SIMULA

30.1K 1.1K 543
                                    

Former title: RASCALITY

DISCLAIMER:

This is a work of fiction names, characters, business,places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for every young dark readers.

This story is an UNEDITED. it might have typograpical errors, Grammatical errors and I will appreciate if you correct me. Thank you.

ALL RIGHTS RESERVED @2021

-VELTHREHADES

SIMULA


"Late ka na naman!" matabang na bulyaw ni Isaiah na siyang bumulabog sa buong hallway ng hospital.

Matalas kong tinapunan ng tingin ang lalaki at saka ko ito inirapan.

Kapapasok ko pa lang ngunit iyon agad ang bumungad sa akin. Wala pa naman akong masyadong gagawin dahil mamayang pang 10-am pa ang schedule ng isa kong pasyente. Mabuti nga dahil kakaunti lang ang mga patients ko ngayon. Hindi tulad no'ng nakaraan na parang dinagsa ako ng tao tapos ako lang mag-isa.

Nakakapagod kayang maging doctor lalo na't kung maraming schedule, at kung minsan pa nga at late na kaming nakakauwi, ganoon din naman ang nga nurses dito.

"Aba ngumiti ka naman," singit ni Ezekiel, kaibigan ko.

Kalalabas lang nito ng emergency room dahi base sa mukha niya, alam mong pagod talaga siya. Eh, doon lang naman sa room na 'yon na kapag pumasok ka haggard ka na paglabas.

Bumuntong hininga ako at tipid akong ngumiti at saka mataray na inirapan sila.

Ngumiti ang isa. "May dalaw 'ata," tumatawang pasaring ni Isaiah.

Muli akong umirap. "Nasaan si Genesis?" takang tanong ko at luminga-linga pa na akala mo ay mahahanap ko talaga siya.

Tumikhim si Isaiah. "May pasyente na pinuntahan, nasa room 122," agad na sagot ni Isaiah.

Tumango ako at ngumiti ng mapakla. Ipinasok ko ang kamay ko sa mag kabilang bulsa ng suot kong white coat bago sila balingan ng tingin.

Nadatnan ng mukha ko ang nakangusong mukha ni Isaiah. "Gusto mo mag kape?" tanong sa akin ni Isaiah habang nakangiti at itinataas-taas ang dalawa nitong kilay.

"Mabuti pa nga," sagot ko.

"Magkapepe?" Tanong ulit nito.

Inismiran ko ito, anong klaseng tanong yo'n? "S'yempre biro lang, tite ang meron sayo 'no." Pinag-krus nito ang kanyang mga braso.

"Ewan ko sa inyo, walang mga filter mga bunganga niyo. Nasa hospital tayo, wala sa live show ng mga pornstar. Mabuti pa, tara muna sa Cafeteria sa baba mukhang gutom na ako, e," yaya ni Ezekiel. Kasabay nito ay ang pag nguso niya.

"You know Zek, kahit kumain ka pa ng marami, gutom ka pa rin. Hindi nga namin alam kung saan napupunta yung mga kinakain mo," ani Isaiah at saka nito itinaas ang kanang kilay niya.

"Buraot ka pa nga dati sa mga grade two," dagdag pa nito.

"Nahiya naman ako," segunda ni Ezekiel.

Natawa na lang kaming dalawa ni Sai habang si Zek naman ay nakasimangot na dahil naalala niya na naman ang katangahan niya nung Highschool kami. Hayst.

Flame-kissed Hearts Where stories live. Discover now