Chapter 30

345 5 0
                                    

JEFF's Pov

"Mang Oscar, matagal pa ba yan? Kalahating oras na tayo dito eh."

"Sir Jeff, sandali na lang daw po. Nagka problema lang sa system."

"Hay naku! Sa susunod mag iwan na ako ng pera sa bahay. Ang hirap mag withdraw pag alanganin sa oras at biglaan ang pangangailangan."

Nandito kami ngayon sa isang mall na open ang bank kahit na Sunday. Dahil isa ako sa investor ng banko na ito ay pwede akong mag withdraw anytime.

"Sir, okey na po. Doon po tayo sa VIP room." sabi ng teller na nag aasikaso sa amin.

Sinamahan kami ng teller sa isang VIP room. Pagpasok namin sa isang kwarto ay nakaready na sa isang attache case ang pera. May kasama kaming apat na guard, dalawang supervisor at dalawang teller.

"Sir, let's recount again the money using our counting machine." sabi ng isang supervisor.

"Okey. Let's start na. Late na kami sa appointment namin."

After twenty minutes natapos din kami. Pinalipat ko sa dalawang travelling bag ang pera. Ayokong lumabas ng banko na attache case ang dala dala. Nagpasama na lang ako sa dalawang secret agent ng banko habang papunta sa carpark.

Safe kaming nakarating sa sasakyan ko. Binigyan ko ng tig 1,000.00 ang mga sumama sa akin na secret agent.

Sobra ang pagpasalamat nila sa php1,000.00 na binigay ko.

"Mang Oscar, ikaw na bahala. Kailangan nating makarating kaagad. Halos mag isang oras na tayong late."

"Sir, wag muna tayo mag short cut ngayon. Sa main road na lang tayo para safe.." sabi ni Mang Oscar habang papalabas kami ng parking area.

"Kayo po bahala."

Habang binabaybay namin ang daan papunta sa usapan namin ng ina ni Donna ay tinawagan ko si Mary Ann.

Isang ring lang at sinagot nya kaagad ang tawag ko.

"Mary Ann, nandyan pa ba sila?"

"Opo Sir, malapit na ako kainin ng buhay ng nanay ni Donna. Ang bangis pala nya. Saan na ba kayo?"

"Nandito na. Magpapark lang ang Papa mo."

"Sige po. Ingat kayo."

"Ikaw ang mag ingat dyan! Baka di ko na maabutan ang chubby mong mukha. Nilapa na ng Nanay ni Donna!" humalakhak ako ng malakas at binabaan sya ng phone.

Dali-dali akong nag suot ng coat. Ang usapan kasi namin na si Mang Oscar ang magpanggap na Mr. Agoncillio at ako ang magiging Attorney.

Sa harap ng restaurant ako bumaba. Inutusan ko ang isang guard na tulungan nya akong dalhin ang isang travelling bag. Dala ko din ang mga papeles na ipapa pirma ko kay Aling Lily.

Susunod na lang si Mang Oscar sa VIP room pag naayos na nya ang pagpark ng sasakyan na dala namin.

"Good evening!." pagbukas ko ng pinto.

Una kong tiningnan ang pinakamamahal kong si Donna. Medyo mugto ang mga mata nya, yung makinis at walang bahid na make-up nyang mukha medyo namumula at ang mapupula nyang labi ay may maliit na sugat. Malamang sinaktan uli sya ni Aling Lily.

"Kayo ba si Aling Lily?" lipat ng mga mata ko sa Mama ni Donna.

Maganda si Aling Lily, malamang noong kabataan nya ay marami ang humahabol na kalalakihan sa kanya. Tisay din sya katulad ni Donna at malakas pa rin ang appeal kahit na sa tingin ko ay nasa early 40's na sya.

"Ako nga! Sinu ka naman?"

"Ako lang naman ang Attorney ni Mr. Agoncillio." eporkrito kong sagot.

"Bakit pa! Palitan lang, may attorney - attorney pa! kaartehan ng matandang manyak". reklamo ni Aling Lily.

Totoo pala ang sinabi ni Donna. Hindi ko kilala ang ugali ng ina nya pero ngayon, unti-unti ko ng nakikita kung gaano kagarapal ang ugali nya.

Walang preno kung magsalita si Aling Lily, mataray at matapang. Sabagay, halos lahat ng mga bugaw ganyan kung umasta.

"Aling Lily, malamang paparating na din si Mr. Agoncillio ---"

"Aba! Dapat lang. Ang tagal kong naghintay hah!" hindi na nya ako pinatapos magsalita at tinarayan nya uli ako.

Nilabas ko na ang mga papeles na dala dala ko.

"Aling Lily, habang hinihintay natin si Mr. Agoncillio ay ipaliwanag ko muna sa inyo ang kontrata para maintindihan mo bago nyo pirmahan."

"Wag na. Basta walang nakasulat dyan na hindi ako makukulong sa gagawin natin." mainipin pala si Aling Lily.

"Siguro po ba kayong hindi ko na ipapaliwanag?" pag uulit ko.

"Ang kulit din ha! Akina na nga yan para mapirmahan ko na para pagdating ni Tanda sibat na ako.!"

"Sige, kayo bahala. Walang sisihan Aling Lily."

"May nakasulat ba dyan na makukulong ako?" pangungulit nya.

"Wala."

"Yun pala eh! Tapos ang usapan."

Dali-daling kinuha ni Aling Lily ang ballpen at itinuro ko na lang kung saan sya dapat magpirma.

Tiningnan ko si Donna. Walang reksyon sa mukha nya. May binulong si Mary Ann sa kanya at hinaplos nito ang likod ni Donna. Tumango si Donna dahil sa binulong ni Mary Ann.

Pagkatapos na pirmahan ni Aling Lily ang sampung pahina ng mga papeles ay insakto naman ang pagbukas ng pinto at dire-diretsong pumasok si Mang Oscar.

Kapansin-pansin ang plastic na ngiti ni Aling Lily kay Mang Oscar.

"Okay na lahat Bossing! Iyong- iyo na si Donnabelle."

"Baka gusto mo pang bilangin muna natin." sabi ni Mang Oscar na ang tinitukoy ay ang pera.

"Wag na. May tiwala ako sayo."

Sinilip muna ni Aling Lily ang laman ng dalawang bag.

"Paano, Salamat ng marami. Alis na ako."

"Wala bang yakap sa anak bago man lang kayo maghiwalay?" biro ko sa kanya.

"Hindi uso yan. Pssst! Donnabelle... Hoy!" tawag nya kay Donna.

"Po?" biglang tingin ni Donna sa Mama nya na dahil sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi nya napansin ang pagtawag sa kanya.

" Itawag mo ako ng waiter sa labas para matulungan ako dito."

Nagmamadaling lumabas si Donna. Hindi naman nagtagal at bumalik na sya kasama ang isang waiter.

"Panu, una na ako sa inyo. Donnabelle ikaw na bahala kay Mr. Agoncillio. Paligayahin mo sya ng husto para sulit ang ibinayad syo. Yung mga itinuro ko iapply mo pag ayaw nya ng strategy mo!"

"Opo Ma. Sana po maayos nyo na ang buhay nyo." napakaswerte ni Aling Lily sa kanyang anak pero hindi nya ito pinahalagahan.

"Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan Donnabelle. Alam ko kung papano ko hawakan ang mga ito." inirapan ni Aling Lily si Donna.

Naglakad na palabas si Aling Lily ng tinawag uli sya ni Donna.

"Ma...."

"Bakit na naman!"

"Si Jeff..."

"Di ba sabi ko wag mong banggitin ang walang kwentang boyfriend mo na yan dahil kahit ano pa ang gagawin mo, wala ng forever kayo ng boyfriend mo!"

"Ma, si Jeff at si Mr. Agoncillio ay iisa. Sya ang boyfriend ko at sya ang magbibigay ng magandang kinabukasan para sa akin na dapat ikaw ang gagawa."

"Ano?!" gulat na gulat si Aling Lily.

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now