Chapter 37(Part 1)

3.6K 91 33
                                    

Nagtherapy ako para tuluyan na akong gumaling. Noong una nahirapan pa ako. Pero I tried my best. Hindi naman nagkulang si Junie sa pag guide sa akin bilang psychologist ko.

Si Avien naging busy din siya sa kanyang shop. He is insisting to be with me everytime na may session kami ni Junie. Pero hindi ko na siya pinayagan dahil hindi magiging maayos ang session ko kung nandiyan siya.

Gaya nalang noong pangalawang session ko. Sinamahan niya ako.

Sa ngayon kasi tinatry ko na ang physical contact sa ibang lalaki. Tulad ng paghawak sa kamay nila. Noong una pinahawak din ako ni Junie sa lalaki pero naka long sleeve sila kaya walang skin to skin contact. And now I need to shake their hands.

I need a skin to skin contact.

Pero habang iniisip ko palang iyon ay namumuo na ang butil butil na pawis sa aking noo.

I can feel my heart beat doubled up.

Pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko ito. Na kaya kong gawin ito dahil diba pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako matatakot. Na magiging matapang at matatag na ako.

I heard a loud sigh kaya napalingon ako doon. It's Avien. Worriedly looking at me. Tumayo siya at saka lumapit sa akin.

"Gurl, wag mong pilitin ang sarili mo kapag hindi mo pa kaya." Sabi niya.

Pero umiling iling ako.

"Hindi." I breathed deep to calm myself at saka tinignan ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Kaya ko to. I can do this." Determinadong sabi ko.

"Tsk. Gurl kapag hindi mo kaya okay lang at saka hindi mo naman kailangan humawak pa ng ibang lalaki eh." Sabi niya with hint of jealousy on it. Kaya napakunot noo ako at napataas kilay. I saw him pout at lihim na inirapan ang lalaki na nakatayo sa harapan ko.

I face palm because of it.

"Seriously Avien?" Sarcastic na sabi ko. "Nagseselos ka dahil hahawak ako ng ibang lalaki?" I added.

"Eh kasi naman eh." Pumadyak pa siya. I rolled my eyes on him.
"Hindi mo naman na need ang humawak pa ng iba. Dapat ako la- aww!" Hindi na niya natuloy ang pagrereklamo niya dahil sa pagsapok sa kanya ni Junie. I laugh because of that na napapailing nalang.

Ewan ko sa baklang yan.

"Eh kasi naman eh!" Reklamo na naman niya.

"Alam mo Avien I allowed you to be here dahil sinabi mong you will help me incase mawalan ng malay si Zani. But now-" tumaas ang kilay ni Junie. "Iniistorbo mo kami. Wag kang magseselos selos diyan!" Sabi ni Junie sabay irap kay Avien. "So go back to your seat and don't disturb us here. Shupee balik na dun bakla." Pagpapaalis ni Junie dito.

"Hmpft!" Avien scoffed and stomped his feet at mabigat ang hakbang na bumalik sa upuan.

Umupo nga siya but then ang sama sama ng tingin nito sa lalaki na nasa harapan ko. I can also see that the man is feeling uncomfortable because of it.

"Avien mata mo." Saway ko dito. Mas lalo lang siyang sumimangot. Cute sana siyang tignan kasi para siyang bata na nagtatampo. Napailing nalang ako at saka napangiti.

Pero dahil doon ay nawala ang kaba na aking nararamdaman. Medyo narelax ang aking pakiramdam.

Tinignan ko ang kamay ng lalaki. Napabuntong hininga ako.

I can do this!

For me.

For them.

Gagaling ako para sa sarili ko at sa mga taong mahal ko.

A Her For HimWhere stories live. Discover now