K A B A N A T A 1

14.9K 857 241
                                    

Past.

"Tanga!" sigaw ng isang lalaki sa harapan ko.

Bahagya akong napa-atras dahil hindi ko naisip na may mga taong nagaabang sa akin sa gate. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko na parang gusto nang lumabas mula sa dibdib ko. Hindi ko pa naman kasama ang mga kaibigan ko dahil nasa Prefect of Discipline sila (POD) dahil may SSG meeting at kasali doon ang mga kaibigan ko.

President si Isaiah, Secretary si Genesis, habang si Ezekiel naman ay Treasurer. Pinipilit nga nila ako na tumakbo bilang Vice president kaso ayaw ko dahil maraming babayaran doon. Isa pa, hindi ko pa sigurado kung mananalo ba ako.

"Kadiri!" Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, tila kinakabisa ang buo kong pigura. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inis.

Mga isip bata, immature.

Huminto ako sa pag-atras nang maramdaman ko na wala na akong aatrasan dahil sa isang malaking puting pader ng school. Ang malas ko naman. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko pero natigilan ako ng may dalawang babae ang naroon.

Nalunok ko sa sarili kong laway. Iww?

Ang aasim nilang tingnan.

Nakita ko ang pag ngisi ng tatlong nasa harapan ko. Mukha silang nakasinghot ng katol. Umiling na lang ako dahil alam ko sa sarili ko na wala akong laban sa tatlong ito. Hiniling ko na lang sana dumating na ang mga kaibigan ko o kaya naman ay biglang sumulpot na lang ang guard ng school. Kaso mukang malabo itong mangyari dahil ang natatanaw kong guard sa 'di kalayuan ay kumakain.

S'yemre pipiliin ng guard ang pagkain kaysa sa akin, 'no.

Sino ba naman ako?

"Ano bang gusto n'yo?" Naging matigas ang timbre ng boses ko. Pinapatay nila ang oras ko, marami pa akong dapat gawin kaysa sa ganitong away-bata na wala namang kabuluhan... at saka, ano ba ang atraso ko sa kanila?

para ganituhin nila ako?

Sinulyapan ko ang mukha ni Larnie na inis na inis na ngayon. Gusto ko na lang matawa dahil ang pangit niyang tingnan sa posturang ganoon.

Tumawa nang mapakla ang lalaki. "Bobo ka ba?"

"Oo nga!" sabat ng dalawang babae na kasama nito. Agad kong tinapunan ng tingin ang dalawang babae at saka ko ito sinamaan ng tingin.

Maasim at pangit check. Tandem talaga pag gan'yan, eh.

Ngumisi ako. "Sa ugali na nga lang babawi, hindi niyo pa magawa." Sarkastikong saad ko. Sumilay sa aking labi ang nangaasar na ngiti. Lumapit sa akin ang isang babae na kamukha ni pennywise dahil sa laki ng bunganga niya. Iba rin ang amoy nito, parang baktol.

Wala pa rin akong ideya kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Masyado silang immature. Hindi na sila elementary para sa mga ganitong kaganapan.

"Paki-alis ang marumi mong kamay sa braso ko, kadiri." Mahina kong sabi sa babaeng humawak sa braso ko. Hindi ito nakinig sa akin. Tanging matalim na tingin lang ang iginagawad nito sa akin.

Hindi ako natatakot sa kanya, mas natatakot ako sa hininga niya, mas mabagsik pa kay Cardo Dalisay.

Napasinghap na lang ako sa kawalan.
Lumapit sa akin si Larnie habang nakangisi ito sa akin. Masyado siyang mahina, bakit kailangan niya pang isama ang mga alipores niya. Weak.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Gusto ko sanang kumalas sa pagkaka-hawak sa akin ng dalawang babae para matakpan ko ang aking ilong dahil hindi ko kaya ang hininga niya. Parang lahat na kay Larnie ang bantot.

Hinawakan niya ang buhok ko at malakas na hinatak iyon. Napadaing ako dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko.

War freak!

Flame-kissed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon