Chapter 29

7.3K 212 49
                                    

He already confessed.

But the downside of it was he isn't so sure about it.

Okay na yun at least may chance diba?

And after the kiss that we shared my gosh. Ngayon pa ako nakaramdam ng grabeng awkwardness.

Hindi ko alam kung bakit. Pero basta sobrang awkwardness ang naramdaman ko after it.

At ngayon hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Pati din siya. He look awkward. Nagulat pa ako noong tumikhim siya. Napatingin ako sa kanya bigla.

"Uhmm. Ano..." He said na hindi makatingin sa akin ng diretso.

I breathed deep.

"Did you just confessed that you like me Avien?" I ask him  while staring straight right through his eyes.

I saw how he gulp. Nakaramdam ako  ng takot na baka ideny niya. But in the end he just shyly nod at me that made me smile.

"Yeah..." He whisphered at saka siya napayuko kaya mas lalo akong napangiti.

"Bakla." Tawag ko sa kanya. Kaya napatingin ulit siya sa akin. I smiled at him sweetly. Biglang lumakas ang pagdagundong ng puso ko kasi...

"Gusto din kita." I said to him. Natigilan siya na tila ba nagulat sa sinabi ko. He blinked.

"Totoo? Baka ginugood time mo lang ako ah." Hindi naniniwalang tanong niya.

Tumango ako.

"Don't doubt me bakla. Dahil kapag sinabi kong gusto kita. Gusto talaga kita." I said at saka nag iwas ng tingin kasi hindi na ata kaya ng puso ko ang pagdagundong ng malakas.

Dinig na dinig ko pa.
At dahil hindi ko na kaya pa sa tingin ko kailangan kong kumalma. Ikalma ang puso kong grabe kung dumagundong. I walked out. Iniwan ko siya doon, pumasok ako sa kwarto ko.

"Hoy gaga! Walang ganyanan! Walang walk outan!" Si Avien yan na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko.

I just confessed that I like him too. Pero ayun nga winalk outan ko siya.

Huminga ako ng malalim. I inhaled and exhaled repeatedly to calm my heart.

***

And just like that naamin na namin na gusto namin ang isa't isa.
Pero hanggang doon lang iyon.

After that we never talk about it.

Ayokong maging awkward kaming dalawa kaya kinabukasan nun ay umarte ako na parang walang aminang naganap at ganun din siya.

But I noticed that he became more sweet at saka clingy.

Diko alam but he became more clingy na minsan nawiwirdohan na din ako pero hinahayaan ko lang siya. Aba ngayon lang siya nagiging ganito.

Gaya ngayon nag momovie marathon na naman kami na paborito naming pass time na dalawa. Nakahiga siya sa may sofa at nakaunan siya sa hita ko. I caress his hair. Pinag lalaruan ko lang ang buhok niya habang nanonood.

Napayuko ako at napatingin sa mukha niya noong makaramdam ako na parang may tumititig sa akin and I caught him red handed pero imbes na umiwas siya dahil nahuli ko siya ay nginisihan niya pa ako. Kumunot ang noo ko.

"What?" I ask him na naguguluhan. He just shake his head at saka nag iwas ng tingin. Ang weird niya. Nagkibit balikat nalang ako.

And everyday that passes by ay pawirdo siya ng pawirdo. Diko alam kung bakit.

A Her For HimWhere stories live. Discover now