Chapter 26

5.9K 172 13
                                    

"Junie alam mo ba kung nasaan si Avien? Gabi na kasi pero di pa siya umuuwi. Nag aalala na ako sa kanya baka kung napano na siya." I ask Junie when I called her. Kanina ko pa kasi hinihintay na umuwi si Avien. Pero hanggang ngayon ay wala pa siya mag didis oras na ng gabi. Nag aalala na ako. Baka kung napano na siya.

"Idunno." Junie answered me sleepily. Mukhang naistorbo ko pa ang pagtulog niya. Napabuntong hininga ako.

"May alam ka ba kung saan nagpupunta ang baklang iyon?" I ask her. Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya.

Langya tinulugan pa ata ako ng tomboy na yon.

"Well. Dalawang place lang naman ang pinupuntahan ng baklang yon. It's either his flower shop o sa bar ng Auntie Beauty ko-"

Noong marinig ko iyon ay agad agad kong ibinaba ang tawag. Kasi pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko siya at magpapaliwanag ako.

I get my jacket and car key. At saka dali daling bumaba.

Bahala na.

Nagdrive ako papunta sa flower shop niya. Hindi pa ako nakakapunta doon. Kaya nahirapan ako kasi google map lang ang gamit ko para matunton iyon.

Pero napasimangot ako noong makitang sarado iyon walang tao. Saka ko lang napansin ang cellphone ko na kanina pa pala nagriring.

It's Junie.

"Zani! Bakit bigla mo nalang akong binabahan?!" Inis na reklamo niya. "Where are you?" She ask.

"Nasa tapat ng flower shop ni Avien." Malungkot na sagot ko.

"Tsk! Yan kasi at hindi mo agad sinagot ang tawag ko. Nasa Gay bar si Avien-"

"Ano?!"

"Teka wag kang sumigaw. Zani naman eh. He's fine. Safe siya don." Pag aassure sa akin ni Junie pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita si Avien. Saka naalala ko yung sinabi ni Junie noon na kaya daw aalis na si Avien sa poder ng Auntie niya ay baka ibugaw daw siya nito.

"Ohemgee!" Tili ko at saka pinatayan na naman ng tawag si Junie. Agad kong pinasibad ang kotse ko at dali daling nagpunta sa Gay bar ni auntie Beauty alam ko na doon kasi minsan na akong dinala ni Junie doon noong nag aaral pa kami.

Pero pagkadating ko doon at pagkababa ko ng kotse ay napatingin ako sa pintuan nito. At nanghina ako noong makita kong may isang bouncer doon na nagbabantay.
Ang laki laki ng katawan nito. At higit sa lahat alam kong kapag nalagpasan ko na ang bouncer na yan ay madami pang lalaki sa loob.

Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng jacket ko. Hindi ko alam kung kaya ko. Dahil ngayon palang natatakot na ako.

Hindi naman siguro nila ako mahahawakan diba? Gagawin ko nalang ang best ko para iwasan sila at hindi nila ako mahawakan.

Pero iniisip ko palang ang sarili ko na pinapaligiran ng napakaraming lalaki ay nanginginig na ako. Pero hinamig ko ang sarili ko at napailing iling.

Hindi.

Kaya ko to.

Hahanapin ko si Avien.

Kailangan ko siyang maiuwi ngayon.

Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Para hindi na siya magalit sa akin.

Hahakbang na sana ako papalapit sa may bouncer sa labas pero napatigil ako sa paghakbang at napapikit ng mariin dahil nanghina ang aking tuhod.

Kaya ko to!

I tried my best to take a step again.

Pero bago ko pa magawa iyon ay nag ring ang aking cellphone.

A Her For HimWhere stories live. Discover now