XXIV

15 2 0
                                    

"Levi?" Sabay na banggit ni Mama at Tita Carmella nang makita nila kaming papasok sa gate ng bahay.

Para bang di sila makapaniwala na magkasama kami.

Miya't-miya ang tinginan ng dalawa kong ina at hindi ata nila maisip ang sasabihin.

"Ma, si Levi po. Boyfriend ko." pormal na pagpapakilala ko kay Levi.

Ito namang lalaking 'to ay nakipagkamay pa kay Mama at Tita na parang di sila magkakakilala.

Nabalot ng tawanan ang bahay dahil sa ginawa ni Levi, pinagmasdan ko lang silang tatlo na magkwentuhan.

Mukhang namiss din nila ang isa't-isa.

"Mr. Adler, How's your Mom?"

Napatigil naman kami sa mga kinauupuan namin nang biglang nagsalita si Dad.

Nilingon ko siya at lalo lang akong kinabahan.

"Mr. Corpuz, Good evening po. Mom's doing great naman po." magalang na bati ni Levi kay Dad.

Bakit parang di kinakabahan 'tong si Levi? Anong pampakalma ang ininom neto? Ha?!

Samantalang ako halos mamatay na sa kaba dito tas siya may pa-good evening pa?!

"That's good to hear." tumatango tangong sabi ni Dad.

"So siya ba ang sinasabi mong ipapakilala mong boyfriend sa akin?" baling sa akin ni Dad.

Medyo napatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla tumingin sa akin si Dad. Parang natuyuan ata ako ng laway sa lalamunan, hindi ako makapagsalita!

"O-opo." Tipid kong sagot.

Umupo si Dad sa sofa sabay humalukipkip habang naglilipat ang tingin sa aming dalawa ni Levi.

Nilingon ko si Levi na nakatayo at nagtama ang tingin namin na puno ng pagtataka at kaba.

"Bakit namumutla kayo?" natatawang dabi ni Dad na ikinagulat ko naman.

"H-huh?" sabay na sabi namin ni Levi.

"Ano ba kayo, kalimutan niyo na yung nangyari dati. Ako talaga ang naging problema dito kaya kalimutan na natin ang lahat ha? Pasensya na kayong dalawa." nakangiting sambit ni Dad.

Nilingon ko si Mama na nginitian lang ako habang tumatango.

"Ano ba kayong dalawa, past is past na no! Mag-ayos na kayong dalawa!" kinikilig na sabi ni Tita Carmella habang hinahampas ng marahan ang balikat ni Mama.

"S-so, okay lang sainyo Dad?" nauutal utal ko ang tanong.

"Ano ka ba, Cali. Matanda ka na, alam mo na ang ginagawa mo. Kahit hadlangan ko kayo, kung kayo talaga ng nakatadhana, wala akong magagawa."

Lumapit ako kay Dad at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you.."

"Wag kang mag-thank you sa akin. Ako dapat ang nagpapasalamat sayo dahil naging mabuting anak ka sa akin." pagaalo saakin ni Dad dahil nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Pakiramdam ko nakalaya ako. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Tapos na. Tapos na ang mga pinoproblema ko. Bumalik na ang lahat sa dati.

- - - - -

"Cali? Cali! Calista! Huy!"

"Aray! Punyet-- Ano?!" singhal ko kay Cass dahil binato niya ako ng libro.

"Hello?! Kanina pa ako dito, hindi mo ako pinapansin, may paapirmahan ko sayo! Sino ba yang ka-text mo ha?!" inis na sigaw ni Cass sa akin.

Minsan talaga ang sarap ibato nitong si Cassius, kahit kailan talaga kumukulo ang dugo ko sa lalaking to.

"Ano ba yan, akin na nga!" ibinaba ko ang phone sa lamesa at kinuha ang ballpen ko.

Ipinatong niya ang folder sa lamesa ko sabay upo sa sofa.

"Huh? Renovation? Address namin 'to ah? Binenta pala 'to ni Mama?" nagtataka kong nilingon si Cass.

"Hm.. Actually di talaga yan binenta, kinulit lang talaga ng buyer si Tita para mabili yan." sagot ni Cass na busy sa phone niya.

Aba, may pangiti ngiti pa ang loko. Sino naman kaya ang katext nito?

"Sige, si Jervin na lang i-assign mong engineer diyan, oki?" sabi ko naman habang pinipirmahan ang contract.

"May request pala yung client, ikaw daw ang gusto niyang engineer. VIP yon kaya pagbigyan mo na."

"Huh? Sino ba 'yan?" kunot noo kong tanong.

Napatawa naman si Cass sa reaksyon ko.

"Basta, magkita na lang kayo sa site bukas. Para magka-usap kayo."

Ginulo ni Cass ang buhok ko sabay kinuha ang folder sa lamesa ko.

"Aba teka! Di pa ko napayag hoy!"

Syempre di niya ako pinansin at dumiretso na palabas sa office. Bwiset talaga kahit kailan.

Hinablot ko ulit ang phone ko para i-message si Levi.

To: Lev

Hindi pala ako pwede bukas, work :<

Hindi naman nagtagal ay nagreply din agad siya.

From: Lev

Ako din pala, may pinagawa si Dan sa akin :<

Napatawa naman ako sa reply niya dahil ginaya niya yun emoji na ginamit ko.

Bakit kasi ang cute niya?! Bwiset!

From: Lev

Dinner na lang tayo 'miya? :>

To: Levi

Oki :>

Bakit para kaming mga bata kung mag-usap? Kainis pero ang cute talaga e.

Nung uwian ay nagkita kami sa may lobby para sana sabay na kaming magpunta sa restau, pero itong sina Jervin, Cass, at Dan ay gusto ding sumama.

Hay nako!

Hindi na 'to date kung may kasama kami diba?!

Iniwan ko na ang kotse ko sa company at nakisabay na lang kay Levi papunta doon. Nakisabay na rin sa amin si Jervin.

Si Dan naman ay nakisabay na lang kay Cass dahil wala daw kasama sa sasakyan.

"Aba, di ko nabalitaang okay na kayo ah? Isang buwan na? Ano 'to? Kaibigan niyo pa ba ako?" nagtatampong sabi ni Jervin na nasa backseat.

"Masyado ka kasing busy humarot kaya wala kang alam sa nangyayari. Balita ko nga araw araw ka sa Rizal, wala naman tayong project don!" pangaasar ko sakanya.

"Excuse me! Nagtatrabaho ako 'no! May sinusuyo ako na kliyente sa Rizal!" pangangatwiran niya.

"Ah Rizal. Love, alam mo bang kakalipat lang nila Ashley sa Rizal?" singit naman ni Levi sa usapan.

Lalo na lang akong napatawa dahil sa reaksyon ni Jervin, para bang pinagkakaisahan namin siya.

"Maling mali talaga na dito ako sumabay, dapat talaga kay Cass na lang ako nakisabay. Bwiset kayo. Hmp!

Agad din naman kaming nakarating sa restau kung saan nagpareserve si Levi, kumain lang kami at nagsi-uwian na din. Pagod din kasi kami dahil madaming kliyente ngayon ang kumpanya.

Sabay sabay na kaming umuwi nila Dan at Levi dahil sa iisang subdivision lang naman kami nakatira.

Si Jervin naman ay naglakad na lang pauwi dahil malapit lang doon ang bahay ng parents niya.

Si Cass? Ewan ko, may pupuntahan pa ata. Nagmamadali nga e, mukhang emergency.

Masaya ako dahil bumalik na sa dati ang lahat. Sana ay hindi na ulit magbago 'to kasi kuntento na ako.

Irenic Victory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon