Chapter 31

357 7 0
                                    

DONNA's POV

Eto na ang tamang oras na makilala ni Mama ang taong nilalait nya. Ipakilala ko si Jeff bago kami tuluyan na magkalimutan ni Mama.

"Tama Ma ang narinig mo. Kung sabagay ito na ang huli nating pagkikita, gusto kong lang makilala mo ang taong magbibigay sa akin ng magandang bukas at ang taong magmamahal sa akin ng tunay."

"Yang matandang yan!" turo nya kay Mang Oscar habang humahakhak ng malakas. "Anong kinabukasan meron ka sa kanya. Hindi ka nya mahal Donnabelle. Paglalaruan ka lang nya katulad ng iba dyan. Pag magsawa na sya syo, bibili uli sya ng babaeng mas bata pa syo para sa kalibugan nya."

"Ma! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo."

"Anong hindi... Alam ko yan Donnabelle dahil galing na ako dyan!"

Lumapit si Jeff sa akin at inakbayan ako. Si Mary Ann naman lumapit sa Papa nya at kumapit sa braso nito.

"Ikaw!" turo ni Mama sa waiter na nakikinig sa amin.

"Yes, Ma'am,." gulat at natarantang sagot ng waiter.

"Labas! At huwag na huwag ka umalis dyan sa tabi ng pintuan ha! Malalagot ka sakin pag hindi kita makita paglabas ko." dinilatan pa ni Mama ng mga mata nya ang waiter.

"Yes Ma'am." dali-dali naman lumabas ang waiter bitbit ang isang bag na may laman na pera.

"Iwan ang bag! Lock ang pinto!" singhal ni Mama.

Nang makalabas na ang waiter ay nag aalburuto at nag gagalaiti na sa galit si Mama.

Hindi na namin mapipigilan ang pag eskandalo nya. Hinayaan ko na lang sya sa kanyang pagwawala. Kung sa bagay, huling pagkikita na namin ito. Lubos lubusin na nya.

"Uuuyyy! Nalingat lang ako ng konti change partner na agad. Ibang klase din talaga kayo Mr. Agoncillio. Sabi ko na syo Donnabelle eh, paglalaruan ka lang nya. Hindi mo ba nakikita? Harap harapan ka nyang pinagpalit?" gigil na sabi ni Mama kay Mang Oscar.

"Ma, hindi po sya si-----."

"Aling Lily, hindi sya si Mr. Agoncillio na iniisip mo. Sya si Mang Oscar. Isa sya sa katiwala ko sa kompanya namin at pamilya na ang turing ko sa kanya. Kaya wala ka sa lugar na pagsalitaan ng hindi maganda si Mang Oscar." sabi ni Jeff.

Pinisil nya ang balikat ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Sinungaling! napagaling na sinungaling ang isang katulad mo! Ganun naman ang abugado di ba? Magaling bumaliktad ng mga pangyayari!" sigaw nya kay Jeff.

"Hindi kita mapipilit kung ano man ang pinaniniwalaan mo Aling Lily, kung sabagay nasabi at inumpisahan na ito ni Donna. Gusto ko lang linawin ang lahat sa inyo bago mo kalimutan ang anak ninyo."

"Wala kang karapatan na sumbatan ako Mr. Lawyer." sabi ni Mama kay Jeff.

"Unang una Aling Lily. Ako si Jeff, ang boyfriend ng anak ninyo at sobrang mahal ko si Donna. Gagawin ko ang lahat para sa kanya."

Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ni Mama.

"Pangalawa, ako ang tunay na Mr. Agoncillio at hindi ako lawyer. Isa akong simpleng negosyante lamang. Binata at handang pakasalan ang anak ninyo sa tamang panahon."

"Talaga lang ha! ang galing mong umarte. Pang best actor!" nag palakpak pa ng tatlong beses si Mama.

Itinuloy ni Jeff ang pagsalita.

"Sya,-" turo ni Jeff kay Mary Ann na hindi inaalis ang pagkapit sa braso ni Mang Oscar.

"Oh! Anong meron sa secretary mo!" sabi ni mama.

"Siya si Mary Ann, sya lang naman ang anak ni Mang Oscar na kinikilala mong Mr. Agoncillio. Hindi ko sya secretary kasi isa sya sa pinakamagaling kong scholar. Bestfriend sya ni Donna."

"Donnabelle! bakit di ko alam na may kaibigan ka na pala!" napa ayos ako ng tayo sa sinabi ni Mama.

Hinawakan ni Jeff ang kamay ko. Pinisil nya ito signal na wag akong sumagot.

"Tapos na akong magpaliwag Aling Lily. Pwede ka ng umalis."

Walang sagot na tinalikuran kami ni Mama.

"Sayang at hindi mo muna binasa ang mga nakasulat sa kontrata natin. Walang balikan, walang sisihan Aling Lily."

Lumingon lang si Mama at tuluyan ng lumabas bitbit ang pera kapalit ng kalayaan ko.

"Sorry, sorry sa inyong lahat." naiiyak kong sabi.

Lumapit sa akin si Mary Ann at niyakap ako ng mahigpit..

"Free ka na bestfriend, sana tuloy tuloy na ang maganda at makulay mong buhay."

Tumango lang ako at niyakap sya habang umiiyak.

"Mang Oscar, sorry sa panglalait ni Mama syo. Sana po hindi kayo galit sa akin."

"Wala kang kasalanan Donna. Napakabusilak ng puso mo. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan. Napakaswerte ng anak ko dahil naging kaibigan ka nya."

"Maraming salamat Mang Oscar."

"Umpisa ngayon Papa Oscar na ang itawag mo sa akin."

"Po?!"

"Pumayag ka na bestfriend. Para may Papa ka na. Di ba yan ang isa sa mga pangarap mo? Magkaroon ng matatawag na Papa?" kantyaw ni Mary Ann sa akin.

Lumapit ako kay Papa Oscar at hinalikan sa pisngi.

"Maraming salamat po sa pagtanggap at pagmamahal nyo sa akin."

"Dahil karapat dapat kang mahalin Donna." sabi ni Jeff at inakbayan ako.

"Jeff, di ko a---" tinakpan ni Jeff ng hintuturo nya ang labi ko.

"Ssshhh... tama na sa akin ang makitang masaya ka Donna."

Hinalikan ko si Jeff sa labi.

"May bata po kayong kasama." sabi ni Mary Ann.

Nagtawanan na lang kaming apat.

"Mary Ann, ituloy mo na ang pagiging secretary mo ngayon. Gawin mo na ang trabaho mo. Hindi pa kami naghapunan ng Papa mo. Kilos na!" biro ni Jeff.

"At your service Sir Jeff na gwapo.!" sabi ni Mary Ann sabay talikod para tawagin ang waiter.

Pagkatapos namin maghapunan ay kanya kanya na kami ng uwi. Pinataxi na lang ni Jeff ang mag ama at dumiretso naman kami sa condo ni Jeff.

Wala akong imik habang binabaybay namin ang daan papunta sa condo nya.

"Donna, are you okey?" basag ni Jeff sa katahimikan ko.

"Okey lang ako Jeff, nahihiya lang kasi ako syo. Isang milyon ang nawala syo dahil sa akin."

"Pera lang yan Donna. Marami pang darating na isang milyon pag ipagpatuloy ko ang kabutihan na ginagawa ko."

"Pero Jeff....."

"Babe, wag mo na isipin yan ha... ang pera hindi nadadala pag mamatay tayo, pero ang kasiyahan ng tao hindi nabibili ng pera."

"Bakit si Mama?"

"Iba ang Mama mo Donna. Pag hindi nya mahawakan ng tama ang pera na binigay ko, sa isang iglap lang mawawala ang isang milyon na yun."

"Sana maayos na ni Mama ang buhay nya."

"Sana nga Donna."

Just Call me DonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon