Chapter 11

7K 242 32
                                    

"Tama na yan." Saway niya sa akin at saka niya kinuha ang bote ng  beer na hawak hawak ko.

I'm so disappointed with myself. Bakit ba di na ako gumaling galing? Simpleng paggala lang sa mall diko pa magawa.

"Ibalik mo sakin iyan!" Sa  lasing na tinig ay inagaw ko ang boteng kinuha niya. Tumayo ako at pilit inaabot iyon sa kanya. Pero muntikan na akong matumba.
"Avien naman eh!" Reklamo ko dito. Tumuntong na din ako sa sofa para lang maabot iyon pero mas napasimangot ako noong lumayo siya kahit hilong hilo na ako. Nakailang bote na ba ako? Pangatlo ko pa lang iyong kinuha niya pero mababa ang alcohol tolerance ko. Tumigil ako saglit dahil umiikot ang mundo ko.

Kainis itong baklang ito, panira. Ayaw na nga niya akong damayan sa pagdadrama ko, binabawalan pa niya akong uminom.

"Lasing ka na." Sabi niya.

"Hmpft! Hindi pa!" Pagmamatigas ko pero napangiwi ako noong biglang umikot ang paningin ko mabuti nalang hindi ako natumba. Sabi ko nga lasing na ako.

Mula noong dumating kami dito sa bahay ay ay nagbukas na ako ng beer. Kasi nga sobrang disappointed ako sa sarili ko. At saka medyo naguguluhan din ako.

Ang wierd kasi ng puso, ang wierd ng tibok. Mukhang nababaliw na din ako. Hindi pa nga nagagamot ang phobia ko pero ayan ka na naman sa panibagong sakit. Yung totoo?

"See lasing ka na. Bumaba ka na diyan." Sabi niya.

"Ayaw!" Parang batang sabi ko. Inilagay niya yung alak sa may center table at saka siya bumuntong hininga.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang kamay niya. Tinignan ko lang ang palad niya.

"Baba na diyan merlat at matulog kana." Utos niya sa akin. I puckered my lips at maya maya ay napangisi ako. Alam kong hinahabaan lang niya ang pasensiya niya sa akin.

Ibinuka ko ang dalawang braso ko like I was welcoming him for a hug.
I smile sheepishly that made him crease his forhead.

"Dalhin mo ako sa room ko." Pabebeng sabi ko sa kanya. I saw him sigh.

"Bumaba ka na diyan merlat habang mahaba haba pa ang pasensiya ko." Sabi niya sa akin.

I pout at sinamaan siya ng tingin.

"Eehh! Dalhin mo nga ako sa room ko. I want piggy back!" Demand ko sa kanya. Marahas siyang napabuntong hininga at saka siya napahilot sa sentido niya.

"Merlat, alam kong lasing ka pero wag kang pabebe pwede ba?" Medyo naiinis nang sabi niya. Mas napanguso ako lalo and I even cross my arms. Nagmamatigas.

Mas lumapit pa siya at saka na niya hinawakan ang kamay ko.
"Halika na." Hinila  niya ang kamay ko pero

"Ayaw!" Hinila ko din iyon pabalik.

"Isa Zaniata makakatikim ka na sa akin." Banta niya. Pero sinong tinakot niya. Yes, Im a very stubborn one when Im drunk.
"My gosh Zani, magkakawrinkles ako sayo ng maaga." Sabi niya sa akin.

Kahit na nahihirapan ay lumipat ako sa kabilang sofa. Sa pang isahan. Muntik pa akong mahulog at ganun nalang ang pag aalala ni Avien. Tumawa ako.

"Chill, see kaya ko." Tumatawang sabi ko sa kanya. Napapikit siya sa inis.

"Zani, get down right now habang hindi pa ako nabibeast mode." Babala niya.

"Hmpft! Ayaw! Ibigay mo muna sa akin iyong bote." Pagamamatigas ko.
He sigh.

Hinawakan niya ang kamay ko at alam kong pupwersahin na niya ako para bumaba. Kaya ang ginawa ko ay hinila ko siya. Inilambitin ko ang dalawang braso ko sa leeg niya at saka ako tumalon at ipinulupot ang mga hita ko sa beywang niya. Muntikan na siyang matumba mabuti nalang maganda ang balancing ni bakla.

A Her For HimWhere stories live. Discover now