Chapter 22

6.2K 161 31
                                    

Maaga kaming nagising para maaga din kaming makaalis dahil tatlong oras pa ang babyahein namin para lang makarating sa bahay ng mga magulang ko. Pagkalabas ko sa kwarto ready to go na ay nabungaran ko si Avien na nasa sofa nakaupo habang bored na bored na nagcecellphone.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Binalingan niya ako ng tingin at biglang nagsalubong ang kilay niya. Hindi din maganda ang timpla ng mukha niya.

"What?" Takang tanong ko dahil parang nakakita siya ng hindi niya nagustuhan. Baka ako.
Bumuntong hininga siya at saka siya tumayo. Nilapitan niya ako. Napuno lang ng pagtataka ang aking mukha dahil hindi ko alam kung anong mali. He hold my both shoulder at ipinaharap niya ako sa pintuan ng kwarto ko.

"Balik sa loob babaita and change your clothes." Sabi niya. Bigla akong napaharap sa kanya.

"What's wrong with my clothes?" Reklamo ko.

"You're showing too much skin gaga." He said and rolled his eyes on me. Napanganga ako hindi ako makapaniwala. Too much?

"Too much na ba to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang wala na akong choice kundi sundin ang gusto niya.

My gosh nakajeans ako okay. Tattered highwaist boyfriend jeans at white turtle neck sleeveless croptop so kita ang pusod ko na too much skin na daw sabi ni Avien. Ang OA niya ha.

Napanguso ako. "Ayoko. Tara na nga. Saka hello? Sa buong biyahe nasa loob lang ako ng kotse sinong makakakita sa akin?" Pagrarason ko. Pero tinitigan lang niya ako ng madiin. Nakipagtagisan ako ng titig ayokong magpatalo. Pero naghalukipkip na sya at saka niya ako tinaasan na naman ng kilay. Napabuntong hininga ako ng marahas.

"Oo na panalo ka na. Magpapalit na!" Pagsuko ko. "Conservative mo masyado." Nakangusong sabi ko sa kanya at saka ko siya inirapan pero inirapan din niya ako. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko pero saglit lang ako doon.

Pagkalabas ko. "Akala ko ba magpapalit ka?" Kunot noong tanong niya sa akin. Isinuot ko ang cardigan na kinuha ko sa loob.

"Yan okay na ba?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ang kabuuhan ko. Tumango siya at saka na niya ako tinalikuran.

Ewan ko sa baklang yan. Masyadong conservative ang gaga.

Dahil mas maganda yung kotse ni Avien dahil nga rich kid ang isang yan ay yun na ang ginamit namin.
Hindi pa man kami nakakalayo ay tawag na ng tawag ang mama ni Avien. Pinipigilan talaga kami na wag ng tumuloy sa pupuntahan namin instead ay dumiretso daw kami sa bahay nila Avien.

"Mom. We won't change our minds. Tutuloy parin kami." Avien insisted nakaloud speaker yun kaya rinig ko ang pagmamakaawa ni Tita. Worried lang ako na nakatingin kay Avien na nagmamaneho.

"But-but son. Hindi nga pwede." Rinig ko ang pag aalala at pag aalinlangan da boses ni tita.

"Still ma. Tutuloy pa rin kami." Sagot ni Avien at saka na niya pinatay ang tawag.

"Avien." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako saglit. "Wag na kaya tayong tumuloy?" Suhestyon ko na naman.
Pero sa mukha ni Avien mukhang pati ako hindi ko na siya makukumbinsi pa na wag ng tumuloy. Kunot na kunot ang noo nito. He has this some doubt in his face.

"Tutuloy tayo. I want to know what was the reason kung bakit ganun nalang ang pagmamakaawa nila sa akin na wag pumunta doon."

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at napakagat labi. Dahil sa pagkakaalam ko ako ang dahilan kung bakit ayaw nila kaming papuntahin doon. Nasisiguro ko na, na may alam ang mga magulang ni Avien sa nakaraan ko.

Maya maya ay nagring na naman ang cellphone ni Avien.

"Pakisagot Zani merlat." Utos niya sa akin. Kinuha ko ang phone niya at saka tinignan kung sino ang tumatawag.

A Her For HimWhere stories live. Discover now