K A B A N A T A 12

2.6K 324 38
                                    

" Hey!"

Nilingon ko sya dahil puro 'hey' ang sinasabi nya tapos kulbit sa akin. Inirapan ko lang sya at nag-patuloy sa paglalakad papasok ng bahay. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Capeta sa akin. Ang bagal bagal kasing maglakad eh!

"Asan na ba kasi yun yari talaga ako kay tita!" Inis na sabi ko sa aking sarili at bahagya akong napakamot sa ulo ko. Kapag talaga nagalit sa akin si tita siguradong hindi na makakalabas ng bahay yang si Ezekiel!

" Calm down" He softly said at my ear. bakit kasi nandyan sya? Sa tenga ko pa talaga? I moved away from him a bit. Out of shock but I didn't expect him to laughing me! What's so funny? "You're so cute when your eyebrows meets" He said.

Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko dahil doon. Siguro pulang-pula na ito ngayon. I avoid my gaze on him para hindi nya makita ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi nya. Kinikilig ba ako? May gusto ba ako sa kanya? Tsk! Hindi pwede isang oras pa nga lang kaming magka-kilala tapos gusto ko na sya agad.

Naglakad ako ng mabagal at kung ano na namang lumabas sa bibig ng lalaking ito baka himatayin na ako. Nang bumagal ang lakad tyaka nya lang ako nasabayan. Ramdam ko ang mainit nyang titig sa akin na akala mo ay nasa impyerno na ako. Kaya nya ba ako pinapabagal sa pagala-lakad para matignan ang maganda kong mukha? Tsk! Ako lang 'to!

" Jaylyn!" I called her. Nang makasalubong namin sya sa daan.

Mukhang tapos na sya sa paglilinis dahil wala na syang dalang kung ano-ano at naka-bihis na sya ng pang tulog.
Ngumiti ito sa amin at lumapit. Inayos nya pa ang buhok nyang nakapusod ng makita nya ang kasama ko.

" May kailangan ka?" She asked.

" Oo eh, nakita mo ba si Ezekiel?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito. Tumango na lang ako at nagpa-salamat. Sabi nya pa nga ay kung sakaling makita nya si Zek ay sasabihin nya ito sa amin. Kahit ilang araw lang kaming nagka-kilala ni Jaylyn pero ramdam ko na agad sa kanya na mabuti syang kaibigan.

Umupo muna kami sa plastik na upuan dahil sa pagod. Kung tutuusin malaki ang bahay nila Leo at masasabi kong isa itong mansyon. Inabutan kami ni nanay Lolita ng tubig dahil nakita nya kaming naka-upo at nahalata nya siguro na pagod kami. Hanggang ngayon ay marami paring tao at halatang mas dumami ito kesa kanina. Tumayo ako at nag-unat ng braso. Nakak-antok na rin ah. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para tiganan ang oras 12:03 am na pala. Tsk! Oo nga meron akong cellphone wala namang number ni Zek. Hindi ko nakuha ang nandito lang na number ay yung kay Sai.

"Are you tired?" He asked. Humikab pa sya kaya alam kong inaantok na rin sya dahil anong oras na.

" Ayos lang naman" I replied.

Inunat nya ang kanyang braso at kinusot-kusot pa ang mata nya. Tumayo sya at inabutan ako ng kamay na syang ikina-gulat ko. Tumingin ako sa kamay nya na puro ugat. I gulped. Kinuha ko ang kamay nyang inabot sa akin hinatak nya ako dahilan ng paghawak ko sa dibdib nya. I felt his heart beats. Normal lang pagtibok ng puso nya pero bakit yung akin ang bilis? Tinikal ko ang kamay ko sa dibdib nya at umiwas ng tingin habang ang braso ko ay naka-ekis sa dibdib ko.

" Mabuti pa halika na!" Wika ko. Ha-hakbang na sana ako ng bigla nyang hawakan ng kamay ko at iniharap ako sa kanya. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag-eye contact sa kanya.

" W-what did you say?"He asked. Inilagay nya ang kanang kamay nya sa baba ko at marahang itinass iyon. Tumingin ako sa mata nya pero agad din naman akong nag-iwas.

" H-halika na," I said. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa gilid ko.

"Y-you said H-halikan na?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Ano! Malinaw ang sinabi ko. Sabi ko halika na.

Hinampas ko ang braso nya dahil doon. Sabay pa kaming natawa pero kalaunan ay nawala rin iyon ng marinig namin ang boses ni father Bemon sa likuran. Sabay kaming tumingin ni Capeta kay father bemon na ngayon ay nakangiti. Lumapit sa amin si father at dali-daling yumakap kay Capeta. Out of place ako ah pero ngayon ko lang nalaman na clingy pala si father.

Nang matapos ang yakapan nila ay tyaka lang binaling ni father bemon ang paningin nya sa akin.

Ngumiti rin ito sa akin at tyaka tumingin ulit kay Capeta. OH.MY.GOSH. dont tell me na may anak si father.

"Ah pamangkin ko,Yvan" Sabi ni father. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil doon. Lumunok-lunok ako at halos walang kurap dahil sa gulat. "Sabi ng mommy mo dito ka raw mag-aaral?" Tanong ni father kay Capeta.

"I'm not sure" He responded. Father bemon nodded at him at after he smile to Capeta. Gumanti naman ng ngiti si Capeta at pagkatapos no'n ay umalis na si Father sa harapan namin.

***

"Try natin baka naman natutulog sa kwarto 'no?" ani ko sabay hawak sa kamay nya para hatakin sya pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang gulat sa mga mata nya. Napabitaw ako sa pagkaka-hawak ko sa kamay nya.

" Tara na" anyaya ko sa kanya at naglakad na pero nagulat ako ng sya na mismo ang humawak sa kamay ko. Hinatak nya ako gustuhin ko mang bumitaw pero alam kong malakas sya kesa sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.

Nag simula kaming maglakad at ng matunton namin ang hagdan ay agad kaming umakyat doon.

" Wait lang" Ani ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng maramdama kong nagvi-vibrate ito at mukhang may tumatawag.

Kinuha ko ito at nakita ko ang unknown na nakalagay sa screen.

"Hello" saad ng babae sa kabilang linya.

" Sino po ito?" Tanong ko at sabay no'n ang pagtingin ko ng bahagya kay Capeta.

" Si tita avielle mo ito" sagot ni tita avielle sa kabilang linya at naririnig ko naman ang galit na boses ni tito Mike.

" Bakit po?" Tanong ko at sinenyasan naman ako ni Capeta na maglakad.

"Pwedeng sabihan mo si Zek na umuwi na dahil nagagalit na ang daddy nya" sabi ni tita na medyo humihikbi na dahil alam kong nagagalit si tito Mike.

"S-sige po" utal kong tugon. Pinatay na ni tita ang tawag at nag simula na kaming mag mabilis. Bwisit kasi na Zek yun alam nyang may oras lang ang paggagala nya. Tsk! Tsk! Grounded ka ngayon.

Nang marating namin ang taas ay nagsimula na kaming maghanap. Wala akong pakialam kung mapapagalitan ako pero kailangan ko ng mahanap si bakla dahil baka mag-away sila tita dahil sa kanya. Una naming tinignan ang mga kwarto sa kaliwa pero wala roong tao at puro unan lang ang nasa loob.

"Tara kaya sa kwarto ni Leo dahil baka nandon yun." sabi ko at sinarado ang pinto. Tumango lang si Capeta at tumungo na kami sa kwarto ni Leo pero bago pa man kami makalapit ay may narinig na kaming ungol ng isang babae. Bumigat ang mga hakbang ko at parang ayaw ko ng ituloy ang pagpunta sa kwarto ni Leo dahil alam kong boses yo'n ni Genesis.

" Fuck faster!" Leo said. Napahawak na lang ako sa braso si Capeta dahil sa sinabi ni Leo. Sa mga oras na ito gusto ko na lang maging bingi para hindi ko marinig ang mga ungol nilang pinapa-kawalan.

"Leo pa'no si Yvan alam kong mahal kana nya." aniya sabay ungol. May kaunting lumandas na luha sa aking mata pero agad ko itong pinunasan.

"Oo, alam ko pero ikaw ang mahal ko ginamit ko lang sya para mapalapit ulit ako sayo dahil ikaw ang MAHAL KO." parang nabingi 'ata ako dahil sa sinabi ni Leo. Tuluyang ng lumandas ang maiinit ko luha pababa sa pisngi ko. Hinawakan ni Capeta ang ulo ko at marahang inilagay iyon sa dibdib nya.

" Cry more Yvan," He whispered. Ginawa ko ang inutos ni Capeta. Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib nya. Habang si Gen at Leo ay masayang gumagawa ng milagro. Mabuntis ka sanang impokrita ka!

"Don't be sad Yvan i'm here with you and if you want a miracle I'll give you." He whispered and after that i felt his lips in my head. Sabay kaming natawa ni Capeta dahil sa sinabi nya.

Masasaktan ka rin Leo Xaviere Adviento! Tandaan mo!

Flame-kissed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon