II

38 3 0
                                    

"Stop asking me about him! Don't tell me that he's your crush already. That's bullshit!" inis na sigaw ni Cass sakin, kanina ko pa kasi siya tinatanong about dun sa transferee.

Napag alaman kong magkakilala nga daw sila pero hindi sila friends nito. Company matters daw kaya ganon pero di naman niya ipinaliwanag nang maigi.

"Hmmm.. Someone's jealous.." sambit naman ni Jervin habang kumakain ng sisig rice na favorite niya.

Nakita ko namang sinamaan ng tingin ni Cass si Jervin kaya napatawa ako ng malakas.

"Ba't ka nga pala nandito? May training ka ah?" tanong ko kay Jervin sabay lingon sa field at nakitang may nagtetraining doon.

Andito kasi kami ngayon sa mga hut malapit sa gym and tanaw dito ang field. Dito kami laging nakatambay kapag walang klase. Mahangin kasi tsaka malayo sa mga classroom, stress free ba.

"Wag kang magulo, ang init kaya! Mangingitim ako!" reklamo naman ni Jervin

"As if naman sobrang puti mo 'no!" pangaasar naman ni Cass kay Jervin

"Pakyu kayong dalawa." masungit na sabi ni Jervin sabay baba ng pagkain niya sa table at itinaas ang dalawang kamay niya na nakapakyu.

Tumayo naman ako at nagkunwaring tumingin sa likuran ni Jervin at nag bow. "Good afternoon po, Father."

Nakita ko namang nataranta si Jervin at tumayo para sana mag bow din kay Father pero wala naman talagang tao sa likod niya. Uto-uto! Hahahaha

Umihit na lang kaming dalawa ni Cass kay Jervin dahil wala na siyang nagawa kundi ang humalukipkip sa upuan niya dahil sa sobrang asar.

Matapos kaming kumain ay nagkanya kanya na kaming punta sa mga klase namin. Magkakaiba kasi kami ng klase ngayon, sa C building ako, samantalang si Jervin ay sa L building at si Cass naman ay sa P building.

In short, walang forever kasi maghihiwahiwalay din kayo! Charot!

Natapos ang klase ko bandang 8pm at napagdesisyunang kumain muna sa Domino's sa kanto bago umuwi. Kinuha ko ang phone at nagchat sa GC naming tatlo.

Me: Yo fuckers. Where u at?

Nakita ko namang biglang typing ang dalawa.

Jervin: At home, y?

Me: Aw, sayang libre ko sana kayo pizza :(

Cass: Still at school, may classes pa ako until 8:30. Wait for me there.

Sus! Eto talagang si Cass, ambilis kapag libre! Akala mo naman di siya mayaman!

Itinago ko ang phone ko sa bulsa at nagsimula nang maglakad palabas ng campus. Mahirap na baka masnatchan pa ako ano! Delikado pa naman dito lalo na dun sa street ng Dapdap marami daw kasing adik don.

Nung palagpas na ako sa street ng Dapdap dali dali akong naglakad kasi medyo madilim na din at nakakatakot talaga.

Mananakbo na sana ako nung nakita kong may grupo ng mga kalalakihan na nagkukumpulan dun kaso napatigil ako nang makita kung sino ang pinagtitripan nila.

Si Levi! Hala shet? Anong ginagawa niya don?

Hindi ko alam ang gagawin ko! Nagtama ang tingin namin at imbis na takot ang makita ko sa mukha niya, eh nakangisi ito! May dugo na sa gilid ng labi at kilay niya.

Dapat gumawa ako ng paraan. Tangina Calista, isip! Pag pumalpak ka, dedo ka din kagaya ni Levi. Baka may dala pang patalim 'tong mga 'to.

Nilingon ko si Levi at nakitang pinagsisisipa nanaman ito nung mga lalaki. Punyeta! Ayaw gumana ng utak ko!

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now