Chapter 10

519 5 0
                                    

JEFF POV

Hinayaan kong ihilig ni Donna ang ulo nya sa balikat ko. Alam ko kahit papano mababawasan ang bigat na naramdaman nya. Nagulat ako ng may tumulo sa balikat ko. Tahimik na pala syang umiiyak.

Hinaplos ko ang buhok nya.

"Donna, may problema ba?" pag alala kong tanong sa kanya. Hindi pa rin tumitigil ang pag agos ng luha nya. Tahimik sya umiiyak.

"Wala Jeff." mahina nyang sagot.

"Kung wala kang problema, bakit ka umiiyak?"

"Na mi-miss ko lang ang mga kapatid ko." pinahid ni Donna ang luha sa magkabila nyang pisngi. Nakahilig parin ang ulo nya sa balikat ko.

"Alam ko, hindi yan ang rason kung bakit ganyan ang kinikilos mo, ang pagiging tahimik mo at ang pag iiyak mo. Sabihin mo sa akin, makikinig ako. Hindi kita huhusgahan. Promise." itinaas ko pa ang palad ko patunay na tutupad ako sa mga sinasabi ko.

Umayos sya ng upo. Nakayuko sya habang nilalaro ng kanang kamay nya ang mapuputing buhangin sa tagiliran nya.

"Ok lang kahit husgahan mo ako. Sana'y na ako." tumulo uli ang luha nya.

Umiling ako at tinitigan ang malungkot nyang mga mata.

"Hindi ako masaya Jeff... hindi ko gusto itong ginagawa ko. Wala akong mukhang ihaharap sa mga kamag anak namin tuwing may reunion kami o pag nasasalubong ko sila. Lagi nila akong pinapahiya... "di na nya mapigilan ang paghikbi.

"Hindi ko na rin mabilang ang mga lalaking nakasama ko sa kama, matanda, bata, may-asawa at binata. Mag iisang taon ko ng ginagawa ito pero hindi pa din ako nasanay." pinahid nya ang mga naghahabulan nyang luha.

"Ito ang unang gabi na pinaubaya ako ni Mama sa lalaking hindi naman nya nakilala, sa taong hindi ko kaano-ano. Hindi man lang sya nag alala kung ano ang mangyayari sa akin."

"Basta makahawak sya ng malaking pera, langit na yun sa kanya. Ako ang nagta-trabaho pero hindi man lang ako nakakatikim ng pinaghihirapan ko. Umaasa na lang ako sa tip na binibigay ng mga customers ko." may pait sa boses nya habang kinukwento nya ito.

"Makakaahon pa kaya ako? Paano na ang mga pangarap ko?" humikbi na naman sya.

"M-marami a-kong pa-ngarap, Jeff... p-pero e-eto a-ako nga-yon, ha-halos di maka-ahon sa pu-tikan." putol-putol nyang sabi.

Mas lalong lumakas ang pag agos ng mga luha nya. Tagos sa puso ko ang paghihirap ni Donna. Kung may magagawa lang ako...

Hinaplos ko ang likod nya. Medyo huminahon sya sa pag iyak pero hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha nya.

"G-gusto ko din maranasan ang mga ginagawa ng mga teenager na katulad ko. Mag-aaral, gagawa ng project kasama ang mga kaklase, magbonding kasama ang matalik na kaibigan at pinagmamalaki ng magulang. Pe-- pero..... " humikbi na naman sya. "lahat ng yung hanggang sa pangarap na lang."

"Gusto ko rin na magkaroon ng manliligaw na nirerespeto ako, magkaroon ng boyfriend na mamahalin ako ng buong-buo.. pero na hindi mangyayari lahat ng yun... Hindi na mangyayari ang gusto dahil nakakadiri ako, dahil madumi ako." napahalukipkip na sya sa mukha nya sa sobrang pag iiyak nya.

"Lahat ng lalaki na binigyan ko ng aliw hindi ako nirerespeto, minsan pa nga sinasaktan ako dahil ayaw ko sa gusto nilang mangyari." halos napapaos na ang boses nya sa kaiiyak.

Tahimik lang ako. Nakikinig sa kanya. Yan lang ang tanging maitulong ko.

"Sinira ni Mama ang buhay ko!" mas malakas na ngayon ang pagtangis nya.

'Bakit ganun? Hindi ba ako mahalaga sa kanya? Hindi ba nakikita ni Mama na hindi ako masaya? Gusto kong magalit sa Mama ko, gusto kong kamuhian ang Mama ko... pero bakit hindi ko magawa! Buti pa ang ibang tao, nakikita nilang malungkot ako, mabuti pa ang mga kaibigan ko nakikita nilang nahihirapan na ako. Pero ang Mama ko napakamanhid."

Awang-awa ako kay Donna. Sobrang bata pa nya para maramdaman ang ganitong paghihirap.

"Jeff, ikaw lang na customer ko ang sinabihan ko ng nararamdaman ko. Sana hindi malaman ni Mama ito." tiningnan nya ako at nakita ko ang namumugto nyang mga mata. "Hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagsabi ng buhay ko syo. Pasensya na ha, ang gaan kasi ng loob ko syo."

Hindi na ako sumagot sa halip ay niyakap ko sya. Mahigpit. Ayaw ko syang pakawalan sa bisig ko. Gusto ko syang ilayo sa Mama nya. Pero hindi pa ngayon, kailangan ko pang makilala sya ng husto.

Tiningnan ako ni Donna." Jeff? may aahon pa kaya sa akin? may tatanggap pa kaya sa aking ng buong-buo?"

Tumango ako." Oo naman, bata ka pa, maganda at mabait. Maghintay ka lang."

Ngumiti si Donna. Hawak ang pag asa na may aahon sa kanya sa kinalalagyan nya ngayon.

A/N:

Damang-dama nyo ba ang kalungkutan ni Donna?

Vote and Comment na.

lovelots,

ACreativeHands

Just Call me DonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon