VI

25 2 0
                                    

Pagkatapos ng nakakahiyang scene na nangyari doon sa office ni Sir Warren, ang tatay ni Levi, bigla namang dumating si Engr. Ortega na siyang mag tetrain daw samin together with Ma'am Akisha.

Kung tatanungin niyo kung anong naging reaksyon ni Levi sa tanong ng tatay niya, ay inis na tumanggi agad siya. Grabe nga makatanggi eh! Parang diring diri sa akin at ayaw niya ma-issue! Edi ikaw na pogi! Sabunutan kita eh!

"What's with the long face?"

Nilingon ko si Levi at sinamaan ng tingin. Inirapan ko na lang siya dahil sa inis ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng mga sukat na kinuha namin sa site. Bwisit! Alam kong pangit ako pero grabe naman kasi yung reaksyon niya kanina!

Narinig ko napatawa siya ng mahina kaya gulat ko siyang tiningnan at nakita kong natatawa tawa siya habang nagsusulat.

Tangina. Nababaliw na ba ako o talagang natawa siya ngayon sa harap ko?

Omg. Levi marry me! Charot! Tangina ka Calista napaka landi mong gaga ka.

"Don't tell me na galit ka sakin because I told Dad na you're not my girlfriend? Why? You have crush on me?" natatawa tawa niya pang tanong. Aba'y tarantadong 'to.

Paano niya nalaman? CHAROT.

"Ay wow! Napaka confident!" pumalakpak pa ako para ipakita sakaniya ang pagkainis at pagkamangha ko.

Tumawa lang ulit siya ng mahina at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Kaya tinapos ko na lang din yung ginagawa ko at di na siya pinansin.

Nung nag alas sais na ng gabi ay ipinasa ko na kay Ma'am Akisha yung mga paperworks na ginawa ko kanina, kasama ko ding nag pasa si Levi na kanina pang 5pm pa ata tapos. Ewan ko ba sakanya kung ba't niya pa ako inintay.

"You're going home na right, Cali?" Tanong ni Ma'am Akisha pag ka abot ko nung mga papel ko kaya tumango na lang ako at ngumiti.

Nilingon niya naman si Levi nung siya na ang nag pasa.

"Lev, bring her home ah? It's dangerous outside."

Hala nako ayoko! Tsaka nag text na si Dan na nasa parking na daw siya.

"Nako Ma'am, hindi na po. Actually nasa parking na po yung sundo ko eh."

"Ay ganun? Sayang naman!" nagpacute pa siya habang naka cross arms at nilingon si Levi.

Nakita ko naman ang pag irap ni Levi sa ate niya. Aba! Walang galang!

Pagkatapos naming magpaalam ni Levi ay sabay na din kaming nagpunta sa parking.

Pagdating namin don ay nakita ko kaagad ang Ferrari ni Dan na nakapark katabi ang Hilux ni Levi. Agad ko siyang nginitian nung bumaba siya sa kotse.

Tumakbo siya papalapit sakin at akmang yayakapin sana niya ako nang biglang ihinarang ni Levi ang braso niya sa harap ko.

Nanlaki naman ang mata ko at gulat na nilingon ko siya. Hala? Anong problema nito?

Nilingon ko si Dan at nakitang nakakunot ang noo nito, halata ang pagkainis at pagtataka sa mukha niya.

"Who are you?" masungit na tanong ni Levi kay Dan.

Imbis na sumagot si Dan ay tiningnan niya ako at tinaasan ng isang kilay kaya muntik na akong matawa, buti na lang at napigilan ko.

Ano bang trip nitong si Levi, bodyguard kita koya?

Gusto ko sanang sumabat dun sa dalawa kaso natutuwa ako sa naaasar na mukha ng kapatid ko kaya hinayaan ko siyang gumawa ng paraan.

Dan snorted before looking at Levi. Halatang asar na asar ito. HAHAHAHAHA.

"Ako dapat nagtatanong niyan. Who are you?"

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now