Chapter 1

26.9K 374 37
                                    

Hey guys, another gayXgirl story again.

PLEASE  SUPPORT, READ, COMMENT AND RECOMMEND.

"Matagal pa ba siya?" Inip na tanong ko kay Junie. My very beautiful bi bestfriend. Babae po siya yun nga lang feeling niya lalaki siya minsan kaya ang Jenny niyang pangalan ay pinalitan niya ng Junie. Minsan  naman ang landi landi niya na tipong nagkakagusto din siya sa lalaki. Ewan ko nga din sa kanya hindi ko siya maintidihan. May pagkaabnormal siya eh.

"Malapit na daw siya" sagot niya sa tanong ko habang tutok na tutok sa cellphone niya. Siguro kachat niya yung hinihintay namin dito sa apartment ko. Ngayon na daw  iyon lilipat dito. Talagang umabsent pa ako sa work ko para lang makita ko kung sino man yung nahanap  ni Junie na magiging karoom mate ko.

Ganito kasi iyon, I rented an apartment malapit sa pinagtatrabahuan ko. Pero dahil diko kaya ang renta at nagmamadali ako  and I really like this place at  wala na akong time pa para maghanap ng iba kaya I decided to have a bed spacer tutal may dalawang kwarto naman. I ask Junie if she can live with me pero yun nga lang masyado na siyang mapapalayo sa work niya. So as a solution to my very big problem ay nagpatulong ako sa kanya na maghanap ng magiging ka-share ko sa room na iyon.

"Nga pala Junie, pinakatandaan mo ba yung kondisyon ko sayo?" I ask her when I remembered my condition on her sa paghahanap ng makakashare sa apartment.
Doon na siya napatingin sa akin and she face me with that not so sure face.

"Oo?" Patanong na sagot niya at saka siya nagkamot ng batok. Nanlaki ang mata ko.

"T*ngna Junie! Wag mong sabihing lalaki yung nahanap mo? I told you na hindi pwede!" Nanlalaking matang sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang kilay at saka niya ako inirapan.

"Hanggang kailan ka magiging man hater?" She ask me. Napasimangot ako at saka siya iningusan at saka napainom ng juice. Pero sa huli ay napabuntong hininga naman ako.

"Kung makapag tanong ka naman parang sinasadya ko talaga na maging man hater. At saka hindi man hater ang tawag don. Hindi ako man hater." Sabi ko sa kanya.
Napairap din siya sa sinabi ko.

"Fine, fine." Pagsuko niya. Dapat mas alam niya ang kalagayan ko no. Because she must be the one who understand it the most.

"Pero yung totoo Junie lalaki ba yung nahanap mo?" Curious na tanong ko. Paano nalang kapag lalaki kaya ko bang makasama iyon dito sa iisang bubong?
Paano nalang ang buhay ko?

Pwede naman akong tumannggi diba?

Pero sabi ni Junie ngayon na daw maglilipat yung nahanap niya.

Kakalbuhin ko nalang si Junie kapag lalaki. Dahil alam na nga niya ang dahilan bakit ayaw ko na sa lalaki ay iyon pa ang pinili niya.

"Mas makakabuti sayo na may nakakasama kang lalaki Zani." She said. "Malay mo magamot na din yang pagkaman hater mo."

"Hindi nga ako man hater Junie." Angal ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. Alam kong inaasar na naman ako ng isang iyan.

Basta hindi ako man hater. I don't hate man I'm just afraid of them.
Napabuntong hininga nalang siya bilang pagsuko. Maya maya ay nakarinig kami ng katok, tumayo si Junie.

"Nandiyan na siya." Junie said at saka pumunta sa may pintuan.
Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa amin ang napakagandang babae. She is wearing a floral dress at ang kanyang buhok ay hanggang balikat lang nito. She has a wavy and redish brown hair na bumagay sa kanyang kaputian.
Kaya napahinga naman ako ng maluwag dahil babae pala ang nahanap ni Junie. Pinapakaba lang pala ako ni Junie kanina.

A Her For HimWhere stories live. Discover now