K A B A N A T A 13

2.5K 166 34
                                    

"Hey, gusto mo? Pilipit? " Capeta asked me. I just nodded at tyaka lumapit sa kanya. Buwan na ang lumipas ng may nangyari sa pagitan ni Leo at Genesis. Ilang araw akong umiiyak sa dibdib ni Capeta dahil sa sakit na nararamdaman ko. Noong mga oras na yun hiniling ko sana na maghilom agad ang sugat sa puso ko pero hindi ko inaasahan na ang bilis naman 'ata kasi dumating na yung magpapahilom ng sugat ko. 2 weeks ago ng magtapat sa akin si Capeta na mahal nya ako tapos eto si bakla nagpakipot pa pero sa huli kay Capeta pa rin ako bumagsak.

Nalaman ko rin na dating mag jowa sila Gen at Leo. Naghiwalay lang sila nung nalaman nitong aalis si leo at pupunta sa Canada para doon mag-aral. Terror daw kasi yung tatay ni Yvan.

Sikat na ang pangalan nila Gen at Leo dito sa buong campus dahil ngayon at nagkabalikan na sila. Marami na silang fans tapos tinatawag pa sila ng mga fans nila na GenLei.

Kasalukuyang nandito kami sa loob ng canteen at bumibili ng pagkain. Bumili ng anim na pilipit si Capeta habang apat lang sa puto rabag dahil apat na lang din naman ang natira. Matapos naming bumili agad kaming umupo'ng dalawa sa gilid na upuan habang bilog naman ang lamesa nito Hindi na ako kumakain sa dati naming lamesa na kung saan harutan, tawanan, pagmamahalan ang naiwan na mga alaala ko roon.

"Hey!" nagulat ako dahil sa sigaw ni Capeta sa akin. Napa-hawak pa ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat habang si Capeta naman ay tuma-tawa pa. Inirapan ko na lang sya at nag-simulang kainin ang puto rabag. "Eat well babe" anito sabay kuha ng puto rabag at mabilis na linantakan ito.

"Palimos po" natigil ako sa pagkain ng marinig ko ang isang boses kaya agad ko itong nilingon.

"Gago!" ani ko sabay batok kay Isaiah.

"Aray ah! Nagka-jowa ka lang ah mapanakit ka na!" Sabi ni Sai saka ito tumawa ng malakas. Hinampas ko sya sa braso dahil sa inis pero kalaunan ay natawa na rin ako.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming tumayo at niligpit ni Isaiah ang mga kinainan namin. Syempre sya ang libre kaya sya ang magliligpit.

***

"Bye, I love you muah muah chup chup!" Natawa ako sa sinabi ni Capeta bago ito umalis. Palagi nya kasi akong hinahatid sa classroom ko pagkatapos mag recess tapos twing uwian naman sabay kaming umuuwi pero minsan kasama namin si Isaiah.

"I love you too!" Sigaw ko sa kanya bago sya umakyat sa hagdanan. Kininditan nya lang ako sabay ng flying kiss pa na ikinatawa ko. Minsan corny 'tong si Capeta pero ayos lang kasi kapag nagmamahal magiging corny ka talaga. Umiling na lang ako dahil sa naisip ko.

"Ay naku! naku! naku! harutan pa rin haggang dito!" palahaw ni Isaiah sabay tinusok-tusok pa ang tagiliran ko para makiliti. Hinampas ko ang kamay nya at agad ko syang inirapan.

Umupo na ako kung saan ako naka-upo at oo katabi ko si Leo at sa akin sya nakatingin ngayon. Naku! Kung nandito yang jowa mo baka sinabunutan na ako dahil dyan sa titig mo! Umiling na lang ako dahil sa sariling naisip. Hindi pa naman dumarating si ma'am kaya ayun mai-ingay lahat ng kaklse ko.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa loob mg bag para mag chat kay Capeta na may dadaanan muna kami bago umuwi. Naisip ko kasi na dalawin si Hardin kila Cyrene.

I opened my messenger, at nakita ko na online pa si Capeta. Naku! Ano kayang ginagawa no'n? Baka wala pa ring teacher katulad namin. Nag simula na akong magtipa sa keyboard.

Baby cute: Capeta! May teacher na kayo?

Nag-intay muna ako ng ilang segundo bago mag vibrate ang cellphone ko.

Rawr: Wala pa babe, kayo?

Baby cute: Wala pa rin eh. Btw, bago tayo umuwi pupuntahan muna natin si baby Hardin ah!

Rawr: Ok

Minsan talaga ang sarap mambatok t'wing ganto ka chat mo. Grabe sasakit ang ulo mo sa sobrang haba ng chat. Umirap na lang ako sa kawalan. Akmang papatayin ko na ang data ng cellphone ko ng mag vibrate ito ulit. Agad ko itong binuksan at nakita kong nag chat ulit si Capeta.

Rawr: Can you feed me? After class.

Kumunot naman ang noo ko sa message nya. Feed me ka riyan mag-isa ka uy, at saka mamayang hapon pa ang next recess. 3 pm.
Umiling na lang ako at saka muling nagtipa.

Baby cute: Utot mo mabantot! HAHAHA 😂

Baby cute: Ayaw ko nga! Mag-isa ka.

Baby cute: Char! 😂

Rawr: Bahala ka hindi kita Ililibre 😂

Aba may panakot si papa. Napangiti na lang ako sa reply nya kaya mabilis pa kay flash ang pagta-type ko.

Baby cute: Edi don't! Break na tayo! HAHAHA 🤣

Natawa na lang ako sa message ko. Napatakip pa ako sa bunganga para pigilan ang pagtawa ko. Maiihi 'ata ako.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa bibig ko para hindi ako matawa dahil kinuhan nya ng litrato ang sarili nya at sinend iyon sa akin. Nakapout lang sya sa picture habang ang dalawang kilay nya ay magkasalubong. Cute!

Muli akong nagtipa ng mataposang ang mga salita ay agad ko itong isinend sa kanya.

Baby cute: Sige na nga! 😂

Ilang segundo lang ang umalpas ng makita kong nag reply sya.

Rawr: Yes! ❤️

Rawr: Thanks I love you babe

Rawr: After you feed me, I'll eat you in the night 😉

Napa-ismid na lang ako sa kawalan ng mabasa ang huling message nya sa akin. Bwisit talaga sya. Nakakailan na sya ah!

Nag simula na akong mag type ulit para pagalitan si Capeta nang maramdaman ko na may humawak sa hita ko. Parang aatakihin 'ata ako sa puso dahil alam ko kung kaninong kamay iyon. Leo!

Inis kong tinikal ang kamay nya sa hita ko. Mamaya may makakita pa at gumawa na naman ng issue at akona naman ang aawayin nila. Hindi ko sya binalingan ng tingin at nagsimula na lang ulit mag type.

Pero mas hindi ko inaasahan ng bigla nyang hablutin ang kaliwang kamay ko at idinikit sa gitna ng dalawang hita nya. Mabilis pa kay quick silver ang magkuha ng kamay ko sa kanya. Ahh! Ba't matigas?

"Alam mo ang libog mo" mahinang bulong ko sa kanya at sabay ng pag-ismid ko sa kanya pero nginisihan nya lang ako.

"Because you're so delicious," He softly whispered at me.

Tumaas lahat ng balahibo ko sa batok ng dahil sa sinabi nya. Bumilis ang tibok ng puso na parang gustong lumabas sa loob ng dibdib ko.

Luminga-linga ako para malaman kung may nakakita sa amin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng walang nakakita sa amin dahil busy ang lahat.

"Pwede ba wag kang magsalita ng ganyan. Ayaw kong masira ang relasyon namin ni Capeta at ayaw ko ring masaktan ang kaibigan ko" madiin ko sa kanyang sabi gamit ang mababang tono.

Tumingin sya sa akin ng diretso ar hinawakan ang kanang kamay ko.

"Aagawin kita sa kanya" Aniya.

Flame-kissed Hearts Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum