Chapter 39

795 43 38
                                    

"Dad!" Masayang bungad ni Avien pagkauwi niya sa bahay nila. Ngiting ngiti ito na para bang may magandang balita ito sa mga magulang niya.

Kumunot naman ang Dad niya pati na din ang Mom niya na naagaw ang pansin sa ginagawa nito.

Excited na lumapit si Avien sa mga magulang niya.

"I want to tell you something." Panimula nito. Namumula ang pisngi nito na tila kinikilig at saka nahihiya.

Nagkatinginan ang mag asawa. Dahil nawiwirduhan sila sa ikinikilos ng anak nila.

"I just found out one of my dreams that I want to fulfill when I grow up." Sabi nito.

Mas lalong nacurious ang mag asawa.

"At ano naman iyon anak?" Tanong ng mama niya.

Ngumiti ng pagkalawak lawak si Avien.

"When I turned adult at saka pwede na po. I promise, I will make Zani my bride." Sabi nito na tila desidong desidido.

Natigilan ang mag asawa at saka nagkatinginan sa huli ay nagtawanan ang mga ito.

"Bata ka pa Altaire. Saka mo na yan isipin pa." Sabi ng papa niya. Napasimangot naman siya doon.

"Oo nga anak. At saka malay mo makahanap ka pa ng iba paglaki mo diba."

"Hindi na. Si Zani lang gusto ko." Nakangusong sabi niya.

"At bakit bigla bigla mo naman  yang nasabi anak. Kagagaling mo lang makipag laro kay Zani tapos biglang ganyan na ang sinasabi mo?" Curious na tanong ng mom niya.

He is just a kid but then parang mature na siya kung mag isip.

Lingid sa kaalaman ng mga magulang niya ay naglaro sila ni Zani kanina.

Kasal kasalan pero... Zani suggest it. Pero maya maya ay nagbago ang isip nito.

Parang may naalala.

"Hindi pala pwede laruin ang ganito sabi ni papa kasi bata pa tayo." Nakangusong sabi ni Zani. "At saka ayaw pala kita maging groom." Dagdag pa nito.

Napalabi naman si Avien, hindi niya gusto ang tinuran ni Zani.

"Bakit ayaw mo akong maging groom? Ayaw mo ba sa akin?" He sadly ask.

"Hindi naman. I like you pero diba kuya kita. Because I am calling you kuya." Sabi ni Zani.

"Edi wag mo na akong tawaging kuya." Sabi naman ni Avien.

Umiling iling si Zani na para bang tutol ito sa suhestiyon nito.
"Bad daw iyon sabi ni papa, kapag gusto mo daw maging good girl dapat daw polite ako lagi."

Napaisip naman si Avien dahil doon dahil tama nga naman ang sinabi ni Zani. Malalim siyang napaisip.
Matagal niyang tinitigan si Zani na parang pinag iisipan kung ano nga ba ang sasabihin dito para gustuhin siyang maging groom nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Her For HimWhere stories live. Discover now