XXII

11 2 0
                                    

"Good morning, Ma'am Cali!" masiglang bati sa akin ni Mang Rody pagdating ko sa CGC.

"Aba, ang sigla natin ngayon Mang Rody ha? Palibhasa walang pasok bukas, magdedate kayo ni misis no?" natatawa kong tanong sakanya.

"Opo. Birthday po kasi ni misis kaya baka magpunta kami sa mall kasama ang mga bata" masaya niyang kwento.

"Hala sanaol Manong may ka-date ano." nakanguso kong sabi habang nakahalukipkip.

"Ghoster ka kasi, kaya tatanda kang dalaga." singit naman si Cassius na mukhang kakadating lang.

Tinaasan ko siya ng kilay. Wow, goodmorning Cass ha?

"Ewan ko sayo Finley. Ay Mang Rody daan ka sa office ni Dan mamaya bago ka umuwi may ibibigay ako sayo ha?" nakangiti kong sabi kay Mang Rody bago nagpaalam na aakyat na.

"Hindi pa ba ayos ang office mo?" tanong ng nakasunod na si Cassius.

"Ayos na." bored kong sagot

Taka niya akong tiningnan.

"Oh. E bat sa office ka ni Dan nag i-stay?" kunot noo niyang tanong.

"Ba't ka ba nangingielam? Sapakin kita e." aamba na sana ako ng suntok sakanya kaso ay bigla namang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na kami sa floor na bababaan ni Cass.

"Masungit ka pa din talaga" natatawang umiling na lang siya at lumabas na ng elevator kaya naiwan na akong magisa.

Sa pinakataas na floor pa ako bababa kaya naman marami ding bumati sa akin na mga empleyado na sumakay at bumaba din naman.

Tumigil muli ang elevator sa floor bago ang bababaan ko, marami naman kaming mga mababait na empleyado kaya naman ang ganda ganda ng araw ko. Dapat ganyan, hindi katulad nung ugali ni Engr. Garcia. Naku, masasabunutan ko talaga yon.

"Una na po ako, Ma'am Cali." nakangiting paalam ng secretary ni Jervin na si Steff, nakilala ko siya nung isang araw na nagkakwentuhan kami dun sa office niya.

"Good morning Engineer!" rinig kong bati ni Steff nung nakalabas na siya ng elevator.

Napaka jolly ng babaeng yon. Masarap siyang kasama.

Pinagmasdan kong sumara ng pinto ng elevator nang bigla namang may sumingit na kamay doon.

"Hala, jeez! Are you okay?" nagaalala kong tanong habang sinisilip sa labas ng elevator ang may ari ng kamay na yon.

Muntikan pa akong matumba nung nakita ko kung sino yon. Si Levi!

"I'm fine." diretdiretso siyang pumasok kaya napa isod na lang ako sa gilid.

Hindi ko alam kung anong irereact ko kaya nanahimik na lang ako sa gilid at tahimik na napadasal ng hail mary para naman kumalma ako.

Nauna siyang lumabas sa elevator nung bumukas ang pinto, sumunod na din ako sa paglabas pero magkaiba kami ng way.

Nakita ko siyang kumatok at pumasok sa office ni Engr. Lopez bago ako nakarating sa office ni Dan.

Buong umaga ata akong nagbasa ng mga proposals sa office ni Dan kaya naman di ko namalayan na hapon na at nakalimutan ko nang mag lunch.

Ala una na siguro nung nakaramdam ako ng gutom. Wala kasi si Dan dahil nagpunta siya sa isang site sa Bulacan kaninang 9 at hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

At dahil ayokong kumain mag isa ay napagdesisyunan ko na puntahan si Jervin para ayain na kumain, wala kasi si Cass dahil kasama siya ni Dan sa site.

"JV! Tara Mcdo, libre ko! Di pa ako nakain ng lunch--." bungad ko pagkabukas ko sa pinto ng office niya.

Di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nandoon si Levi na nakaupo sa couch at nagbabasa ng kung ano mang papeles na nasa center table.

Irenic Victory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon