Chapter 6

7.5K 235 117
                                    

"Okay ka na?" I worriedly ask him. Tumango naman siya. Inayos ang sarili magkagayun ma'y nanghihina pa rin siyang napaupo sa upuan dito sa may kusina.

Nagtataka pa rin ako. What's wrong with him? Why the sudden vomiting?

"Are you sick?" I ask him pero umiling lang siya at saka nag iwas ng tingin. Dahil doon ay napansin kong nagsisinungaling siya.

He's sick.

Isinawalang bahala ko nalang iyon.

After that ay sinabi ko na sa kanya na magpahinga na siya pero tumanggi siya.  Hindi pa daw siya inaantok so basically ay magcecellphoe muna siya sa sala. Manonood ng tiktok videos ganun.

Pansin ko sa kanya na masyado siyang mahilig sa social media, samantalang ako ay kabaliktaran niya. Kung pwede nga lang na gamitin ang messenger na walang Fb account ay ginawa ko na.

Samantalang siya kumpleto na ata. Andiyan kang tiktok, fb, IG, twitter, snapchat, wesing na kinaadikan niya kahit na parang inipit naman na pinto ang kanyang boses sa tuwing kumakanta siya.

Habang lumilipas ang oras ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabagot dahil nabobored na din ako sa mga pinapanood kong make up reviews. Kailangan kong manood ng ganito bilang research na din sa kung ano ang mga magandang baguhin sa ginagawa naming mga make up.

I wish kinuha ko nalang ang TV sa bahay kahit na pipitsugin lang na surplus iyon atleast makakanood ako ng movie.

"Avien." Tawag ko sa kanya. Binalingan naman niya ako ng tingin kunot noo ito.
"May netflix ka?" I ask. Tumango naman siya kaya napangiti ako ng malawak.
"Yes. Movie marathon tayo." Aya ko sa kanya.

Napasimangot naman siya.
"Wala tayong TV merlat." Dismayadong sabi niya. Napangisi ako.

"No worries I know a way." I said at saka dali daling pumunta sa kwarto ko and get that thing.

"Tsaran!" Sabi ko at ipinakita sa kanya ang DIY projector na aking ginawa. Ginaya ko lang sa napanood ko. Isang beses ko palang itong nagagamit doon nga lang sa kwarto ko.
Kumunot naman ang noo niya.
"Give me your phone." Sabi ko. Duda naman siyang iniabot sa akin ang phone niya.
And I happily place the DIY projector on the table facing the wall infront of us.

"Pakipatay yung ilaw." Utos ko sa kanya. Habang nag iiscan ng pwedeng panoorin pero nahihirapan akong mamili kaya I chat Junie to ask suggestions.

"Ito daw maganda sabi ni Junie." And I played the movie. And placed inside the DIY projector.

"Anong title?" Tanong ni Avien.

"365 dni." Sagot ko.

"Tungkol saan iyang movie?"

"Ewan sabi ni Junie mistery comedy daw." Sagot ko habang tutok na tutok sa movie. Hindi nalang umimik si Avien.

After awhile ay tila nagegets ko na kung anong takbo ng story. As I can say... Sinungaling si Junie. Dahil hindi iyan mistery comedy!

It's freaking romance!

Pero gusto ko pa ring tapusin iyon. Because maganda naman. May ugali din ako na kapag nasimulan ko na dapat kailangan kong tapusin para di maeffort wasted.

Tutok na tutok lang ako sa pinapanood ko. Napapasulyap lang ako kay Avien na tila hindi mapakali sa kinauupuan niya. He look bothered.

"Zani." Hirap na hirap na tawag niya sa akin.

"Bakit?" I ask him without looking at him. Maririnig dito ang pagbigat ng kanyang paghinga. Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko kaya takang napatingin ako sa kanya. And when I look at him his face was sweating. What's wrong with him. Isinawalang bahala ko nalang dahil malapit na ata ang bedscene ng dalawang bida.
"Zani turn it off." Avien said. "Stop it." Sabi niya sa akin.

A Her For HimWhere stories live. Discover now