K A B A N A T A 19

2.2K 140 37
                                    


"Hardin kain na" masayang ani ko at marahang lumapit sa bata. Kanina pa kasi na nagsasabi si Hardin na gutom na sya kaya kumuha ako ng makakain. Agad nyang kinuha ang plato na may lamang pagkain.

Huling lamay na nila tatay at ate ngayon. Kaya magbibigay kami mamaya ng message. Nandito na rin si Ate Solia ang pangalawa sa magka-kapatid. Habang si Kuya Arcan naman ay kalalabas lang ng hospital at ngayon ay nakahilata pa rin sa loob ng kwarto.

"Kuya busbus na" Ani Hardin. Natawa na lang ako sa kanya dahil hindi pa sya masyadong marunong magsalita. Ubos na siguro ang ibigsabihin nya dahil ubos na nga naman ang pagkain nya. Jusko sana hindi ka maging mataba paglaki.

Umiiling na naglakad ako papasok para kumuha na naman ng bagong pagkain. Siguro biscuits na lang. Tumungo ako sa kusina upang kuhain ang lagayan ng mga biscuits at tinapay.

Kumuha ako ng dalawang hansel para ibigay kay Hardin. Akmang aalis na ako sa pwesto ng makarinig ako ng boses sa likod.
"Yvan!" tawag ni Isaiah sa akin. Mabilis ko itong nilingon at sumalubong sa akin ang mahigpit na yakap. "Andyan ka lang pala" dagdag ni Sai.

Bumitaw si Isaiah sa pagyayakap namin atsaka ito ngumiti sa akin. "Kayanin mo ha.... andito lang ako, kami" ngiting sabi nito sa akin. I just nodded and i deeply signed. Kakayanin ko nga ba? Yan ang tanong na hindi ko masasagot.

"Walang kakanta mamaya, baka ikaw gusto mo" Sabi ulit ni Isaiah sa akin. Huh? Ba't ako? Mabilis na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Isaiah.

"Luh, bakit ako?" may halong birong saad ko. Naglakad kaming dalawa palabas at para maibigay ang biscuits kay Hardin.

"Wala kasing kakanta 'no. Alangan ako?" anito sabay turo sa kanyang sarili.

"Aba! Dapat lang ang lakas mo kayang kumain atsaka naguuwi ka pa ng pagkain!" biro sabay tawa.

"Aba rin! Baka gusto mong kuhain ko ang abuloy ni tito at ni Nat!"

Sabay kaming natawa ni Isaiah bago makalabas. Napa-iling na lang ako dahil kahit may ganto nagagawa ko paring maging masaya. Lumapit sa akin si Hardin at pinalo-palo pa ang hita ko.

"Oh baby" ani ko. Sabay abot ng biscuits.

"Talamat!" masayang anito. Mabilis na umalis si Hardin at kung saan na naman pumunta. Tsk! Layas yung batang yun.

"Tsk! Patay gutom!" nagulat ako ng may batang babae na nagsalita sa gilid ko. Kumunot ang noo ko dahil sa pagkabigla. Siguro magka-edad lang sila ni Hardin. Hmm....

Tumakbo ang batang babae kung saan. Napa-iling na naman ako. Pumasok ulit ako sa bahay para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa para tignan kung anong oras na.

"10:13 na pala" napakamot ako sa ulo dahil inaantok na ako. Mamaya may message pa ako kila tatay at ate. I sighed parang nung kailan lang ang saya naming lahat tapos nagpa-plano pa kami na pupunta sa tagaytay para mag bakasyon pero wala na eh natapos agad. Siguro nga may plano ang d'yos para sa atin at may misyon tayong dapat gampanan. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa sariling na isip. Pumasok ako sa kwarto para matulog muna dahil napagod din ako ngayon dahil mas dumami ang mga bisita.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Capeta. He told me na pupunta sya ngayon. Medyo naging busy si Capeta dahil sya ang naga-asikaso sa kaso nila tatay.

Baby cute; Nasaan ka na? Dadating ka pa ba?

I grabbed my pillow and lid to my face. Ilang minuto ang tinagal bago tumunog ang cellphone ko.

Rawr; I'm here in my condo. I'm just tired because of your dad and sister's case and i think tomorrow I'll be there. ❤️

I sighed. Simula nung nakaraang araw bibihira na lang syang pumunta rito. He said, he is busy. I'm ok likewise because it's my father and sister case. Tumayo ako sa pagkakahiga dahil napag-desyunan ko na puntahan sya sa condo. Ilang araw na rin akong walang ganap. I walked downstairs and after that i grabbed my black coat in back of door.

Nagpaalam muna ako sandali kay Auntie Teverra na may pupuntahan ako. Pumara ako ng tricycle para makapunta sa Condo ni Capeta. Masyado na syang stress dahil sa kaso ng tatay at ate ko.

Nagbayad ako pagkababa ko. Bumuntong hininga muna ako bago tahakin ang daan papasok. The guard blocked my way but i said to him that my boyfriend is inside.

Mabilis akong nagtungo sa room ni Capeta. Bubuksan ko sana ang pinto nito pero nakalock ito. Well i have a duplicate key.

When i entered, i saw a black dress. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa nakita ko. Sabog ang buong bahay ni Capeta. Nagkalat ang kung ano-ano pero hindi pinalagpas ng mga mata ko ang mga underwear na nasa baba. I deeply signed. I walked silently. Para hindi ako makagawa ng ingay.

"Ohhhh fuckkkkk" i heard a moaned. Sarap na sarap ang mga demonyo!

"Faster Capeta! Ohh... ahhh.... ugh!" ungol ng isang babaeng pamilyar sa aking tenga. May mga butil ng luha ang bumagsak sa aking pisngi. Bwisit siguro sobra sobra na ito para mabayaran lahat ng kasalanan na ginawa ko. Ito na ba! Bakit kailangan masaktan ako ng ganito?! Hindi ko alam kung bakit ko kine-kwestyon ang panginoon. Napailing na lang ako sa kawalan.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang dalawang katawan. Sabay pa silang napatingin sa akin. Ngumiti pa rin ako kahit ang sakit sakit na. Dahil yun na lang ang magagawa ko.

"Oh shit! Darling!" gulat na anito. Napailang na lang ako dahil namukaan ko na yung babae. Genesis?

Ba't kaibigan ko pa?

Mabilis na nagbihis ang dalawa at agad na lumapit sa akin si Capeta. "B-babe im sorry" nanginginig ang boses ni Capeta. Hinawakan nya pa ang dalawa kong kamay pero mabilis akong nagpumiglas.

"Hayop kang babae ka!" galit na ani ko. Agad akong pumunta sa direksyon nya at galit na sinabunutan sya. "Hayop kang babae ka! Hayop ka! Mamatay ka ng malandi ka! Ang landi landi mo! Hindi ba tumitigil yang puke mo! Haaaa!" Galit na galit ako. Gustong gusto kong ubusin ang buhok nya! Hindi na sya nahiya. Kaibigan ko sya eh

"Stop! Stop!" Awat sa akin ni Capeta.

"Isa ka pang hayop ka! Hindi ka na nakuntento! bakit kating-kati na ba yang tite mo! Pati kaibigan ko tinikman mo! Hayopp ka!!!" Galit na sabi ko kay Capeta. Hinampas hampas ko sya pero ngayon ko lang 'to gagawin. Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanya na dahilan ng pagkatumba nya sa sahig.

Wala na akong dapat gawin sa lugar na ito. Mabilis akong umalis sa condo na iyon. Bakit kailangan kong masaktan ng lubusan? Bakit akoooo!

Nasa ground floor na ako pero patuloy pa ring umaagos ang maiinit na luha ko. Haggang may maka-bunggo ako. Hindi ko na sana papansinin iyon ngunit narinig ko ang malamig na boses nito.

"Yvan?"

L-leo?

Flame-kissed Hearts Where stories live. Discover now