Chapter 48

202 3 0
                                    

Jeff Pov

Walong buwan ng natutulog si Donna. Pitong buwan na ang baby namin sa sinapupunan nya. Patuloy na inaalagan ng mga high tech technology ang kalagayan ni Donna at patuloy din syang lumalaban kasama ng baby namin. Ang sabi ng Doctor sa amin ay sooner or later ay magigising na sya. May mga signs na rin kasi silang napapansin na malapit na syang magising katulad ng pagkurap at paggalaw ng kanyang mga mata tuwing nanaginip sya at nagrerespond na rin ang kanyang mga daliri tuwing kinakausap ko sya o ng kanyang Daddy. Minsan pa nga tumulo ang luha nya ng sinabi ko na lumaban sya kasi malapit ng lalabas ang baby namin at hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang ipangalan ko sa kanya.

Dumating ang buwan na kinatatakutan ko dahil hindi pa sya nagigising hanggang ngayon. Ilang araw na lang at due date na nya.

Pati si Daddy ay nag aalala na din. Pinakamagaling at pinakamahusay na Doctor dito sa Korea ang kinuha nya para kay Donna pero wala silang magagawa dahil kay Donna nakasalalay ang paggising nya. Maayos at malusog ang baby sa sinapupunan ni Donna kaya hindi na kami nag alala sa kalagayan ng baby.

Kompleto kami ngayong araw. Pinapunta ko si Dad, Ate Liza at Ate Olivia kasama ang kani- kanilang pamilya. Mabuti naman at tumama sa school vacation ang pag panganak ni Donna kaya nag decide na ang mga Ate ko at pamilya nya dito na lang sila magbakasyon sa Korea.

Ang Daddy naman ni Donna ang nag asikaso ng pagpunta dito nina John at Elmer. Dahil pareho silang minor kaya sinamahan sila isang DSWD para makalabas ng bansa. Hindi ko na inalam kung anong diskarte ang ginawa ni Daddy para makaalis ang dalawang bata. Nakwento ko na din kasi sa kanya ang buong pangyayari umpisa ng makilala ko si Donna at ang mga pinaggagawa ni Aling Lily sa mga anak nya.

Nakapalibot kami ngayon sa kama ni Donna. Lahat nagpapakiramdaman, punong puno kami sa malaking private room ni Donna. Ni isa sa amin ay walang nag iingay. Taging nagdadasal na sa araw na ito ay magising na si Donna at masilayan ang mukha ng anak namin.

Ngayon araw naka schedule ang caesarian operation ni Donna. Ilang oras na lang ang hinihintay namin at dadalhin nya sya sa operating room.

Parang reunion ang dating ng pagbakasyon nila dito. Malungkot kami na masaya. Malungkot dahil hindi namin alam ang mangyayari kay Donna sa panganganak nya at masaya dahil may anghel na darating sa pamilya namin.

Panay halik ni Daddy sa noo ni Donna habang mahigpit kong hinahawakan ang kamay nya. Pareho kami ni Daddy ng nararamdaman, namumula ang mga mata at pigil ang pagtulo ng luha.

"Mom! Look Ate Donna's tummy! The baby is wiggling!" basag ng anak ni Ate Liza sa katahimikan namin.

Nakita kong naglilikot ang baby namin sa tyan ni Donna.

Di ko na mapigilan ang luha ko at pumatak ito sa mga kamay ni Donna. Lumapit ako sa tyan nya at hinalikan ang baby namin.

"Baby, wake up mo na si mommy. Tell her that you want to see the world." bulong ko sa tyan ni Donna sabay himas.

"Ahhhhh......!" biglang sigaw ni Donna. "

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now