XIV

20 2 0
                                    

"Never have I ever reached 2nd base with someone I didn't know the name!" sigaw ng lasing na si Jervin sabay tinuro si Cass.

"Luh, walang thrill." mayabang na sabi ni Cass sabay binaba ang isang daliri niya kaya napatawa na lang ako ng malakas.

Pagkarating namin kanina dito sa villa ay nagbaba lang kami ng gamit tsaka dumiretso sa dagat para magpicture.

Di ako nagkamali sa hinala ko kaninang umaga. Hindi pa man ako nakakapose ay itinulak ako ni Dan sa tubig dahilan para mamura ko siya ng pagkalutong.

Pagkatapos naming maligo sa dagat ay nakatulog din agad kami pagkabalik sa villa.

At ngayong nag gabi na ay napagdesisyunan nila Jervin na mag inom dahil wala daw ganap ngayong gabi dito. Bukas pa daw yung beach party kuno dahil sabado.

At eto na nga sila, naglalaro ng never have I ever kaya napasali tuloy ako.

"Oh bakit ako lang nagbaba?!" reklamo ni Cass sabay tingin ng masama sa katabi kong si Levi.

Napalingon kami sakanya kaya napa irap siya bago ibinaba ang isang daliri niya.

Tinaasan ko siya ng kilay pero di niya ako pinansin imbes ay inubos ang alak sa baso niya.

"Oh ako na, ako na. Never have I ever kissed someone because of a dare." masiglang sabi naman Dan.

Rinig kong nagtawanan ang damuhong si Dan at Jervin nung nakatinginan kaming dalawa ni Cass.

Alam kong pinagdidiskitahan nila si Cass pero bat damay ako?!

Lalong lumakas ang tawanan ng dalawa nung sabay kaming nagbaba ng daliri ni Cass.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Levi kaya napangiti na lang ako sakanya.

"Luh tangina niyo, nakakahalata na ako sainyo ah! Ayoko na nga!" padabog na ibinaba ni Cass ang baso niya sa lamesa kaya lalo lang lumakas ang tawa nila Dan.

At dahil nagkaayawan na sila ay inubos ko na lang ang laman ng baso ko bago nagpaalam para maglakad lakad sa labas.

Magpapahangin muna siguro ako.

Deserve ko din naman mag relax diba? Sobrang dami na din kasi naming ginagawa sa school.

Di ko din alam kung bakit nga ba ako nag engineering. Di ko naman 'yon gusto.

Well, wala naman talaga akong gusto in the first place.

"What's wrong?"

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Levi sa likod ko.

I looked at him at tinaasan ng kilay.

"What's with that dare thing? Mind to explain?" seryoso niyang tanong habang lumilingon sa paligid na para bang iniiwasan niya ang tingin ko.

I crossed my arms nung hinarap ko siya.

"What's with the 2nd base? Mind to explain?" I mimicked him.

I can't imagine him making out! Hindi ganun ang personality niya.

Well he kinda look rough and scary pero I can't imagine him being wild like that.

I just can't!

He chuckled while putting his hands on his pockets.

Diretso siyang tumingin sa mata ko.

"It's exactly what you're thinking right now, I don't have to explain further more."

Napailing na lang ako at napatawa ng bahagya bago naglakad palayo.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now