XV

19 2 0
                                    

"Hoy, gising na! Inom inom pa ha! Alas dos na, Cali!" rinig kong bulyaw ng kapatid ko.

Pucha! Ansakit sa ulo ng sigaw ni Dan!

"5 minutes Daniel, please wag ka sumigaw, ang sakit sa ulo." madiin kong sabi habang nagtataklob ng unan sa mukha.

"Anong 5 minutes?! Tayo na diyan!" sigaw niya sabay hila sa unan na nakatalukbong sa akin.

Di ko na lang siya pinansin at nagtalukbong na lang ulit ng kumot.

"Dan, don't shout at her. Ako na ang gigising sakanya." dinig kong sabi ni Levi kaya napamulat ako bigla.

Bat ba nandito sila? 4 pa naman kami uuwi ah?

I heard the door closed, malamang lumabas na si Dan buti na lang dahil baka masapak ko na siya sa sobrang ingay niya.

"Baby, wake up na.." malambing na sabi ni Levi pagkaupo niya sa kama.

Ano daw? Baby?

Jusko Lord.

Napapikit ulit ako ng mata at nagpanggap na tulog dahil tinanggal niya ang nakatalukbong na kumot sa akin.

He chuckled. Nahalata niya sigurong nagkukunwari akong tulog.

"C'mon Cali." natatawa niyang sabi.

Nagmulat ako ng mata at napanguso. Bat ba ang lakas niya sa akin.

Dapat kasi ganto kalambing ang gigising sa akin para good mood ako everyday.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing gigising ako galit ako sa mundo, pero nung si Levi ang gumising sa akin ngayon parang gusto ko na lang na palaging umaga.

I sat on the bed as I rub my eyes.

Tiningnan ko siya at nahuli kong nakatitig siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling naman siya habang nakangiti.

"Nothing, you look beautiful."

Napatawa ako sa sinabi niya kaya hinampas ko ang balikat niya.

Bolero amputa.

Napatigil lang ako sa pagtawa nung naramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko.

Tanginang hang over to, panira ng moment.

Napatingin ulit ako sakanya nung inangat niya ang baba ko.

He kissed my forehead.

Hala shet, ang lambot...

...ng kama.

"Why did you drink so much?" medyo naiirita niyang sabi.

"Wala lang, minsan lang naman eh" I pouted.

He stared at me, miya't miya ang paglipat ng tingin niya sa mata at labi ko.

Ano ba Levi, kung ikikiss mo ko gora na.

Antagal naman!

Inilagay ko ang kamay ko sa batok niya at hinila siya palapit sa akin.

Mukhang nagets niya naman ang gusto ko dahil ipinulupot pa niya ang braso niya sa bewang ko.

I closed my eyes as I felt his lips against mine.

He kissed me slowly which made me smile between our kisses.

Para akong nasa cloud9.

"Ay naknampucha!" sigaw ni Jervin na nagpatigil sa amin.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Irenic Victory (Completed)Where stories live. Discover now