Chapter 17

7.5K 241 47
                                    

Nagising ako kinaumagahan na wala na si Avien sa ibabaw ko. Aba dapat lang! Napapangiwi nalang ako noong bumangon a
ko. I have a body ache for petes sake. Mukhang nangalay ata. Napatingin ako sa inalis kong kumot sa katawan ko at saka napakunot.

Siguro kinumutan ako ni Avien na dapat lang naman. Matapos niya akong daganan.

Paika ika akong nagtungo sa banyo para mag ayos ng sarili ko. Noong lumabas ako at madadaanan ko na yung kwarto ni Avien ay natigilan ako at tinignan iyon.

"Avien." Tawag ko sabay katok. Pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob at bumukas iyon. Sinilip ko sa loob at napabuntong hininga ako noong makitang walang tao. Saka ko naalala ako lang pala ang may day off ngayon baka nagpunta iyon sa flower shop niya.

Hawak hawak ko ang beywang ko habang naglalakad dahil masakit talaga.
Napakunot noo ako noong hindi ko mahanap ang laman ng laundry basket ko. Napapaisip ako. Nagpalaundry ba ako at nakalimutan ko lang. Nagkibit balikat nalang ako.
Siguro oo.  Pero hindi eh, hindi pa ako magpapalaundry kaya nagtataka ako kung saan nga ba nagpunta iyon.

Tapos na akong maglinis ng loob bahay. At saka nakapagtanghalian na din ako. Hindi ko na namalayan yung oras kanina dahil nawili ako sa pag aayos ng bahay.

Pasalampak akong naupo sa sofa. Maya maya ay nahiga na ako doon. Ano nang sunod? Tutunganga nalang ba ako maghapon?
Napabuntong hininga ako.

Kung noon na day off ko lagi kong kasama si Avien. Dahil pinipilit ko siyang mag day off at wag ding pumasok sa shop niya para lang samahan ako. Pero hindi ngayon dahil diba noong mga nakaraang araw ay iwas ako sa kanya. Malay ko ba na magiging okay kami kagabi.

Nakatulala lang ako noong narinig ko ang doorbell. Kumunot ang noo ko. May bisita ba ako? May inorder ba ako? O baka shoppee na na naman iyan ni bakla. Tamad akong tumayo. Sinilip ang peephole. Napalayo ako sa peephole at kumunot ang noo ko.

"Who's that ?"  Takang tanong ko. I'm sure that she is not a delivery something because she looks sophisticated. She's a woman in his late fifty's.  Nag aalangan pa ako kung pagbubuksan ko ng pintuan o hindi. But then she rung the doorbell again kaya binuksan ko na kahit na hindi ako sigurado.

"Magandang araw po sino po sila." Nakangiti kong tanong. Buti nalang babae ang bisita.

She look at me nang may pagtataka sa mukha. She look at her phone and look at the number of our apartment noong makita niya siguro na tama naman ang sadya niya ay mas lalong naguluhan ang itsura niya.

"Does a man Avien Esquivel live here?" She ask me. " Baka namali lang ng send yung anak ko." She murmured.

Mommy siya ni Avien? No wonder medyo hawig sila.

"Ah yes po. Dito nga po nakatira si Avien ma'am. Pasok po kayo." Pinapasok ko siya. Nakita kong inilibot niya ang paningin niya. Bakit ako kinakabahan? "Upo po kayo ma'am. Water or juice po?"

"Tubig nalang ija." Nakangiti niyang sabi sa kanya. Dali dali naman akong pumunta sa kusina and get a cold water.
Inilapag ko iyon sa center table.
Ewan ko bakit ako kinakabahan.

'Tungek baka feeling mo lang Zani na meet the parents na. Kaya feel mo kailangan mong magpaimpress!' sagot ng utak ko.

Matagal akong tinignan ng babae.

Nailang naman ako. Maayos kaya ang mukha ko? Wala kaya akong muta?

"Ah kasi po ma'am. Wala po si Avien dito, pumasok po ata sa shop niya." Pagbibigay alam ko sa kanya.

"No worries. He texted me that he is coming back." Nakangiting sabi nito. Nailagay ko ang palad ko sa ibabaw ng tuhod ko.

' Oh my gosh! Bakla bilisan mong bumalik!
Hindi ko alam kung paano haharapin ang mama mo!' piping dasal ko.

A Her For HimWhere stories live. Discover now