XI

16 2 0
                                    

Pagka park namin sa school dali dali kaming nanakbo paakyat sa room kung saan kami mag eexam.

Di naman kasi namin inasahan na matatraffic kami, imagine 2 hours yung naging byahe namin na dapat 30 minutes lang.

Buti na lang at pagkadating namin sa tapat ng room ay nakita kong wala pa ang prof namin, nagchat pala siya sa gc na malelate siya ng 30 mins dahil natraffic din.

Nung nilingon ko si Levi, tagaktak siya ng pawis. Infairness di mukhang dugyot ha.

"Wala kang panyo?" tanong ko sakanya habang naglalakad papunta sa upuan ko.

"I left it in the car."

Napailing na lang ako at tumigil sa tapat ng upuan niya. Kinuha ko ang maliit na box ng tissue sa bag ko at inabot sa kanya bago ako naglakad papunta sa upuan ko at naupo.

Nakita ko naman ang makahulugang tingin ni Cass at Jervin sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Anong problema niyo?" mataray kong bungad sakanila

"Ano 'yon ha? Kayo na 'no?" seryosong tanong ni Jervin sa akin.

"Aba, kahit pinsan ko 'yon da't dumadaan pa din muna sa amin ni Jervin 'yon ah." nagaamok na singit naman ni Cass

Napakamot na lang ako sa batok ko at di na lang pinansin ang mga pinagsasasabi nila.

Di rin nagtagal ay dumating na ang prof namin at ipinamigay na din niya agad ang mga test papers.

Sandali ko lang yong sinagutan dahil 'yong lesson na pinaka inaral ko ang lumabas sa exam kaya medyo nadalian ako.

Naunang nagpasa si Cass at lumabas din agad ng room, miya miya lang ay nakita kong nagpasa na din si Levi at dali dali ding lumabas. Mukhang may hinahabol. San naman kaya ang lakad ng mga 'yon?

Nung natapos naman na ako magsagot ay tumayo na din ako at nagpasa na, sinenyasan ko muna si Jervin na iintayin ko siya sa labas bago ako lumabas ng room.

Di naman ako ganun katagal na nag intay bago lumabas si Jervin. Di ko rin kasi napansin ang oras dahil busy ako sa paglalaro ng ML sa phone ko.

"San tayo kakain?" tanong niya pagkalabas niya ng room.

"San mo ba gusto? Sa main canteen o sa may satellite?" sagot ko habang busy pa din sa paglalaro.

"Sa puso mo yiiieeee!" pabalang niyang sagot tsaka tinusok ang tagiliran ko.

Muntik ko pang mabitawan ang phone ko dahil nakiliti ako sa ginawa niya.

"Kingina mo talaga!" singhal ko sakanya habang tinatago ang phone ko sa bulsa.

"Sa may main na lang andun panigurado sina Kyle."

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon sakanya.

Paniguradong pagkakaisahan nanaman ako don ng mga team mates niya. Trip na trip pa naman nila akong asarin.

"Si Cass ba? Hindi nasagot sa text at chat ko e." tanong ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.

"Nagsabi 'yon kaninang umaga na may pupuntahan daw siya pagkatapos ng exam. Babalik din 'yon after lunch." paliwanag naman ni Jervin.

Nung nakarating na kami sa canteen ay mabilis din naming nahanap ang table ng mga team mates niya.

Agaw pansin kasi sila dahil tatlong table ang sakop nila. Pinagtabi tabi nila yon para maging isang malaking table. Nakakadagdag pansin pa na sobrang ingay at gulo nila.

"Uy si madam nandito!" kantyaw ni Kyle nung tumabi ako sakanya.

Napunta tuloy sa akin ang atensyon nila.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now