K A B A N A T A 34

1.8K 102 22
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata at marahang tumayo. Humikab ako at inunat ang dalawa kong braso. Napahaba yata ang tulog ko? Hinanap ko ang agad ang cellphone ko para tignan ang oras.



"Ala' cinco na pala" sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang instagram ko pagkatapos kong tignan ang oras. Bumungad agad sa akin ang picture nilang lahat na naliligo sa dagat. Hinanap ko si Isaiah sa picture pero wala ito doon ganoon din si Capeta.




Napakunot ako ng noo ng makita ko sa larawan si Genesis at nakyapos kay Leo. Napakagat labi ako dahil sa nakita ko. Pinatay ko ang cellphone ko at agad na tinungo ang daan palabas.



Dama ko ang lamig ng hangin pagkalabas ko. Kulay kahel na rin ang kalangitan at malapit ng lumubog ang araw. Nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Naglakad-lakad ako para hanapin si Isaiah ngunit bigo ako sapagkat naka ilang uli na ako pero di ko pa rin siya nakikita.




Napabuntong hininga na lang ako. Bumaba ako sa hagdanan at pumunta sa tabing dagat. Tinanaw tanaw ko pa kung may tao pa ngunit wala na. Mga bata lang ang nakikita ko. Naglakad lakad ako patungo sa gilid. Gustuhin ko mang maligo sa dagat pero wala akong kasama at hindi rin mapanatag ang loob ko dahil sa nakita kong picture nila.




Habang naglalakad ako tyaka ko lang napansin na inilawan na nila ang mga fairy lights na nasa mga sanga ng puno. Na nagpaganda talaga sa beach nila. Wala ka ring makikitang mga kalat. Malinis na malinis.



Kung ano anong pumasok sa isip ko parang sasabog na ang ulo ko. Kung bakit ganun ang posisyon ni Genesis at Leo sa picture. Nagsisi tuloy ako na binuksan ko pa ang instagram ko. Parang may namamagitan kila Leo at Genesis na hindi ko alam. Atsaka naging palaisipan din aa akin kung bakit kasama nila si Genesis. Ang sabi pa naman niya sa akin nung inaaya ko siya ay ayaw niya raw sumama pero bakit siya nandito ngayon?

"Asaan na ba kasi kayo?" Ani ko. Hawak ko ang cellphone ko at kasalukuyang kong tina-tawagan si Leo. Ngunit hindi niya ito sinasagot. Gusto ko na lang magwala dahil parang ako na lang ang mag isa dito sa resort na ito.



Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng halakhakan na pamilyar sa pandinig ko. Mabilsu kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Ezekiel at Isaiah na may kung saan pupunta. Palabas ito ulit ng resort. Dahan dahan lang ako sa paglalakad para hindi nila ako mahalata. Nagtagumpay naman ako dahil nakalabas na kami pero hindi pa rin nila ako nahahalata sa likuran nila.

Medyo nagtaka ako kasi papunta sila sa pinuntahan ko kanina. Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makita ko na lumiko sila.

Huh? May papasok pa pala dun?
Kanina kasi parang walang ganun doon. Mabilis akong nagtungo sa nilikuan nila at narinig ko ang mga hiyawan nila. At may naririnig pa akong kumanta.

Mabilis kong tinahak ang daan papasok at parang aatakihin ako sa nakita ko. Wtf? Ba't naghahalikan si Leo at Gen at parang gustong gusto nila. At kitang kita ko rin kung ano ang ginagawa nila. Hinuhubad ni Leo yung swimsuit ni Genesis. Kadiri! Hindi ba sila nahihiya?!

"Hoy! Wag dito" rinig kong ani ni Capeta sa kanilang dalawa. Natawa pa sila dahil don.


MGA PUTANGINA!

Flame-kissed Hearts Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora