Chapter 9

539 3 0
                                    

Donna's Pov

Pagkatapos ng ginawa ko kay Jeff ay nakatulog sya kaagad. Salamat naman at makapagpahinga din ako.

Muntik lang ako madala kanina. Lord, salamat at hindi mo ako pinabayaan. Ayoko ko na makasama uli ang Jeff na ito, baka darating ang araw at bibigay ako sa kanya. Sobra nya akong tinutukso.

Alam kong hindi lang sarap ang nararamdamdam ko pero itong pakiramdam na bibigay na ako dahil feel ko mahal ko sya ay mahirap pigilan.

Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito.

Eto ba ang sinasabi nilang inlove?

Mahirap pala pigilan, kailangan madalas gamitin ang utak at wag pairalin ang puso dahil pagnagkataon, ako ang lalabas na talo.

Nilingon ko sya habang sarap na sarap sa pagtulog. Ang gwapo nya, bumagay sa bilogan nyang mukha ang makapal nyang kilay, masculine na masculine ang dating, ang matangos nyang ilong, ang mapupula nyang labi at ang medyo singkit nyang mata na kahit nakapikit ay mahalata mong tsinito ito. Malaman ang katawan,maganda ang pagkaporma ng abs at ang kinis ang maputi nyang balat. Napangiti ako ng lihim ng napansin ko na tinititigan ko na pala sya.

Kung tutuusin wala naman akong pakialam itsura at katawan ng mga naging customers ko eh. Basta para sa akin trabaho lang ang lahat pero dito kay Mr. Agoncillio ay binago nya ang pagtingin ko pati ang natutulog kong puso ay ginising nya.

Talaga bang mahuhulog na ako sa kanya kahit na ngayon lang kami nagkakilala?

Pero para sa akin ay hindi uubra ang kagwapuhan nya kung sya lang ang makakuha ng virginity ko, ito na lang ang natitira sa akin, ito lang ang tanging maipagmalaki ko. Kailangan kong mag ingat. May kakaiba na akong naramdaman para sa kanya tuwing hinahalikan nya ako. Bago, bago ito para sa akin.

Tumabi ako sa kanya at natulog na rin.

Nagising ako ng may humalik sa pisngi ko.

"Wake up, sleepy head".masayang boses ni Jeff.

"Ano oras na?" inaantok ko pang boses.

"Past nine. Wake-up na. Hindi pa tayo nag dinner." pangungulit ni Jeff.

Wala akong nagawa. Bumangon ako at dumiretso na sa bathroon para magshower.

"Sa labas tayo kakain para makapag lakad-lakad din tayo." sigaw ni Jeff habang hinihintay akong matapos maligo.

"Ok!" sabi ko.

Paglabas ko ng bathroom ay nagulat na lang ako ng bigla uli akong yakapin ni Jeff.

"Akala ko ba kakain tayo sa labas?" pagrereklamo ko.

"Ang bango-bango mo kasi. Ayan oh, nagagalit na naman sya!" nguso ni Jeff sa harapan nya.

"Shower lang ang katapat nyan. Sige na. Ikaw din, baka wala na tayong maabutan na dinner."

Kumalas sa pagkayakap si Jeff sa akin pero umasta syang parang bata.

"Palusot ka ha... hahaha" pang aasar nya.

"Uy! di ah, maligo ka na nga. Nagugutom na din ako eh". hinalikan na muna ako ni Jeff sa noo bago sya pumasok ng bathroom.

Ayan na naman sya. Nakakainis lang eh. Ano ba talaga ang gusto nyang palabasin. Sa noo na naman sya humalik. Bakit kaya hindi na lang sa lips o sa pisngi. Ano kaya ibig sabihin ng halik na yan?

Mabilis na natapos magshower si Jeff. Nakabihis na din ako paglabas nya.

Napatingin ako sa basa pa nyang katawan. He's so hot. Bigla naman syang napatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin, alam kong namumula ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init nito.

Napahiya tuloy ako. Itong pag iisip ko hindi na maayos. Kung ano anu na ang pinag iisip kay Jeff.

-----*****-----

JEFF POV

Ang galing ni Donna sa kama. Sanay na sanay na syang magbigay ng ligaya sa mga lalaki. She made me so much satisfactions. Pero papanu nya nasikmura ang lahat ng ito. Ilan na kaya kaming lalaki na pinaligaya na nya? Masaya kaya sya sa ginagawa nya?

Nakatulog ako na maraming tanong sa isip ko. Nagising ako dahil naramdaman ko na ang gutom. Sinilip ko ang wrist watch ko na nakapatong sa side table, past nine na pala.

Tiningnan ko si Donna. Napaka peaceful ng mukha nya, parang walang dinadalang sama ng loob, pero naramdaman ko deep inside her heart, di nya gusto itong ginagawa nya. Napakabait nyang anak, hanggang saan kaya nya susundin ang kagustuhan ng ina nya. Mas lalong lumalim ang awa na naramdaman ko para sa kanya. Hinalikan ko ang makinis nyang mukha at lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko.

Nagising sya sa halik ko. Napangiti ako. Feeling Prince Charming lang ang dating... Kahit bagong gising sya ay napaka sexy ng boses nya. Niyaya ko syang mag dinner sa labas para magkaroon din ako ng oras na makilala sya.

Dali-dali syang pumasok ng C.R. narinig ko ang lagaslas ng shower. Naamoy ko din ang ginagamit nyang shower gel. Paglabas na paglabas nya ay niyakap ko sya. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya, para syang isang droga na nakakaadik. Ang amoy nyang kaakit-akit at ang basa nyang katawan na lalong nagpapatingkad ng kagandahan nya.

Nagreklamo na sya na nagugutom na din kaya pinakawalan ko sya sa yakap ko. Hinalikan ko sya sa noo bago ako nag shower. Nagulat ako sa ginawa ko. Bakit ganun? Parang napa special ni Donna sa buhay ko?

Binilisan ko na lang ang pag shower ko kasi baka malipasan sya ng gutom. Isa pa late na baka wala na kaming maabutan na pagkain sa labas.

Paglabas ko ay nakabihis na si Donna. Nahuli ko syang nakatitig sa akin. Bigla nyang binawi ang tingin nya at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nya. She's so cute. Lihim akong napangiti sa ginawa nya. I'm starting to love this girl in this very short period of time.

Nakahabol kami ng last order for dinner. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad na kami sa tabing dagat.

"Donna, magkwento ka naman. Napakatahimik mo kasi." basag ko sa katahimikan nya.

"Ano naman ang ikwento ko?"

"Ang buhay mo..." sabi ko habang tinatanggal ko ang tsinilas ko dahil sa nakapulupot na buhangin sa paa ko. Napatigil si Donna at tiningnan nya ako.

"Bakit pa, hindi naman masaya ang buhay ko. Isa pa bakit ako magkwento syo, close ba tayo? " nakita ko ang lungkot sa mga mata nya kahit na hiluan nya ng biro ang kanyang pagsagot.

Yumuko ako at tinanggal din ang mga tsinelas sa paa nya.

"Hindi lang close ang mangyari sa atin pag makilala kita ng husto. Malay mo, liligawan pa kita!" sabi ko at umupo na sa buhangin. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila din sya para umupo sa tabi ko.

"Wag na. Nakakahiya ang buhay ko tsaka natatakot ako magpaligaw. Baka paiiyakin mo lang ako at susbatan sa uri ng trabaho ko". sabay nya upo sa tabi ko.

Pinabaluktot nya ang kanyang tuhod at yakap yakap ito.

Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Tanging hampas ng alon lang ang naririnig ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hinayaan ko muna sya sa kanyang pananahimik.

Hinilig ni Donna ang ulo nya sa balikat ko. Hanggang sa naramdaman ko na may tumutulong luha sa balikat ko.

Just Call me DonnaWhere stories live. Discover now