Chapter 11

487 6 0
                                    

JEFF POV

Isang linggo na ang nakalipas. Wala akong na akong balita kay Donna. Naging busy naman ako sa mga business meetings ko nitong nakaraang araw.

"Mau, give me my schedule for this weekend." sabi ko sa secretary ko.

Tinignan nya ang record book na puro listahan ng mga naka schedule kong meeting.

"Sir, this Friday may meeting po kayo kay Mr. Nietes sa Sunrise Hotel at 8:00 am."

"Ok, is the meeting for the whole day?" tanong ko uli kay Mau.

"Yes Sir, the meeting is about the resort you wanted to invest in."

"How about my schedule on Saturday?"

"Dalawang meetings lang po. Both are scheduled in the morning. After that, available na po kayo the rest of the day. Do I have to make any additional arrangements to your schedule, Sir?"

"Yes. Please call the White Sand Resort. Give me a reservation for a Superior Suite."

"For how many days, Sir?"

"Only for two days and one night."

"Yes, Sir. The check-in time is 12:00 noon."

"Okay. I'll be there at 2:00 pm sharp." sabi ko kay Mau.

"Do you have any more additional arrangements for your schedule, Sir?" pahabol na tanong ni Mau.

"That's all. And tell Mang Oscar that I want to talk to him. Thank you."

Tumango naman si Mau at lumabas na sa office ko.

Wala akong meeting ngayon. Puro papeles ang kaharap ko ngayon na dapat ay nirereview ko na at pipirmahan. Pero eto ako ngayon at ino occupy na naman ni Donna ang isip ko.

*tok! tok! tok!

"Pasok po kayo Mang Oscar."

"Sir, ano po ang pag uusapan natin?" sabi ni Mang Oscar sabay upo sa kanang upuan ng office table ko.

"Si Aling Lily. Sa dating lugar." tipid kong sagot.

"Sir, tanong ko po muna kung available."

"Sige, tawagan mo na ngayon." utos ko.

"Ngayon na po agad-agad Sir?" medyo gulat na sagot ni Mang Oscar.

"Yes, ngayon na. Gusto ko malaman ang sagot nya."

"Di ka naman excited sa lagay na yan Sir, ano?" pang aasar nya.

"Mang Oscar... -" pinutol nya ako.

"Eto na oh, nanginginig pa!" ngisi nya  sa akin.

Umiling lang ako sa pang aasar nya. Si Mang Oscar ang unang tauhan ko. Nakagaanan ko sya ng loob ng minsan nagsabi ako sa kanya ng problema ko. Magaling sya magpayo at mapagkatiwalaan.

Nasa 3rd year college pa lang ako noon ng kinausap ako ni Dad about the business. Umpisa ng namatay si Mom ay nawalan na sya gana na patakbuhin ang business namin. Parang nag wo-working student ako sa sitwasyon ko. Si Mang Oscar ang takbuhan ko pag di ko na kaya ang mga problema.

Tatlo lang kaming magkakapatid at lahat may kanya-kanya ng pamilya.

"Ok Lily. Yes... Sa dati.... Ok... Bye!"

Yun lang ang narinig ko sa usapan nila Mang Oscar at Aling Lily.

"Ano sabi?" excited kong tanong. Medyo namilog pa ang mata ko sa pagsabi ko.

"Inlove ka, Sir... noh?" pang iinis na naman ni Mang Oscar.

"Kanino naman ako mainlove?, eto nga at naghahanap ng pang past time!"

"Sus! Hindi po kayo halata!" iling nyang sabi.

"Mang Oscar, nag aasar ka na!"

"Anak, kilala na kita. Sa kilos at pananalita mo pa lang, ramdam ko na... may nagpapatibok ng puso mo." Sabi ni Mang Oscar sabay tapik sa balikat ko.

"Kelan ka naging manghuhula Mang Oscar?"

"Ngayon lang.... hahahaha"

"Mang Oscar naman eh. Ano daw sabi?"

"Ok daw. Hahaha... ganun na ba ako ka gwapo at pumayag agad si Lily?"

"Galante ka lang! Oh eto." inabot ko ang brown envelope kay Mang Oscar. Binuksan nya ito.

"Malaking halaga 'to ah."

"Transaction mo yan. Pag may natira, syo na. Make sure na masayahan si Aling Lily sa binibigay mo para anytime pwede syang pumayag." paliwanag ko kay Mang Oscar.

Tumango naman sya at naglakad na palabas ng office ko.

"Mang Oscar?.... yung usapan natin ha." pahabol ko bago tuluyang lumabas si Mang Oscar.

Kailangan king matapos ang mga papeles na dapat kong pirmahan para hindi ako matambakan ng trabaho sa araw ng bakasyon ko.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang extension phone ko at tumatawag na ang secretary ko.

"Sir, di pa ba kayo uuwi? Tayong dalawa na lang po dito, kanina pa po umuwi ang mga empleyado natin". sabi ni Mau sa kabilang linya.

"Mauna ka na. May tatapusin pa ako".

"Thank you, Sir." Mabilis na naputol ang kabilang linya nya.

Hindi ko napansin ang oras at 5:30 na pala. Sumandal ako sa swivel chair ko, ipinikit ko ang napapagod kong mga mata.

Sa tuwing ipikit ko ang mga mata ko, ang maamong mukha ni Donna ang nakikita ko , ang malungkot nyang mga mata, ang mapupula nyang labi, ang kaakit-akit nyang katawan... Oh, Donna. Bakit hindi ka maalis sa isip ko.

Bakit lagi kitang hinahanap?

Just Call me DonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon