13.2 Seventeen Only

22 1 0
                                    

Nang makapunta siya sa maliit na stage ay nagtayuan at nagpalakpakan ang mga bisita, nakita niya sa harapan ang mga kapatid niya na gwapong gwapo sa mga suot nitong tuxedo.

"Ate, congrats! Babae ka na! " sigaw ni Tres.

" Yes naman! Pwede ka na daw magboyfriend!" sigaw naman ni Chino, bahagya itong binatukan ng kuya nila.

"Happy Birthday Babe" nakangiting sabi ng kuya niya, bakas sa mukha nito ang appreciation sa itsura niya. Korona na lang ang kulang at mukhang prinsesa na talaga siya.

Pinaupo siya ng emcee sa magandang upuan sa stage at sinimulan na ang program. Unang pinakita sa malaking projector ang compilation ng mga pictures niya nung bata, natatawa ang mga nakakakita sa kung ano anong ayos niya noon. Naroong nakapigtails siya at puno ng putik sa mukha at mayroon pang kasama niya ang mga kapatid niya na kumakain ng cake at puno ng icing ang ilong at nguso nila, then a picture wherein all four them were wearing red basketball uniforms . Natawa din siya, kaya pala noong isang gabi ay busy ang mga kapatid niya sa pagtingin sa mga family album nila, para dito pala iyon.

She almost cry when she saw the last picture, naroon ang kuha nilang dalawa ng papa niya, 6 years old siya noon at nakahalik ito sa pisngi niya at siya naman ay nakapikit na nakahalik naman sa barbie niya. Ito na ang gabing pangarap ng papa niya sa kanya, wala na siguro siyang mahihiling pa kung kasama niya ito ngayon.

Pinigil niya ang emosyon niya dahil nagumpisa na ang 18 candles, ang mga tita niya ay nagbigay sa kanya ng mga wishes at message, ganun din ang mga babaeng pinsan niya , at dahil kakaunti lang ang bisita niya ay halos umulit lang ang mga nag18 candles at sila din nagsalita para sa 18 gifts.

"And now, for the most awaited part of this evening is our royal dance with the debutant, gentlemen from our 18 roses, please procceed here on the side of the stage and as I call your name, you can have the honor to dance with our beautiful celebrant. " paliwanag ng emcee na hawak ang makinang na papel.

Tumayo na siya at pumunta sa gitnang bahagi ng dance floor, nagdim ang mga ilaw at pumailanlang ang nakakaiyak na awitin,

Back when I was a child,

Before life remove all the innocence

Unang linya pa lang ng kanta ay tumulo na ang luha niya, bakit ito pa ang piniling tugtog, alam naman ng lahat na wala na ang papa niya para ito ang unang magsayaw sa kanya.

"To start our count, her first dance, here is Mr. Alfredo De Leon" nagulat siya sa pangalang binanggit ng emcee, pag-angat ng tingin niya ay nasa harap na niya ang lalaking tinawag at iniabot ang isang puting rosas sa kanya.

"Captain!" nasurpresa siya pagkakita dito. Inabot nito ang  mga kamay niya,

"Happy Birthday Kiddo, ah no, I mean Lady, you really look like a lady tonight." nakangiting sabi nito, nakagray na suit ito na walang tie at sa kabila ng edad ay kay gwapo pa ring tingnan.

"Captain" yun lang ang tanging nasabi niya habang isinasayaw siya nito, tuloy sa pagtulo ng luha niya.

"I hope it is fine with you that I took your first dance, your Mom asked me if I can do it for your father." sabi pa nito habang pinupunasan ang mga luha niya. Tumango lang siya ng sunod sunod, she's to overwhelmed to even speak.

"And I'm really honored to do this, you are like a daughter to me" sabi pa nito.

Malungkot siya na wala ang papa niya para sa first dance niya pero natutuwa din siya at nandito ang Captain niya para pumalit doon, kung meron mang maaring makapuno ng pwesto ng papa niya sa gabing iyon, ang Captain na niya iyon, hindi ba't ito nga ang itinuturing niyang ama sa school. Dapat niyang pasalamatan ang mama niya dahil naisipan nitong imbatahin ang Captain niya.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now