IV

27 2 0
                                    

Puno ng pagtataka ang utak ko pero sumunod pa din ako sakanya. San niya ba kasi ako dadalhin?

Lumingon lingon ako sa paligid para sana hanapin ang dalawang damuho na nang iwan sakin pero hindi ko sila makita!

"Uh.. Levi, teka!" sigaw ko sakanya pero parang di niya ata ako narinig dahil sa sobrang lakas ng sounds dito sa bar.

Napansin ko na naglalakad kami papunta sa exit. Pero bakit?

Kednep be 'te? Jusko, kung ganito ba naman kagwapo ang kikidnap sakin eh baka ako pa ang humila sakanya.

Napatigil naman ang imagination ko nang madaanan namin si Jervin sa isang couch malapit sa exit.

May kahalikan siya! Shit! Ang mga mata ko! Huhu!

Nagtama ang paningin namin kaya naman humiwalay siya saglit dun sa babaeng nakakandong sakanya.

Tiningnan niya ako nang may pagtataka at nakita kong nagsalita siya, binasa ko yung bibig niya kasi di talaga kami magkaintindihan dahil sa ingay.

"Anong nangyayari?" nag aalalang tanong niya.

Napakamot ako sa batok at itinuro si Levi na hawak hawak ang braso ko at hinihila ako palabas sa exit. Akala ko ay tutulungan ako ni Jervin pero ang walangya ay nginisian lang ako. Tarantado ka talaga Jervin!

Wala na din akong nagawa nung nakalabas kami sa bar at naglakad papunta sa parking.

Ang awkward naman! Ba't naman kasi dinala niya ko dito.

Antahimik, dapat magsalita ako para naman gumaan ang atmosphere.

Nilingon ko siya at nakita kong naupo siya sa likod ng kulay itim na Hilux. Wow! Kanino kaya 'to? Sa kanya? Ma-carnap nga.

"Where's your friends? Tell them to bring you home."

Ang ganda talaga ng boses niya, bakit ganon, Lord bakit huhu.

Pag 'to ngumiti aayain ko 'tong magpakasal talaga.

"Hey! You okay?" tanong niya habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.

Ay shet. Napatulala ba ako? Ampogi kasi! Rawr!

"Ha? Nako, mukhang di na nila ako mahahatid. Mga lasing na din kasi sila." nahihiya kong sagot sakanya.

Nakita ko naman siyang tumango, kaya natahimik na naman kami.

Ano ba yan! Uso dumaldal Levi!

"Tsaka baka tulog na rin ang mga tao sa bahay, mag intay na lang ako ng umaga bago umuwi."

Saglit naman akong napatigil nung tumingin ako sa phone ko para icheck ang oras.

Tangina, san ako maghihintay ng gantong oras? 3:40 pa lang?! Wala pang masasakyan ngayon!

Itatabi ko na sana ang phone ko sa bulsa nang bigla namang nagchat si Jervin sakin.

Jervin: Naks, Cali. Nasungkit si crush! Yiiiieeee!

Agad naman akong nagreply ng cactus na emoji sakanya. Sabi na nga ba at may kahulugan yung ngisi ng loko kanina. Siraulo talaga.

Inis na itinago ko ang phone sa aking bulsa at nilingon si Levi.

Agad naman siyang umiwas nung nagtama ang tingin namin.

Teka, kanina pa ba niya ako tinitignan? Halaaaa omg nakabusangot pa naman ako kanina gawa ni Jervin!

"A-ano. Hindi ko alam kung kilala mo 'ko. Pero classmates tayo sa ilang subject.." tumango lang ulit siya kaya pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin ko.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now