Chapter 46

186 6 0
                                    

Jeff Pov

Kabado ako habang papalapit sa private room ni Donna. Sa di kalayuan ay nakita ko si Ate Liza na may kausap na matandang lalaki. Halos kasing edad lang nya si Daddy, hindi ko naman sya kilala kasi ngayon ko lang ito nakita. Nang nakalapit na ako ay napansin kaagad ako ni Ate Liza at ng matandang lalaki. Nginitian nila ako at ginantihan ko sila ng ngiti. Dating gawi, hinalkan ko sa pisngi si Ate Liza.

"Jeff, buti at nagmukha ka ng tao." bulong ni Ate Liza.

Nginitian ko lang sya bilang sagot. Naku, pag wala lang kaming kaharap, iinisin ko talaga sya.

"Jeff, this is Mr. Peter Chua. Daddy ni Donna at kaibigan ni Daddy." Pakumpaskumpas pa ng kamay si Ate Liza habang pinapakilala kaming dalawa. "Sir, Mr. Chua, this is my brother Jeffrey and fiancee of your daughter."

Daddy sya ni Donna? My God! ano na lang ang sasabihin nya sa akin na ganito ang nadatnan nyang kalagayan ng kanyang anak. Baka isipin nya na pabaya akong lalaki sa buhay ni Donna. Na hindi ako nababagay sa anak nya kasi hindi ko sya kayang alagaan at bantayan.

Kabado akong nagbigay galang kay Mr. Chua sa kabila ng mga pag agam agam ko.

Sa tindig, pangangatawan at itsura ni Mr. Chua ay halata sa kanya an isang bigtime na businessman.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nagbigay galang.

"Iho, salamat sa pagmamahal at pag alaga mo sa anak ko." nakikita ko ang sensiridad sa sinasabi ni Mr. Chua. "Alam ko na ang buong pangyayari and she suffered a lot. Nakausap ko na rin ang Doctor ninyo." Tinapik ni Mr. Chua ang balikat ko. " Iho, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. I want my daughter to be treated at Korea and all I need is your permission. She's eight weeks pregnant at masyadong sensitive ang kalagayan nya."

Hindi kaagad ako makasagot. Para akong nabinggi sa narinig ko. Paulit-ulit itong sumisigaw sa utak ko.

"She's eight weeks pregnant!"

"She's eight weeks pregnant!"

"She's eight weeks pregnant!"

Dumadagondong ang dibdib ko. Magiging daddy na ako.

Ang bilis ng panahon, almost three months na palang natutulog si Donna. Pero bakit hindi kaagad nakita sa mga results na buntis na pala si Donna?

"Jeff, naghihintay ng sagot mo si Mr. Chua." bulong ni Ate Liza.

"S-sir, buntis po si Donna?" di ko pa rin naniniwala sa narinig ko.

"Yes, Jeff. Magiging Lolo na ako!" excited din nyang sabi.

"Pero bakit di sinabi ito ng Doctor sa akin? Ate Liza, kelan nila sinabi na buntis si Donna? Bakit ngayon lang nila nalaman kung kelang dalawang buwan na syang buntis? Napakaraming test na ang ginawa sa kanya, baka pati ang baby ko ay maepehtuhan na sa mga scans na ginagawa kay Donna." nanlulumo na ako at lalong nanghihina sa sitwasyon ni Donna at sa baby namin.

"Kanina lang Jeff nung tumawag ako syo. Kinausap ako ng Doctor ninyo. Tamang-tama naman ang dating ni Mr. Chua kaya sinama ko na sya para sabay naming makausap ang doctor ninyo." mahabang paliwanag ni Ate Liza.

"So, iho. Kailangan ko ang sagot ko sa lalong madaling panahon. Inuulit ko, maselan ang sitwasyon ni Donna kung hayaan lang natin syang sa ganyang kalagayan." sabi uli ni Mr. Chua.

Tinitigan ko lang sya. Marami pa akong dapat malaman sa pagkatao ni Mr. Chua. Ayaw ko sanang mag isip ng di maganda sa kapwa kaya lang sa mga nangyari sa buhay namin ni Donna ay mahirap na magtiwala. Mabuti na ang nag iingat.

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now