19. Revelation

60 1 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising siya na masakit ang ulo at parang sisipunin mabigat ang pakiramdam niya, physically. Napatingin siya sa pinto ng kwarto ng bumukas iyon.

" Good morning babe" pumasok ang kuya niya dala ang tray ng pagkain.Bread, bacon, egg at gatas.

" Breakfast in bed, thanks Kuya , wala ka bang pasok?" Husky ang boses niya.

" Maghahalf day lang ako. How do you feel? Ang taas ng lagnat mo kagabi." sabi nito at sinalat ang noo niya, mainit pa rin siya. Hindi na siya nakapasok.

" I feel tired" tapat na sabi niya. Physically and emotionally. Malaki ang nabawas sa bigat ng dibdib niya dahil sa ginawa niya kahapon but the pain is still there. Umupo sa gilid ng kama ang kuya niya at mataman siyang tiningnan.

" Babe, nagpunta dito kagabi si Al at yung kaibigan niya, they were so worried about you, bigla ka na lang daw umalis." sabi nito.

She's not just a friend kuya, girlfriend siya ni Stefan. Pinapatay nila ko sa selos and I needed to leave before they suffocate me. Gusto niyang isagot sa kuya niya iyon but she's not ready to talk yet. Sakin lang muna to.

" Nagtext naman ako bago ako umalis kuya, don't mind them." muli siyang humiga sa kama.

" Babe, I know hindi ka pa ready to talk about it, but I'm here, I'll listen kung kailan kaya mo na ilabas yan."

She's thanking the heavens na nagkaroon siya ng ganito kabait at maunawain na kapatid, bonus na lang na napakagwapo pa nito. Swerte ang babaeng mamahalin ng kuya niya.

" Thank you kuya." naiiyak na sabi niya. Nagkulubong siya para hindi nito makita ang luha na nagbabadya nanamang tumulo. Naramdaman niyang tumayo ito lumabas sa pinto.

Tatlong araw siyang hindi nakapasok dahil sa lagnat niya, hindi pa rin natatanggal ang ubo at sipon niya pero pagdating ng Thursday ay pumasok na siya. Hindi natahimik ang phone niya ng nagdaang tatlong araw sa dami ng nagtetext sa kanyang kaibigan at prof. pati si Captain ay hinahanap siya. Natahimik na lang ang mga ito ng sabihin niyang ok lang siya at papasok na siya sa Thursday.

Pagpasok niya sa room ay sinalubong siya ng mga kaklase niya na parang isang taon siyang hindi nakita.

" Brad, anyare sayo? Tatlong araw kang absent, nagkaLBM ka ba?" sabi ni Aguirre na tinapik siya sa balikat.

" Kelan ka pa naging absinera Ms. Lopez?" biro ni Samson. Nawala na ang tampo ng mga ito sa kanya at madalas na ulit siyang lapitan.

Nagkakaingay pa ang mga kaklase niya, ng tingnan niya ang upuan niya ay nakita niya si Maricar na nakaupo sa katabing upuan. Nagtaka pa siya dahil naunahan siya nitong pumasok, ngayon lang nangyari iyon. Lumapit siya at umupo sa tabi nito. Ngumiti ito bigla ng makita siya.

" Gene! Mabuti naman at pumasok ka na, namiss kita sobra." sabi nito at niyakap pa siya.

" Oo nga, namiss kong matulog eh." pilit ngiting sabi niya. Nakakapagod magpanggap na ok lahat pero wala siya sa lugar na maging mean dito gayung wala itong alam sa nararamdaman niya. Kaibigan niya ito.

" Huwag ka na nga aabsent ulit, nakakalungkot eh." sabi pa nito. She's not sure but she sensed something different in her, parang malungkot ito? Namiss ka nga niya Gene.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now