XVII

20 2 0
                                    

"Hala ka Levi, first time namin magkikita ng Mom mo. Hindi ko ata kaya." kinakabahan kong sabi bago ininom ang wine na hawak ko.

Kakatapos lang kasi ng party at eto kami ngayon sa may table namin kasama sina Cass at Jervin.

"Sa kapal ng mukha mo? Hindi mo kaya?" mapang asar na sabi ni Jervin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo you're not helping. Tawagin ko kaya ang atabs mo dito sa table ha?" singhal ko na nakapagpatawa sakanilang tatlo.

"C'mon Cali, mabait yon si Tita Alice. Go na." pagpipilit sa akin ni Cass with matching tapik pa sa balikat.

Eh kasi naman!

Pano kung ayaw sa akin ng nanay nitong si Levi? Diba?

"Tingnan mo 'tong si Dan. Parang mayor oh, tamang shake hands lang with the boards." natatawang sabi ni Cass habang pinapanood si Dan sa malayo.

Napatingin na din tuloy kami sa gawi niya at kita sa mukha niya ang pakikipagplastikan sa kausap niya.

Di naman kasi siya into business talaga pero since ayoko nga sa posisyon na yon, no choice siya.

Inannounce na din kasi kanina ang planong pagpalit niya kay Dad after graduation. So ayan, madaming nagpapalakas sakanya.

I feel sorry for him pero kasi ayoko talaga. He deserve that position compared to me.

Feeling ko din kasi mawawalan ako ng sarili kong buhay pag ako ang nasa sitwasyon niya. Atleast si Dan ay maraming kaibigan unlike me.

"Hey Cass, congrats!" masayang bati ng isang magandng babae na kakalapit lang sa table namin.

Nasa late 40's siguro siya pero kita pa rin ang ganda sa mukha niya. May kamukha nga siya eh, di ko alam kung model ba o artista.

Hindi pa man nakakasagot si Cass sakanya ay dirediretso na siyang naupo sa gitna ni Levi at Cassius.

"Po? Congrats saan Tita?" kinakabahang tanong ni Cass habang simple akong nililingon.

Teka kumalat na ba ang tungkol sa baby niya? Hindi pa niya nasasabi sa tatay niya ah? Yare na!

Nanahimik na lang ako sa upuan ko dahil ayokong makielam sa usapan nila.

Baka mimiya ako pa ang makapagbunyag ng sikreto netong si Cass.

"Huh? Your engagement? Duh?" hindi makapaniwalang sabi ng babae.

Sino ba 'to? Anong engagement ang sinasabi niya? Wala naman akong nababalitaan na engage na pala 'tong si Cass, nako paano na si-

"Mom, stop spreading fake news." singit ni Levi sa usapan.

Teka.

Eto ang nanay niya?!

Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil sa gulat.

Umayos ako ng upo dahil gusto kong maganda ang impression sa akin ng mama ni Levi.

Syempre no! Dapat thumbs up agad siya sa akin.

"I'm not spitting fake news here, Levi. I just talked with Mr. Corpuz and he told me that Cass and her daughter is getting engage na!" masayang sabi ni Tita Alice.

Ahhh. Teka, anak ni Mr. Corpuz? Si Dad? Huh? May kapatid pa ba akong bab-

"PO?!" sabay na sigaw namin ni Cass.

Kita sa mukha ng Mom ni Levi ang gukat sa pagsigaw namin ni Cass.

Teka hindi pwede!

May boyfriend ako! At ganoon din si Cassius!

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now