Chapter 34

303 3 0
                                    

JEFF's POV

Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng VIP room. Maganda at simple ang pagka ayos nito. May malaking round table na kasya ang 12 katao. Golden cloth ang kulay ng mantel ng mesa na terno sa upuan. May tv at microphone sa sulok. Nakapatong sa ibabaw ng tv ang song book na kulay pula para sa gustong mag karaoke.

"Jeff, akala ko tayong dalawa lang?" sabi ni Donna na mukhang nagtataka.

"Babe, ipakilala na kita sa pamilya ko. Gusto ko na ikasal tayo sa lalong madaling panahon."

"Jeff...." bigla ako niyakap ni Donna.

"Babe, wag mong sabihin na aatras ka.. baka paglingon ko wala ka na sa tabi ko." sabi ko habang yakap yakap sya.

"Natatakot ako Jeff baka kung ano ang sasabihin nila sa akin."

Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. Hinawakan ko ang maliit nyang beywang at tinitigan ko ang maamo nyang mukha.

"Babe, sabihin mo lang sa kanila ang totoo. Kung ano ang itatanong nila yung lang ang sasagutin mo."

Hinalikan ako ni Donna. Gumanti ako sa mainit nyang halik. Hinaplos nya ang malambot kong buhok at gumapang ang mainit nyang palad hanggang sa batok ko. Kakaibang sensasyon na ang naramdaman ko. Kailangan kong pigilan ang nag aalab na halik ni Donna. Baka hindi matuloy ang dinner namin dahil sa init na nararamdaman ko. Konting tiis na lang, buong buo kong angkinin ang mahal kong si Donna.

"Babe, you seducing me a lot."

"Kiss lang, seduce agad!"

"Yah... kaya pakasal na tayo kasi hirap na hirap na akong magpigil."

"Jeff, pwede ko naman ibigay ang gusto mo kahit hindi pa tayo kasal eh."

"No, I respect you Donna, makapaghintay ako."

"Salamat Jeff. I love you so much!"

"I love you more."

"Jeff, okey lang ba na naka school uniform ako?"

"Babe, maayos naman ang suot mo, bagay nga syo ang uniform mo eh."

Nginitian lang ako ni Donna.

"Jeef, ano pala ang good news mo?"

"Ladies first."

"Nagbago na ang isip ko, next time ko na lang sasabihin.... pag ready na ako."

"Hahaha... madaya ka. Okey... ready to hear my good news?"

Tumango si Donna at ipinupot nya ang mga braso nya sa leeg ko. Langhap na langhap ko ang bango at init ng hininga nya. Napakalapit ng nakakatukso at mapupula nyang labi na masyadong nagpapainit sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I gave a tender kiss.

"Babe, I want us to get married on the day of your birthday."

"Next na week na yun Jeff."

"Yah.. next week na."

Nagtitigan kami ni Donna. Pakiramdam ko tagos sa puso ko ang pagkatitig nya sa akin.

"Donna, my love , my life... will you marry me?"

"Yes Jeff... because you are my love and my life."

Mahigpit kong niyakap si Donna. Sa ganung position kami naabutan ng pamilya ni Mang Oscar.

"Hellooo... may bata po dito..." sabi ni Mary Ann sa pang aasar na boses.

Tiningnan ko ng masama si Mary Ann. Kumalas din ako sa pagkayap kay Donna. 

"Bestfriend!"sabi ni Donna. "Kamusta ka na?"

"Eto, na miss na kita ng bongga-bongga. Busy kasi sa pag aaral... alam mo naman na graduating ko na ngayong taon. Nakakahiya naman kay Sir Jeff na gwapo pag hindi ako mag aral ng mabuti."

"Aba dapat lang mahiya ka. Papano kita ipasok sa companya ko kung hindi naman maganda ang grades mo!"

"Talaga Sir Jeff? pagka graduate ko may mapapasukan na kaagad ako?"

"Yup, kaya good girl ka lagi lalo na sa akin."

"Good girl naman ako ah... diba Papa, Mama?" lumingon si Mary Ann sa mga magulang nya na makangiting nakikinig sa amin.

"Hahaha... naghanap pa ng kakampi ang bata."

"Kayong dalawa talaga, tuwing magkikita kayo ay lagi na lang ganyan."sabi ni Mang Oscar.

"Best, kwento ka naman, anong meron, miss na kita.. tsaka ang ganda ganda mo na sobra. Mas bagay pa syo ang uniform mo." baling ni Mary Ann kay Donna.

"hahaha... na mi-miss din kita, lalo na ang kakulitan mo."

Hinila na ni Mary Ann si Donna sa isang sulok. Hinayaan ko muna silang dalawa dahil matagal tagal na din na hindi sila nagkita at nagkwentuhan.

Naiwan kami ni Mang Oscar at ang kanyang Misis. 

Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang mga kapatid at pamilya ko. 

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now