K A B A N A T A 17

2.1K 138 24
                                    

"Class dismiss" Aniya. Marahang inayos ni Ma'am Femie ang mga gamit nya at inilagay iyon sa loob ng tote bag nya. Ngumiti muna ito sa amin bago tuluyang umalis sa silid namin.


Kahapon, nang umalis sila Leo ay hindi na ito pumasok sa hapon gano'n na rin sina Gen at Zek. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang wag pumasok dahil sa usapan na yon. Kailangang abutin ng ilang oras o araw dahil pati ngayon ay absent din sila. Hindi ako nakiki-alam pero concerned ako sa magiging grado nila dahil may defense pa kami ngayon.



Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan at tyaka mabilis na tumayo. Lalabas na sana ako ng classroom ng may humatak sa akin. Nakita ko si Sai na hinila ako papasok. "Sa'n ka pupunta haa?" mataray na anito.


"Edi uuwi, ano pa ba" walang buhay na tugon ko sabay bawi ng kamay ko. Iniripan ko na lang sya.

"Hoy! Wag kang tanga cleaners ka ngayon 'no!" Iritang saad ni Sai. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil nalimutan kong cleaners nga pala ako ngayon. So kaming dalawa lang ngayon. Sa cleaners kasi kami ang magkakka-grupo nila Gen, Zek, at Leo. Eh sa kamalasan wala yung tatlo edi kaming dalawa lang ni Isaiah. BWISITT!

KINUHA ko ang floor wax na nasa table ni ma'am. Tapos na kaming mag-walis at paga-ayos ng mga kalat sa buong classroom. Medyo madilim na rin kaya kailangan ko nang bilisan kasi excited na akong ipagluto ng kare-kare ang pinakamamahal kong tatay. Nagka-ayos na kami dahil kay Capeta at tyaka ipinaintindi ko rin sa kanya na iparamdam nya naman sa akin na anak nya ako.


Ipinahid ko ang floor wax sa trapo at agad na ikinuskos ito sa sahig. "Hindi ko na kaya!" angal ni Sai dahil hindi nya maabot ang pinakamataas na bintana para punasan. "Bahala ka na nga bintana. Pina-pahirapan mo ako hindi ka naman gwapo!" biro ni Sai. Napa-ngiti na lang ako dahil sa pagiging abnormal ni Sai.

"Ako na nga riyan!" Ani ko. Agad akong tumayo sa pagkakaluhod at mabilis na lumapit kay Isaiah.

"Wow ah! Anong nangyari sayo at naging mabuting demonyo ka?" Anito.

"Gago!" Saad ko. Sabay pa kaming natawa dahil doon pero back to linis na naman.


Muntik na akong mahulog dahil sa gulat ng may marinig na ring ng Cellphone. Nanlaki naman ang mga mata ni Isaiah dahil din siguro sa gulat. "Sayo 'ata yun" Sabi nito. Lumapit si Sai sa bag ko at kinuha ang Cellphone mula roon. "Ako na sasagot ah"Ani muli ni Sai. Tumango na lang ako dahil meron pa akong ginagawa at kung bababa naman ako mula rito sa tinutungtungan kong mga upuan ay baka hindi na ako makatungtong ulit.


Napa-iling na lang ako at napangiti ng lumabas pa ang hinayupak para sa labas sagutin ang tumawag. Narinig ko ang yabag ng mga paa pababa. Bakit kailangan pang bumaba ni Sai? Siguro kausap nya si kuya Arcan. Hehe.

Nang matapos na akong magpunas ng bintana at agad akong bumaba pero hindi ko sinasadyang matabig at mabasag ang plato ni Maam na nakalagay sa lamesa. Nahulog pa ako dahil doon. Tumayo ako at hinawakan ang siko ko na dumudugo dahil sa pagkabagsak ko. Mabuti na lang at hindi tumalsik sa akin ang bubog ng plato.

Mabilis kong pinulot ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Kinuha ko ang dustpan at walis tambo para mawalis ng maigi ang maliit na bubog. Baka bukas may mabubog pa. Nang matapos kong mawalis ito at umupo muna ako dahil sa pagod.



May narinig akong mga yabag papalapit sa akin ngunit ng tignan ko ito ay wala naman. Medyo natakot ako dahil sabi nila may multo rito sa parochial.

"Ano tapos na yan?" rinig kong sabi ni Sai sa akin. Nilingon ko ito at tyaka marahang tumango. Ngumiti lang ito sa akin ng matamis si Sai at marahang lumapit sa akin. "Tara let's na!" anito. Kinuha ko ang mga gamit ko at agad iyong isinilid sa bag ko. Pinagpag ko muna ang uniform ko dahil medyo nalagyan ito ng floor wax.


Lumabas kami agad ng tahimik. Walang maingay, Walang salitang lumalabas sa aming mga bibig. Hmm.. nakakapagtaka lang bakit nawalan 'ata ng bibig ang baklang 'to?


Inilock ni Sai ang pinto ng tahimik. Nang matapos si Sai sa pag lock ay agad nya akong binalingan. Napakunot na lang noo ko ng mabasa ko ang awa sa mga mata nya.



"Gusto mo shake tayo? Libre kita" aniya sabay ngiti sa akin. May kasalanan ba syang ginawa sa akin o prank na naman ito? Natigil ako sa pagi-isip ng bigla nya akong hatakin pababa ng hagdanan. Dahil sa lakas no'n ay muntikan na kaming ma- out of balance at masubsob pababa sa hagdanan.





"Papatayin mo ba ako?" May halong inis ang boses ko dahil doon.



"Sorry naman, Dada" biro nito. Hinampas ko ang braso nito dahil sa pagtawag nya sa akin ng Dada.


"Asan phone ko?" Tanong ko.


"Nasa loob na ng bag mo, Tangaks" tugon nito.



Nang makalabas kami sa campus ay hinatak muli ako si Sai pa punta sa Tagpuan kung saan pwede mag order ng shake at mga pagkain. "Anong naisip mo at linibre mo ako?" Ani ko na may ngiti sa labi. Humigop ako sa straw ng shake at mabilis na linagok ito.



***




"Mamaya ka na umuwi!" Sigaw ni Sai sa akin. Kanina pa kami dito tagpuan at kung tatantyahin ko ang oras ay 8pm na. Busog na busog na rin ako dahil nakatatlong mangkok na kami ng lomi.




"B-bakit ba?" May halong inis sa boses ko. Ba't ayaw nya akong pauwin.




"Basta! Wag ka munang umuwi!" sigaw ulit ni Sai sa akin. Naagaw namin ang mga atensyon ng mga tao rito sa Tagpuan.




"Halika nga!" Galit na saad ko sabay hatak kay Sai palabas ng Tagpuan. Pumunta kami sa isang sulok para kausapin ng maayos si Sai.




"Ano ba! Nakakahiya sa mga tao roon sigaw ka ng sigaw akala mo ang layo layo ko. Eh katabi mo lang naman ako!" Ako naman ang sumigaw ngayon dahil sa Inis. "Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa lintik na sigawan na ito. It just NONSENSE!" Sigaw ko ulit. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sobrang inis.




Umalis na ako sa harapan ni Isaiah at gusto ko na talagang umuwi. Baka nakakain na sila Tatay eh dahil sa tagal ko. Medyo na kalayo na ako ng marinig ko ang malalakas na yabag papalit sa akin.

"YVANNNNN!" malakas na sigaw ni Isaiah sa akin.



"Ano pipigilan mo na naman akong Umuwi?! Isaiah gabi na hinahanap na ako sa amin!!!"



"OO! DAHIL AYAW KONG UMIYAK KA DAHIL WALA NA SI TITO LEANDRI AT ATE NATASHA!!!"

Flame-kissed Hearts Where stories live. Discover now