapag nakabalik na ito galing Manila. Sinabi naman niya na kailangan na niyang umuwi, inihatid siya nito hanggang sa tapat ng bahay nila.

" Thank you Maricar." sabi niya bago buksan ang pinto ng sasakyan.

" No, ako dapat ang magthank you sayo, hindi mo ako hinusgahan sa kung ano ako talaga." namumula pa rin ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina.

" Ano ka ba, hindi naman ikaw ang unang tao na umamin na kabilang ka sa third sex. If you want to keep it a secret to others don't worry you're secret is safe with me." nakangiting sabi niya. Mas binubuksan niya ang isip niya para dito, para mas maintindihan niya ito.

" Thank you talaga Gene, sabi ko na nga ba you're the best." ngumiti na rin ito.

Bumaba na siya, bumaba rin ito at inabot sa kanya ang pink paper bag na galing sa mall, dun nakalagay yung binili nitong dress.

"Take this Gene."

" What? Sayo to. Tsaka yan yung dress di ba' aanhin ko naman yan?"

" Trust me magagamit mo rin yan. Tanggapin mo na. Remembrance ko na lang yan sayo."

" Remembrance? Bakit aalis ka na ba?"

" Hindi, pero just in case magbago ang isip mo at magdecide kang ayaw mo na akong kasama at least meron akong maiiwan sayo."

" Ano ka ba! Hindi mangyayari yon, kung anu-anong iniisip mo. " natatawang sabi niya.

" Sana nga Gene."

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now