K A B A N A T A 35

2.6K 107 13
                                    

Last chapter.

___________________

Fuck this!

Ano pa bang hinihintay ko? Kahit galit na galit ako bat parang hindi ko kayang ilakad ang mga paa ko. Hindi ko man lang mabuka ang bibig ko. Naramdaman ko ang pag-agos ang mga luha ko pababa sa aking pisngi ngunit agad ko itong pinunasan. Kung kailan harapharapan na hindi ko pa susugudin? Tangina sila.

Nagpupuyos ako sa galit at agad na pumasok. Halos lumuwa na ang mga mata nila ng makita nilang pumasok ako. Nakita ko si Isaiah at Capeta na nakangisi sa akin. I know.

"Mga putangina!" Sigaw ko. Agad kong nilapitan si Leo at sinuntok ito sa mukha. Habang si Genesis naman ay naka-nganga na animo'y hindi alam ang nangyayari sa paligid niya.

"Hayop ka! Ahas!" Sigaw ko kay Genesis at agad ko itong sinabunutan. Gusto kong ubusin ang buhok niya sa ulo dahil sa galit ko.


"T-tama na!" Sabi ni Leo at inawat ako. Pero sa panahon ngayon ako ang malakas kaya agad siyang siniko sa mukha. Habang ang kamay ko ay patuloy lang sa pagsabunot sa lintik na Genesis na yan.



"Ano ba, nasasaktan ako!" Galit nitong saad sa akin. Huh? Nasasaktan siya? Ngunit hindi niya alam na siya yung nakakasakit ng tao? Nakakasilaw siya sa mata.

"Yvan, TAMA NA!" dugundong ang tibok ng puso ko dahil sa sigaw na iyon. Parang ako yung may kasalanan. Parang ako yung mali sa kanila. Binitawan ko si Genesis at nilingon si Leo na naka-krus ang dalawang braso.


"B-bakit tama na? Ako yung nasaktan Leo pero tama na agad? Ano ba ako sayo Leo?" Nanginginig na boses ko lang ang naririnig ko sa mga oras na ito. Lahat yata sila ay na pipi.



"Sagutin mo naman yung mga tanong ko Leo, kasi parang sasabog na yung utak ko kakaisip, e" pinunasan ko ang luha ko. Bumuntong hininga ako. Wala na akong gagawin dito dahil doon pa lang sa hindi niya pagsagot sa katanungan. Alam ko na kung ano ako sa kanya.



Tumango-tango ako na parang walang nangyari. Lalabas na sana ako ng biglang makarinig ako ng putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagtama nito sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagtagos sa akin ng bala. Sabay no'n ang paglabas ng dugo sa aking bibig.




"AHHH!" napabalikwas ako sa higaan dahil sa napanaginipan ko. Kinapa ko pa ang katawan ko kung may sugat ako pero wala naman. Tumayo agad ako at dumaretso sa loob ng cr para maghilamos. Pawis na pawis ako parang hinabol ako ng mga aswang. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-akal ko totoo na" ani ko.

Lumabas ako sa cr at nakita ko si Isaiah na nakatayo malapit sa pintuan at matalas ang tingin aa akin. "Anong nangyare sayo? Pawis na pawis ka" tanong nito sa akin.

"Binangungot ata ako," tugon ko at napakamot na lang sa batok ko. Sana hindi naman yun mangyare. Natatakot ako. Ayaw ko pangmamatay

"Anong genre ng bangungot mo today" tanong ni Sai atsaka ito tumawa. Inismiran ko na lang siya. Ang sarap hambalusin.

"Tara na sa baba, swimming!" Anyaya sa akin ni Isaiah. Tumango naman ako. Gusto ko namang mag enjoy dito pero di ako maka move on sa bangungot na yun. Parang totoo.

Pinauna ko na si Isaiah dahil magbibihis pa ako. Ayaw ko namang maligo ng ganito ang itsurahin. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko.

Lumabas na ako sa kwarto at mabilis na bumaba dahil kanina pa pala sila nag aantay.

Nasa tabing dagat na ako at kitang kita ko sila Isaiah na masayang naliligo. May pagkaway pa sila sa akin. Unang hinanap ng mata ko si Leo ngunit wala akong nakita.

Pinabayaan ko na lang. Mamaya makikita ko rin naman siya. Hindi ako dumaan aa gitna. Ayaw kong maging center of attention ng mga tao roon. Kaya mas pinili kong maglakad sa gilid kung saan may puno puno.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng iyak ng isang babae. Hinanap ko kung saan yun nanggagaling pero hindi ko alam kung saan yun. Aalis na sana ako ng biglang may marinig akong boses ng lalaki na sobrang pamilyar sa akin.

"Genesis, please" ani ng isang lalaki at alam kong si Leo iyon. Tinahak ko ang daan at may nakita akong dalawang bamboo chair. Nakita ko na umiiyak si Genesis habang ang mga kamay nito ay nasa kanyang mukha.

"Ayaw kong masira kayo ni Yvan, please wag mo ng sabihin sa kanya. M-magkaibigan kami mas nauna ko siyang nakilala sayo. Please Leo." Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa kaba. Ano yung pinagsasabi ni Gen?

"Tangina naman Genesis, buntis ka! Kailangan kong panagutan yan kahit hiwalayan ko pa si Yvan!" Nanlaki ang mga mata ko. Ano bang nagyayari? Bakit ganto? Matagal na pala nila akong niloloko. Pinunasan ko ang mga luhang umalpas sa mga mata ko. Pinigilan ko ang paghikbi ko. Ayaw kong marinig nila akong umiiyak at mas lalong ayaw kong makita nila akong mahina at ayaw ko ring kinakaawaan ako. Sign ba yung panaginip ko kanina? Panaginip na naman ba ito?

Tinapik tapik ko ang pisngi ko at nagbabakasakaling panaginip lang lahat ito. Ngunit hindi pala. Ito ang reyalidad na gustong gusto kong takasan.

"Congrats!!" Masayang sabi ko. Sabay silang napalingon sa akin. Pinahidan ko ang sarili kong mga luha. Hindi ko na nakayanan at napa-hikbi na talaga ako ng todo.

"Y-yvan?" Sabay nilang sabi at bakas sa tono nila ang gulat.

"Yehey! May baby na kayo, ninang ako niyan ah, Genesis ha." Ani ko pa at ngumiti kahit patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

"Yvan, let me explain," saad ni Leo at lumapit sa akin pero isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. KULANG PA YAN.

"Leo please, wag ka ng mag explain. Wasak na wasak na ako oh! Atsaka nag congrats na ako sayo. Magiging tatay kana!!" Masayang ani ko. Haha basang basa na ako ng sarili kong luha.

Lumapit sa aking si Leo at mahigpit akong niyakap. Hinalikan niya ako sa noo.

"I'm so sorr-" hindi ko na pinatapos ang mga salitang iyon dahil agad akong tumakbo palayo.

Sana maging masaya kayo...

Flame-kissed Hearts Where stories live. Discover now