XXIII

13 2 0
                                    

"Sho back to the story, ash I wash shaying.. " nakatayong kwento ni Cass sa amin.

Jusko, di pa din nagbabago ang lalaking 'to.

"Can you shut up? Mukha kang tanga, sasapakin kita e." inis na sigaw ni Jervin bago hilahin si Cass paupo sa tabi niya.

"He's drunk, hayaan mo na.." mahinahon kong sabi.

"Sabagay, ngayon na lang din yan nag-inom. Simula kasi nung umalis si Alex-- hmp!" inis na nilingon ni Jervin si Cass nang takpan nito ang bibig niya.

Affected pa rin pala talaga si Cass, akala ko okay na siya.

"Wag mo na banggitin." malungkot na sabi nito.

Aba? Nahulasan bigla? Magic?

"Iba talaga tama mo don ano? Nawala agad pagkalasing mo e."natatawang sabi ni Jervin

"Tama? Kanino?"

Sabay sabay naman kaming napalingon kay Levi na kakarating lang galing sa CR.

"Asan si Dan? Tara na?" tanong ko dahil balak na naming umuwi, kung di lang talaga nagsuka itong si Dan.

Sinamahan kasi siya ni Levi sa banyo para alalayan pero bakit hindi na sila magkasama ngayon?

Nauna nang umalis sina Jervin dahil lasing na lasing na si Cassius.

"Cali? Hala, ikaw ba yan?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako.

"Hoy Matthew! Ba't nandito ka?" masaya kong bati sakanya bago tumakbo para yakapin siya.

Ginulo naman niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Akala ko sa thursday pa dating mo? Ikaw lang ba mag-isa?"

"Napaaga e. Kasama ko si Joshua kaso nag-CR. Oh pare, grabe ka naman makatingin parang di mo ko pinsan ah?" natatawang sabi ni Matt sabay baling ng atensyon niya kay Levi.

"Matthew.." napalingon naman kami kay Josh na kakarating lang at may bitbit na lalaki sa likuran niya.

Teka si Dan 'yon ah? So, si Josh pala yung kausap niya. Ayos ah.

"Uy Joshua, anong nangyari diyan?" ngingiti ngiti kong tanong sakanya.

"Huh? Ewan ko, tara na sa kotse mo para maisakay ko na 'to." masungit na sagot ni Josh sa akin.

Sus. Pabebe.

"Ha? Ano? Wala akong dalang sasakyan e. Sa bahay mo muna si Dan sunduin ko na lang bukas." pacute kong sabi sakanya.

Dan kapatid, regalo ko na 'to sayo ha?

"Ha? Paano ka uuwi niyan? Iba ang way nila Cass at JV sainyo." nag-aalalang tanong ni Matt sa akin.

"Ha? A-ano?" natataranta akong lumingon sa paligid at nagtama ang mata namin ni Levi.

"Ihatid na lang kaya kita?" ani ni Matt na lalong nagpataranta sa akin.

"No need. I'll drive her home. Sa iisang subdivision lang kami nakatira" singit ni Levi sa usapan kaya napalingon ako sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay nung nagtama ang mga tingin namin.

"O-oo nga, Matt. Sabay na ako kay Levi."

Tumango naman si Matthew bilang sagot bago tinapik sa balikat si Levi at umalis na.

Ngingiti ngiti kong pinagmasdan sina Dan at Josh na papalabas ng Bar. Naku talaga!

"Let's go?" nakapamulsang sabi ni Levi.

"Ha? Sige, tara na.." naguguluhan kong sabi.

Nauna siyang lumabas kaya naman naglakad lang ako kasunod niya.

Papasok na sana ko sa sasakyan ko nang bigla namang isinara ni Levi ng pinto ng kotse kaya napaatras ako.

"Anong problema mo?" masungit ko siyang nilingon.

"Akala ko ba sasabay ka sakin?" masungit niya ding sagot.

"Baliw ka ba? Syempre joke lang 'yon para iuwi ni Joshua si Dan." paliwanag ko sakanya.

Hindi niya ako sinagot imbes ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako nang marahan papunta sa kotse niya.

"Hoy! Hala! Kidnapping 'to ha!" pagpupumiglas ko.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at sinenyasan akong pumasok na.

Hindi na ako nagreklamo at pumasok na lang din dahil ayoko nang makipagtalo, pagod din ako kaya bahala na.

Isinara niya ang pinto at umikot na sa kabila at sumakay na din sa driver seat.

Tumingin na lang ako sa labas at inintay na makaalis na kami pero ilang minuto na ay di pa rin siya nag i-start ng makina kaya nilingon ko siya.

Nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya napaiwas agad ako.

"Ano? Tara na." halos pabulong kong sabi sakanya.

Rinig ko ang buntong hininga niya kaya lalo ang akong di makatingin sakanya.

"Cali." tawag niya sa akin, punong puno ng katanungan ang boses niya kaya agad akong lumingon sa kanya.

"Di na ba natin pwedeng ayusin 'to? Nakakapagod na.." halos pabulong niyang tanong habang nakatanaw sa labas ng kotse.

"Hindi ko alam. Para kasing tutol ang tadhana sa atin. Alam mo 'yon, mahal kita pero may mga bagay talagang humahadlang." buntong hininga ko.

"Tungkol pa rin ba sa Dad mo 'to? Cali, everything's fine now. Okay na ang kumpanya namin, you don't need to worry about it anymore."

"Paano yung Mom mo? Ayaw niya sa akin. Di naman pwedeng ipilit ko yung sarili ko sakanya diba? Levi, hindi lang dapat yung nararamdaman natin yung dapat isipin! Dapat pati yung nasa paligid natin!" pangangatwiran ko sakanya.

"So you're gonna set aside your own happiness for others? Cali! Isipin mo naman 'yang sarili mo!" napahilot na siya sa sentido niya dahil sa asar.

Napabuntong hininga na lang ako bilang sagot.

Ano ba dapat?

Dapat bang ayusin ko pa 'to kung alam ko namang pwedeng may mangyari nanaman.

"Sige. Let's try one last time." sabi ko bago ko siya nilingon.

Sasagot pa sana siya kaso ay biglang nagring ang phone ko.

Sinenyasan ko siya na sasagutin ko lang yun saglit dahil baka importante.

Si Mama!

Dalidali kong sinagot 'yon dahil baka emergency.

"Hello ma? Bakit po? Gabi na ah?" nagaalala kong tanong.

["Cali, anak. Nagtext sa akin si Dan kanina na pauwi daw kayo sa Calamba. Kaso nung tunawag ako ngayon lang sa kanya, iba yung sumagot. Hindi ba kayo magkasama?"]

"Ha? Ano ma, sa kaibigan daw muna siya mag-stay ngayon e. Pero ako ma, uuwi ako diyan ngayon. Actually pauwi na talaga ako e."

Nilingon ko si Levi nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako.

"Uh Ma? Nandyan ba si Dad?" kinakabahan kong tanong.

"Oo 'nak, kakarating niya lang. Bakit?"

Nagbuntong hininga ako bago hinawakan pabalik ang kamay ni Levi.

"May ipapakilala po kasi ako, boyfriend ko."

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Levi sa kamay ko kaya nilingon ko siya at nginitian.

Dapat na sigurong ayusin ang lahat.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now