SEVEN

9.1K 434 129
                                    

Dedicated:
chublitx

Livvy's POV:

Nauna na kong bumalik sa condo, nasabi kasi ni Ma'am Devyn na may bibilhin lang daw ito sa labas. Buti nalang dahil hindi na muling nag loko pa ang elevator sa basement, kundi mahihirapan nanaman akong bitbitin ang huling maleta na dala ko na kasing bigat lang din ata nung nauna kong dala.

Pagbukas ko ng pinto, dumiretso ako sa sala para ilagay roon ang dala dala kong maleta. Uupo na sana ako sa mahabang sofa ng mahagip ng mata ko ang kusina...

What the heck?!

Parang dinaanan lang naman ng bagyo ang kusina, or sa madaling salita sinadya ang pag kakatapon ng toyo sa sahig, basag na mga itlog halos kalahati ata ng tray ang nabasa sa mga to. Andaming egg shell ang nag kalat.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Ma'am Azura sakin bago ako umalis.

Good luck!

Napapikit na lamang ako habang minamasahe ang aking sintido.

Gosh! Andaming nasayang na itlog, ilang tao rin ang makakakain nun kapag niluto. Putek nalang sana ang ikinalat nila dito, kesa pag kain ang pinag aaksayahan nila.

Pagod man ay sinimulan ko ng linisin ang mga ito, alam kong kagagawan ng dalawa to.

Unang araw palang to, kaya kapit lang Liv. pag motivate ko sa aking sarili.

Halos isang oras rin ang ginugol ko para lang malinis ang mga itlog na nabasag. Ilang ulit rin akong nag map para lang matanggal ang malagkit at malansa nitong amoy. Sayang lang ang effort ng mommy nila sa pag papaganda sa condo unit nila, kung dudumihan lang din naman nila.

Muli akong bumuntong hininga, saka kumuha ng tubig sa fridge. Ramdam ko na kasi ang pagod at panunuyo ng lalamunan ko.

Ang lagkit na rin ng pakiramdam ko kaya naisipan kong maligo nalang muna, sa banyo na nasa bandang kusina. Buti nalang dahil may mga shampoo at sabon na nakahanda room.

Minadali ko ang pag ligo, dahil baka biglang dumating ang dalawa. After taking a bath, nag bihis na ko. Nag suot lang ako ng white shirt at black jogger. Muli kong ipinasok sa bag ang mga hinubad kong damit na ibinalot ko sa bath towel na ginamit ko kanina. Ang hirap naman kasing kumilos sa hindi mo bahay, di ko alam kung saan lulugar. Ni hindi ko rin alam kung may kwarto ba akong matutulugan.

Bahala na pagod na kong mag isip, pagod na rin ang katawan ko. Tinignan ko ang oras sa luma kong cellphone, mag aalas dos na rin pala ng hapon kaya pala nakaramdam na ko ng gutom. Humiga muna ako sa kahabaan ng sofa, naramdaman ko nalang ang unti unting pag bigat ng mga mata ko.

Nagising ako ng tila may narinig akong mga nag uusap. Kaya pinanatili ko ang mga mata kong nakapikit.

"Masyado mo namang pinagod." Boses ata iyon ni Ma'am Azura.

"Hey! Ikaw kaya ang may pasimuno nito, hindi ko rin ini-expect na mag kakalat ka ng ganun sa kusina ano." Boses iyon ni Ma'am Devyn.

"Naku! Makapag salita ka as if wala ka ring ginawa, para pahirapan sya." ganti ni Ma'am Azura.

"That's the plan anyway, kaya nga ako pumayag diba na makakasama natin sya kasi sabi mo di rin yan mag tatagal dito ng isang linggo." Ma'am Devyn said.

"Kaya nga kailangang mas galingan pa natin." Ganti ni Ma'am Azura.

Hmmm. Yun siguro ang rason kung bakit nya ko binabalaan, dahil ang totoo gusto nya lang rin na ako mismo ang mag back out. Aminado ako she might look like an angel, but she sure didn't act like one.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now