11. Back Off

26 1 0
                                    

Alas diyes na ng magising siya kinabukasan, kumikirot ang ulo niya. Pagbaba niya ay tahimik ang buong bahay. Friday pa nga lang pala ngayon, pumasok sila lahat.

Marami pang activities na gagawin sa school para sa festival pero ayos lang naman na hindi na siya pumasok.

Nagtimpla siya ng kape at nag-almusal, the idea of yesterday flooded her mind, parang ang daming nangyari kahapon and that was very memorable, kung nandun si Pards I'm sure magiging proud na proud din iyon.

Umakyat siya sa kwarto para maligo, nakita niyang may tumatawag sa phone niya, ang pinsan niyang si Sophie. Sinagot niya iyon.

"Girl! Omg! Naging Katniss Everdeen ka pala yesterday tapos hindi mo man lang sinabi sakin! G-r-r-r ka"

lalong kumirot ang ulo niya sa tinis ng boses ng pinsan niya. Problema nito?

"Hey Sophie, goodmorning to you too. What's up?" Tanong niya at pumasok na sa banyo.

"What's up ka dyan' girl ang astig ng get up mo ha ang sexy mo, I hate to admit this pero mas sexy ka pala kesa sakin, and ito pa ang super G-r-r-r , bakit hindi mo sinabing may boylet ka na?! Nakakatampo ka talaga!" halos sumigaw na ito sa kabilang linya.

"Sophie, My God don't scream!, lalong kumikirot ang ulo ko eh, tsaka anong boylet ang pinagsasabi mo? Hindi kita magets." kung hindi lang niya pinsan ang maarteng babaeng to, naku...naku.

"Denial pa ang peg! Kalat na kalat na nga yung picture niyo sa facebook at instagram eh! Grabe girl, saan mo ba nakuha yung boylet mo? Ang yummy yummy, kinikilig akuuuu!"

"Ano?Anong picture? At wala akong boylet" sabi niya, 'boylet' jeez hindi maganda sa tenga niya ang term na yon.

"Nako ewan ko sayo, magopen ka kasi ng Fb mo, ikaw pa ang nahuhuli sa sarili mong balita, sige na bye na, I'll drop by na lang dyan sa inyo pag may time ako. Magbonding tayo ha, miss na kita girl, at ikwento mo si yummy boylet ha, I gotta go na, I'm late for my class na. TC ,muah ,muah" parang machine gun ang bibig nito, ni hindi na siya nakasagot dahil naputol na ang linya.

Lumabas ulit siya ng banyo at binuksan  ang kanyang laptop, naglog-in siya sa facebook .Bumabaha ang notification niya, ang dami ding messages at friend request.Kelan pa siya sumikat sa fb?

Nang pumunta siya sa wall niya ay puro tagged photos ang nandoon mula sa mga kaklase at kakilala niya . Puro siya ang nandon, nung magtorch lighting siya, ang daming kuha, iba ibang anggulo,  meron pa ngang shot bago niya itinira ang pana habang seryoso ang mukha niya sa pagsipat. Ang galing naman ng mga ito, DSLR siguro ang ginamit na camera, ang linaw kasi nung pinakasubject tapos medyo blurred ang background. Meron ding nagpost ng mga  pictures nung party.

Iniscroll down pa niya, nakita niya doon ang mga itinag ni Tres, silang pamilya, meron pang collage, ang cute ng kuha, kung ano anong wacky pose nila. May caption pa ito na " Hottest, cutest, most beautiful family in the world" natawa siya doon. Si Tres talaga, ang daming likes at comments mula sa mga kamag-anak nila.

Nagscroll down pa siya at nanlaki ang mata niya ng makita ang solong picture na itinag ni Tres sa kanya, kay Perez at sa dalawa pang kapatid niya. Sh*t ka Tres! Pati ito in-upload mo!

Nandoon ang picture nila ni Perez, may Caption pa iyon na 'say something about this photo' at may smiley na nagbablush. My God, kaya pala ganoon makareact si Sophie. Kahit gabi kinuhanan ay malinaw ang picture, nandoon nga na nakayakap sa leeg niya ang braso ni Perez at nakasandal siya dito. I mean, napasandal siya dito.

Nakangiti si Perez habang siya ay walang anumang reaksyon, basta nakatingin lang sa camera. Parehong black at fatigue ang suot nila. Mukha silang mag... mag... magjowa. Hay anu ba yan! Nasa 500+ na ang likes niyon na kaninang 6am lang pinost. Marami ding comment "couple" "destiny" "bagay" at kung ano ano pang emoticon ang iba naman ay patungkol sa kanya " goddess"

Property of Megan FoxOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz