Chapter 45

203 4 0
                                    

Jeff POV

Hawak hawak ko ang kamay ni Donna. Sobrang nasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay nya. Ako ang may kasalanan ng lahat ito eh. Kung hindi ko sana nakilala si Donna, sana ngayon tahimik pa rin ang buhay nya basta susundin nya lang lahat ng gusto ng ina nya, matalino at matinong babae si Donna at kaya nyang alagaan ang sarili nya.

Hindi din mangyari ito sa kanya kung hindi dahil kay Love Mae, hindi lang sya nakaganti sa akin kaya kay Donna nya ito ginawa.

Sana... Sana ako na lang ang sa kalagayan nya. Ako naman ang may kasalanan di ba? Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Yumuko ako para itago ang mga luha ko. Naramdaman ko ang init ng likido name tumulo sa palad ni Donna. Napuno ng luha ko ang kanyang mga kamay.

"Babe, wag mo akong iiwan. Nag uumpisa pa lang tayo di ba?. Gumising ka na please, ang daya mo naman kasi, tulog ka ng tulog. Sobra sobra na ang tulog mo oh, ang haba na ng pahinga mo, wala tuloy akong kasabay kumain. Na mimiss na nga kitang kulitin. Namimiss ko na ang mga lambing mo. Gumising ka na Babe." pinahid ko ng kwelyo ng damit ko ang nagsilaglagan ko na mga luha. "Kaya natin ito, Babe. Di ba sabi mo sa akin, lahat ng pagsubok nalampasan mo na? Sana sa pagsubok na ito malalampasan din natin, sabi mo din mas matapang ka sa akin, kaya labanan natin ito Babe, mahal na mahal kita. God knows how much I love you." mahinang sabi ko sa punong tainga nya.

Pinahid ko ang mga luha ko gamit ng kabilang kamay ko.  Baka kasi biglang magising si Donna at makikita nya ako na nanghihina.

Tiningnan ko uli ang napakaraming aparato na nakasabit sa kanya.  Ang naka ready na oxygen sa tabi nya at isang tv monitor na naka antabay sa kanyang paghinga.

Pigil na pigil ang emosyon na nararamdaman ko. Napakabigat. Napakahirap. Napakasakit.

Si Donna lang ang babaeng binigyan halaga ko sa buong buhay ko. Sa kanya ko lang ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Ang pagmamahal ko.

Inaamin ko, hindi kami madalas na magkasama nitong nakaraang buwan pero ramdam ko na especial si Donna sa buhay ko.

Hinaplos ko ang makinis nyang mukha, hinalikan ko ang namumula nyang labi.

"I miss you so much Babe, please wake up." hindi ko na napigilan ang naramdaman kong sakit at tuluyan na namang umagos ang luha ko.

"Jeff, tama na yan. Sige ka, pag magising si Donna na ganyan ang itsura mo baka di ka nya makilala." sabi ni Ate Liza na hindi ko na namalayan ang paglapit nya sa akin.

Tumayo ako at walang sabi-sabi na niyakap sya.

"Shhhh... Hush Brother. Kaya mo yan."

Lalo akong umiyak sa balikat ni Ate Liza.

"Ako muna ang magbantay kay Donna. Umuwi ka muna, kumain ka at ayusin mo ang sarili mo. It's been three months na pinabayaan mo na ang sarili mo. Ang haba na ng balbas mo. Kahit ako, halos hindi na kita makilala." sabi ni Ate Liza na napapailing sa sinabi nya.

"Ate Liza, thank you so much."

Tumango sya at pinaalis na ako.

Sa condo ko ako tumuloy, diretso ako sa kwarto at hiniga ko ang likod ko sa kama. Bigla kong naramdaman ang pagod at napaidlip ako.

"Congratulation Mr. Agoncilio. Your girlfriend is 6 weeks pregnant. Sana magising na sya sa lalong madaling panahon. Kausapin mo sya palagi at ipaalala sa kanya ang mga masasayang araw ninyo." sabi ng Doctor na nag aalaga kay Donna.

"Totoo po Doc?" hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Yung sakit na matagal ko nang daladala ay napalitan ng umaapaw na kaligayahan.

Napangiti ang Doctor sa reaksyon ko.

Tiningnan ko si Donna na mahimbing na natutulog sa kama. Nagpasalamat ako sa Doctor at dahan dahan kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Donna. Pero bakit sa bawat hakbang ko ay unti unting lumalayo si Donna hanggang sa tumatakbo na ako pero halos hindi ko na sya maabot. Sobrang hinihingal na ako sa kakahabol sa kanya hanggang tuluyan na syang nawala sa paningin ko.

"Donna!!! Wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Donna!!!"

Napabalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis ako at nanunuyo ang lalamunan ko.

Panaginip lang pala ang lahat.

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa refrigerator. Uminom ako at tinungo ang shower room.

Habang nag sho-shower ako ay naalala ko ang lambingan namin ni Donna sa loob ng banyo. Unti-unti akong binalot ng lungkot at napahagulgol na lang sa iyak habang patuloy na naglalagaslas ang tubig ng shower sa katawan ko.

Narinig kong tumutunog ang celfon ko kaya nagmamadali akong nagbanlaw.

Pagkalabas ko ng shower room ay tsaka naman nahinto ang pag ring ng celfon ko. Tiningnan ko sa caller log  kung sino ang tumawag sa akin.

Bigla akong kinabahan ng si Ate Liza ang naka register na missed call.

Dali-dali akong nag call back sa kanya.

"Hello, Ate Liza. May balita na ba?"

"Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka pumunta dito. May gustong kumausap syo."

"Ate Liza, nagising na ba si Donna?" kabado kong tanong.

"Hihintayin ka namin. Ingat sa pag ddrive. Bye."

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now