XII

23 2 0
                                    

"Sabi ko na kasi dapat i-straight na lang!" maktol ni Tita Carmella

"Ano ba Carmella! Asset ni Cali yan 'no, natural wavy hair." pakikipagtalo ni Mama.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil pinagdidiskitahan nilang dalawa ang buhok ko.

Saturday na ngayon at malapit na akong sunduin ni Levi pero si Mama at Tita Carmella ay nagtatalo pa din kung anong gagawin nilang ayos sa buhok ko.

"Ma, Tita. Okay lang naman siguro na di ako masyadong mag ayos. Hindi naman ako kasali sa mismong wedding. Audience lang ako don. Walang papansin sa akin."

Pareho silang napalingon sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Sinong may sabing inaayusan ka namin para mapansin ka ng iba?" mataray na tanong ni Mama.

"Oo nga? Para kay Levi ang ginagawa namin 'no. Graduating ka na wala ka pa ding nagiging boyfriend kahit isa." sermon naman ni Tita Carmella.

Napa irap na lang ako dahil sa mga sinabi nila.

"Basta anak. Use protection kapag ano ha." nagtataas baba pa yung kilay ni Tita Carmella.

Napatakip agad ako ng tenga dahil don.

"Oh my god, Tita!" reklamo ko.

"Sus! Di ka na bata Cali. Wag kang painosente diyan." natatawang sabi ni Mama.

"Magkabukod kami ng room! Pano niyo naisip yang ganiyan!" maktol ko.

Oo, mag stay kasi kami ng overnight sa hotel dahil may after party pa ang reception at paniguradong gagabihin ang tapos non.

Kaya napagdesisyunan namin, actually nila Mama, Tita Carmella, at Levi, na mag stay na lang don ng gabi tas sa umaga na umuwi.

Syempre di na ako nakapalag don, full force sila eh. Halos ipagkanulo na nga nila akong dalawa kay Levi.

Napalingon naman ako sa bintana nung narinig kong may dumating na sasakyan. Si Levi na siguro yon.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Simpleng peach dress na short sleeve lang ang suot ko dahil iyon ang theme ng kasal, partnered with 3-inched nude heels.

May kaunting make up to define my features, at natural wavy hair.

Hindi naman siguro ako magmumukhang basura kapag katabi ko si Levi ano?

Oo na, maganda din naman ako. Pero hindi ako head turner. I think?

Madaming nagsasabi na maganda ako pero ayokong tanggapin ng buo dahil puro imperfections talaga ang nakikita ko sa sarili ko.

Niyakap ko sina Mama at Tita Carmella para magpaalam bago kinuha ang maliit kong backpack na naglalaman ng damit at gamit ko.

Lumabas ako ng bahay at nakitang andun na nga ang kotse ni Levi.

Lumapit ako dun at kinatok ang bintana sa side niya.

Ibinaba niya ang bintana at tinignan ako. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Ampangit ko ba?" tiningnan ko pa ang damit ko.

"Huh?" wala sa sarili niyang sagot.

Tiningnan ko siya at napakunot ang noo ko. Nagaadik ba 'to?

"Okay ka lang? Ang pula mo. May sakit ka ba?"

Hinawakan ko pa ang noo niya para tingnan kung mainit ba siya pero hindi naman.

"Hindi ka naman mainit. Tara na nga baka malate pa tayo." nakanguso kong sabi tsaka umikot sa kabila para sumakay sa shotgun seat.

Rinig ko ang buntong hininga niya bago nagsimulang mag drive.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now