Chapter 5

8K 227 53
                                    

Binalingan ako ni Avien nang may iritadong mukha.
Pero imbes na matakot sa kanya ay napangiti pa ako. He just rolled his eyes in annoyance.

Maya maya ay hinarap niya ako with his cross arms at nakatikwas nitong kilay.

"Zani merlat." Simula niya and he take a deep breath to control himself. Para mapigilan niya ang kanyang sarili na hindi matuluyang mainis sa akin.
"Pwede mo na akong bitawan. Gosh, nagugulo na ang damit ko ng dahil sayo." Iritang sabi niya sa akin. I am holding the hem of his off shoulder. At dahil doon kapag maglalakad siya ay nahihila at nawawala sa tamang ayos ang kanyang damit.

Napalabi lang ako. Dahil nga ayaw ko siyang bitawan. Nakumbinsi ko siya kanina na wag ng umalis dito sa bahay. Katakot takot na kumbinsihan pa ang nangyari. Talagang desido na daw siyang umalis eh. Mabuti nalang ay napapayag ko pa rin siya.

At ngayon nga ay naiirita siya sa akin dahil kanina ko pa siya hinahawakan.

"Pahawak nga lang." Nakalabing sabi ko.  Mas lalo niya akong tinaasan ng kilay.

"Merlat, alam kong hindi ka na takot sa akin  hindi ka na din nahihimatay kapag hinahawakan mo ako. Pero please lang pwedeng time out muna?" Kunot na kunot ang noong sabi niya sa akin.

It feels unreal lang kasi . Napakasaya ko sa isiping may nahahawakan na akong kalahi ni adan nang hindi nagfefreak out at natatakot. Kahit na ba pusong Eva  siya.

Because after 20 years of being afraid to touch a man and to be touch by man ay ngayon nalang ulit ako hindi natakot. Sa kanya lang ako hindi natakot.

Hindi ko din alam kung bakit but it made me happy.


Kaya ngayon ni hindi ako makalayo sa kanya dahil baka maya maya ay bumalik na naman ang phobia ko. Alam kong hindi pa rin ako gumagaling dahil takot pa rin ako sa iba. But then atleast may isa na akong nahahawakan ng walang takot.

"But-" angal ko. Pero inikutan lang niya ako ng mata.

"Merlat. Payag naman akong hawak hawakan mo ako pero awat muna." sabi niya kaya napasimangot na naman ako. "Papasok po kasi akong banyo wag mong sabihin na pati don sasama ka?" He ask me. At doon ko lang napansin na nasa harapan pala kami ng banyo.

Napakamot ako at saka awkward na tumawa.

"Sabi ko nga." Sabi ko at binitawan na siya. At  humakbang ako patalikod palayo sa kanya. I also motioned him to get inside the CR.
He sigh at pumasok na siya sa CR. Napabuntong hininga ako at saka pumunta na sa sala.

Hindi din naging madali kanina ang pagkumbinsi ko kay Avien.

"Im not scared of you anymore." Sayang sayang sabi ko habang nagtatatalon sa tuwa.
Pero siya nanatili lang nakamasid sa akin. Maya maya ay nakita ko ang pagseseryoso ng kanyang mukha. Ang pag iiba nito.

"Are you sure?" Tanong niya nang may mukha na tila ba hindi naniniwala. Napatigil ako sa pagsasaya at kunot noong tinignan siya.

"Oo naman. See this I am touching and holding you." Sabi ko at ipinakita ko pa ang hawak kong kamay niya.

"Bitaw." Malamig na sabi niya. And he is not using his gay voice it's more on like more manly pero hindi kagaya kanina noong mahimatay ako.

Napalunok ako. At agad bumitaw sa kanya. Dahil seryosong seryoso siya. Alam niyo yung hindi ko maintindihan kung beastmode na ba siya o hindi.

A Her For HimWhere stories live. Discover now