Chapter 49

228 4 2
                                    

Donna's Pov

"Baby, wake up mo na si mommy. Tell her that you want to see the world." boses ni Jeff yun.

"Ahhhhh......!" biglang sigaw ko.

Sa tindi ng sakit na naramdamdam ko ay bigla akong nagising at unti-unti kong nakita ang kompletong pamilya ni Jeff at mga kapatid ko. May isang tao na di ko kilala sa bandang uluhan ko na tumititig lang sa akin pero sa tindi ng sakit na naramdaman ko ay binalewala ko muna sya.

Sobra na ang paghihilab ang tyan ko. Di ko mawari kung alin ang sumasakit sa katawan ko. Kung yung beywang ko na parang maghihiwalay sa sakit o yung balakang ko na sobra ang pangangalay at "aaahhhhhhh!, Jefffff!" Umiiyak na ako sa sobrang sakit.

"Babe, relax!" sabi ni Jeff habang mahigpit akong hinahawakan sa kamay.

"Jeff, ang sakit. Sobrang sakit ng tyan ko. Ano ang nangyayari sa akin?" umiiyak na ako sa sobrang sakit.

"Ate, please call our Doctor. Donna is awake. Please hurry. Baka lalabas na ang baby." nag papanic na boses ni Jeff.

"Jeff ano ba ang pinagsasabi mo? Aahhhhh.." napakapit na ako sa leeg ni Jeff sa sobrang sakit na naramdaman ko.

"Babe... Your preg---.." Pinutol ko ang pagsalita nya ng may naramdaman akong pumutok sa parang tubig sa pagitan ng mga hita ko.

"Jeff, may pumutok na tubig..." nabawasan na ng konti ang pananakit ng tyan ko.

Mabilis na dumating ang mga Doctor at dinala ako sa operating room. Patakbo na humahabol si Jeff sa akin habang sinusuotan sya ng hospital gown at hindi sya humiwalay hanggang sa operating room.

Kung ano anu ang pinag gagawa ng mga Doctor sa akin. Mabilis ang mga kilos nila habang nagsasalita ng foreign language. Binulungan ng isang doctor si Jeff at sumang ayon naman sya sa sinabi nito.

Pagkatapos nilang mag usap ay nakita kong hinahanda ng doctor ang injection.

"Jeff, ano ang gagawin nila sa akin? Ano ang nangyari sa akin? Bakit wala akong alam?" naiiyak kong tanong.

"Babe, I'll explain later. Sa ngayon the Doctor will give you a painless delivery injection para hindi ka mahirapan manganak."

Natulala ako sa sinabi ni Jeff. Parang sandali lang akong natulog tapos ngayon manganganak na ako.

"Babe, sa ngayon ihanda mo ang sarili mo at sundin mo lahat ng ipagawa ng doctor syo para di ka mahirapan ilabas si Baby."

Tumango lang ako sa sinabi ni Jeff, lutang na lutang ang utak ko. Di ako makapag isip ng maayos. Dinama ko ang tyan ko. Buntis nga ako. Hinimas ko ang naghihilab kong tyan at naramdaman ko na naman ang pagsakit nito.

"Jeff, parang gusto ng lumabas ni baby. Aaahhhh ang sakit!"

"Doc!" panic na sigaw ni Jeff.

Mabilis na nagsikilos ang mga Doctor. Hindi na nila nagawang bigyan ako ng painless delivery injection dahil sa loob lang ng ilang minuto ay nanganak ako.

"Congratulatuons! It's a girl." sabi ng isang doctor.

Pinatong nya ang baby sa tyan ko at pareho kami ni Jeff na naiiyak sa sobrang saya.

A/N:

Thank you so much sa lahat ng mga reader's ko. Thank you so much sa walang sawang support at sa matyagang naghihintay ng update. Sana po nagustuhan nyo ang story ko.

Ending the po ang next chapter.

Maraming maraming Salamat.

God Bless Us!

With Love,

-Liz

a.k.a

ACreativeHands

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now