FOUR

10K 421 151
                                    

Livvy's POV:

Kasalukuyan kong tinutulungan sina Ate Inday ngayon sa pag hahanda sa dining table, sya ang isa sa mga kasamahan ni Mama dito sa kusina. Kinakausap kasi ni Ma'am Selena si Mama ngayon, Nag aya rin kasi sina Ma'am na dito na ko mag hapunan, at ipapahatid nya na lamang ako mamaya pag uwi.

Matapos naming mag handa tinawag ko na sina Ma'am Aira at pinaalam na nakahanda na ang pag kain. Agad naman silang sumunod sa kitchen, at umupo. Nahuling dumating sina Mama at Ma'am Selena marahil ay kakatapos lang nilang mag usap.

"Sumabay na kayo samin Ate Lan, Livvy." aya ni Ma'am Selena. "I won't take no for an answer." Dugtong pa nito.

"Busog pa po ako Ma'am, sasabay nalang ako kanila Inday mamaya." sabi ni Mama. "Sige na anak, maupo ka na dun." Bulong ni Mama sakin saka pumunta sa sala.

Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko ka level ang mga taong kasalo ko sa hapag kainan.

"Liv, sit here beside me." saad ni Ma'am Azura na ikinagulat ko.

Tumalima agad ako at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Ma'am Azura.

Naninibago talaga ako dito kanino pa, pero kahit ganun man masaya pa rin ako dahil binati ako nito. Samantalang kaninang umaga lang ay minamaliit nya ko. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa naisip.

"You look creepy smiling like that." mahinang sabi nito sakin, habang nag lalagay ng pag kain sa pinggan nito.

Napasimangot ako dahil sa sinabi nito.

Ang ganda ko kaya paanong creepy?

Pasimple nitong inabot sakin ang bowl of rice.

"Hurry up, nakakangalay kaya." inis na sambit nito pero mahina lang yung tipong kami lang ang makakarinig.

"Sorry." Sambit ko at agad na kinuha mula sa kamay nito ang hawak.

"What do you want chicken or veggies?" Muli ay tanong nito.

"Veggies nalang po, please." sabi ko kahit na nakakahiya, ako kasi ang nasa pinakadulo ng lamesa.

Kinuha nito ang chopsuey at nilagyan ang pinggan ko.

"Thank you Ma'am." Sambit ko.

"May kamay naman sya, let her." narinig kong sabi ni Ma'am Devyn ng makita ang ginagawa ni Ma'am Azura.

"I'm just helping her, ang layo nya kasi sa foods." Sagot nito na parang normal nalang sa kanya ang masamang tingin na pinupukol ng kaharap.

"Devyn." sita ng Mommy nito.

Kaya wala s'yang magawa kundi ang manahimik nalang.

"Sya nga pala by friday pwede na kayong lumipat sa bagong condo nyo, aalis na rin kasi kami ni Selen by thursday kaya di na namin kayo maihahatid sa bago nyong lilipatan. But don't worry bago kami umalis, ipapaayos na namin ang lahat dun, groceries and stuffs na kakailanganin nyo." pahayag ni Ma'am Aira.

"Yup and I already talk to Ate Lannie, tungkol sa in-offer namin sayo. At wala naman syang naging problema dun." Masayang balita ni Ma'am Selena.

Well goodluck to me.

"Devyn, ikaw na bahalang mag sundo kay Livvy sa friday." dugtong pa nito na mas lalong ikinainis ng isa, parang anytime soon ay bubuga na ito apoy.

"Ako ng bahala Tita." sabat ni Ma'am Azura, napansin siguro nito na naiinis na ang kaibigan kaya sya na mismo ang nag presenta.

"Okay, thank you honey." Nakangiting sambit ng ginang.

"For you Tita." ganti ni Ma'am Azura, nakita ko kung paano ito pasimpleng ngumiti.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Où les histoires vivent. Découvrez maintenant